Chapter II: The Abandoned House

116 5 0
                                    

God, please give Ms. Eli good health. And please give me my soul mate, ang tagal ko na pong naghihintay. And also, please keep him safe. I prayed.

Natapos na ang mass for Perpetual Help. Nagbless kami ni Ms. Eli kay Fr. Tapos ay lumabas na ng simbahan. Sa labas, huminto muna kami sandali, I unclipped the long white veil form my head and folded it neatly. Ganun din ang ginawa ni Ms. Eli. Naglakad na kami pauwi.

I can feel the morning sunlight against my pearly white skin. Si Ms. Eli ang nagsabi ng maglakad na lang kami paguwi galing sa Simbahan dahil healthy daw ang sun rays pag umaga. Wala naman akong magagawa kahit minsan ayaw ko, ayoko namang iwan lang ang matandang si Ms. Eli na naglalakad magisa. Sa pagiisip pa lang nun, parang naaawa na ako.

"Goodmorning, Maria! Goodmorning, Ms. Eli." Bati ni Elaiza na kakalabas pa lang ng bahay at may dalang sapatos. Isa si Elaiza sa mga nakakausap kong nasa age bracket ko.

"Goodmorning, Elaiza." Bati ko. tumigil kami sandal. I saw Ms. Eli flashed a smile to Elaiza. "Papasok ka na?"

"Oo. Actually, malelate na nga ako." Sabi nya tapos minadali ang pagsusuot ng sapatos.

"Sige, mauna na kami." Sabi ko. We waved at each other at umalis na kami.

"Magandang umaga, Maria.. Eli." Bati naman ni Manong Benny na nagwawalis sa bakuran nya. Ngumiti lang kami ni Ms. Eli at pinapatuloy ang paglalakad.

Bigla kong napansin, may napakalaking truck na nakapark sa kabilang side ng kalsada. Sa tapat ng limang buwan ng abandonadong bahay. May mga lalaking lumabas mula sa truck at sinimulang ilabas ang mga nasa loob. Mga sofa, cabinet at napakadaming box.

"May bagong lipat na po, Ms. Eli." Sabi ko.

"Nakikita ko, Maria. Di mo na kailangang sabihin ang obvious." Sabi ni Ms. Eli na nakatingin sakin na parang napakamali ng ginawa ko.

"Sorry po. Naexcite lang po ako dahil ang tagal nading bakante ang bahay. Buti naman at may bago ng lipat." Masaya kong sabi.

"Mabuti nga't magkakaroon na naman tayo ng bagog kapitbahay. I hope they're nice."

"I hope so." I agreed. And I hope there's someone for me from the new family who bought the house. Napatingin sakin uli si Ms. Eli at binigyan ako ng kakaibang tingin. Lalo ko lang nilawakan ang ngiti ko hanggang sa nawala na ang mga mata nya sakin. I sighed. Parang nababasa lagi ni Ms. Eli ang iniisip ko ah.

Pagpasok namin ng gate. Sinalubong agad ako ng mataba at malaki kong alagang si Joseph. Tinahulan nya din ang mga mamang nagbubuhat ng mga gamit palabas ng truck. Nauna ng pumasok si Ms. Eli sa loob ng bahay at mukhang magluluto na sya ng breakfast.

"Tingnan mo, Joseph. May bago ng nakatira sa kabilang bahay. Excited ka na bang makilala sila?" Tanong ko. Tumahol si Joseph ng tatlong beses. It means, excited na sya. "Ako din, Joseph. Sobrang excited na! Sana mababait sila no!?" Sabi ko at sinuklay ang puting balahibo ng alaga ko gamit ang daliri ko.

*Beep! Beep!*

Napalingon naman ako sa sasakyang bagong dating. Isang pulang van. Tumigil iyon sa likod ng truck. Dito na siguro nakasakay yung mga bagong lipat. Hinintay ko sila lumabas, para man lang makita kong kung ilan sila.

"Maria!" I heard Ms. Eli called. I looked around and found that she's standing at the doorway, "Pumasok na kayo ni Joseph, magbihis ka na." Habol nya.

"Opo!" Sagot ko. Lumingon ako ulit sa van pero wala pang nababa. Hayaan mo na, makikita ko din sila mamaya. "Halika na, Joseph." And with that, pumasok na kami ni Joseph sa loob ng bahay.

***

After naming magbreakfast. Iniwanan ako ni Ms. Eli saglit para gumawa ng sarili kong song piece using the flute. Medyo nahihilo daw kasi sya. I stayed in the living room facing the window para makita yung mga naglilipat sa kabilang kalsada. Maya maya, bumaba na si Ms. Eli na dala dala ang mga book of novels nya. Umupo sya solo chair na may soft green cushion.

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon