Chapter XVII: A Day With Him

54 5 0
                                    

     Nakititig lang ako sa reflection ko. Grabe! Ang laki na ng eye bags ko tapos may pimple ako sa noo. I tried to pluck it. Araaaay lang. And then, a diamond, as small as a salt, appeared. Hindi naman masyadong dumugo pero halatang halata kasi namumula. Tsk. Patay ako nito kay Ms. Eli.

      Last night, nagising si Ms. Eli sa maingay kong pagakyat. Muntik nakong mabisto. Tinanong nya ako kung bakit gising pa ako, eh gabing gabi na tapos nakajacket pa ako, hindi naman malamig sa loob ng bahay namin. Eto ang palusot ko..

“Nagpapapagod lang po ako, hindi kasi ako makatulog..” With a smile. Kaya yun, dun nya ako pinatulog sa kwarto nya. Tabi ulit kami. At lalo akong hindi nakatulog.

Nakatigtig lang ako sa kisame buong magdamag at inaalala yung sinabi ni Yvan. Gosh. Di ko alam kung kikiligin ba ako or matatakot. Of course, naexperience ko na once na ligawan, si Dave nga diba? Pero iba si Yvan kasi.. basta iba lang sya. Sa sobrang gulat ko kagabi nagtatakbo na lang ako. Di ko alam ang gagawin. Kaya wala na din akong nasabi bago ako tulungan ni Yvan pabalik sa loob ng bahay.

    Madami na din akong nabasa na novel and short stories na may ligawan, pero hindi ko maisip na mangyayari sakin with a guy I like.

“Maria!” I heard Ms. Eli called from downstairs.

“Bababa na po.” I shouted back. Tinakpan ko na lang ng buhok ko yung pinutok kong pimple tapos bumaba na.

       I was stunned by the next person I saw. The least person I wanted to see, and the person I wanted the most. Aakyat na sana ako para magtago pero nakatingin na si Ms. Eli at Yvan sakin.

“Maria.” Ms. Eli called.

“Good morning.” Bati ko. I smiled. “Oh, Yvan, a-anong ginagawa mo dito?” I asked nervously.

“I’m here to help with your gardening.” Napatingin agad ako kay Ms. Eli. She shrugged.

“Uh. Yvan.. kaya naman namin ni Ms. Eli, nakakahiya naman sa’yo.” I said while looking at Ms. Eli and him.

“Gusto kong tumulong tsaka pumayag na si Ms. Eli.” Nakangiting sabi ni Yvan, “Diba po, Ms.  Eli?” We both look at her. She nodded slowly, “Kita mo? Wala ng problema.”

***

“Paano nilalagay ‘tong black soil?” Tanong ni Yvan.

“Alternate. Yung brown soil tapos black tapos brown ulit tapos paulit ulit lang hanggang sa umabot sa mapuno yung paso.” Sabi ni Ms. Eli. Katabi ko si Ms. Eli tapos nandun si Yvan, malayong malayo samin.

“Uh.. Ms. Eli, bakit nyo po pinayagan  si Yvan na tumulong? Diba po ayaw nyong may ibang hahawak ng halaman natin bukod sating dalawa?” Mahina kong tanong.

“May sinabi kasi sya sakin..” I gulped. Natigilan ako. Baka sinabi ni Yvan kay Ms. Eli yung kagabi.

“A- ano- ano po yung si- sinabi nya?” tanong ko. Tumingin lang sakin si Ms. Eli.

“Why don’t you tell me what he said?” There’s a searching look on her eyes. Oh no. Alam na nya. Tiningnan ko si Yvan na pasipul- sipol pa dun sa paglalagay ng lupa.

“Liligawan daw po nya ako.” Nahihiya kong sabi.

“Anong sinagot mo?” Tanong ni Ms. Eli.

“Ano po bang sinabi nyo nung sinabi nya sa inyo yun?” Ang gulo nung tanong ko.

“I said, kung anong sabi mo, I’ll go with that.” She said followed by a deep sigh.

“I didn’t say anything. Nagulat po ako kaya umalis na lang po ako.” Napatingin sya kay Yvan. Natawa kami parehas ni Ms. Eli nung biglang natumba si Yvan habang binubuhat yung paso tapos natalisod sya sa isa pang paso tapos tumapon yung mga lupa sa damit nya. Napatingin sya samin tapos kumaway na may pilit na tawa pero halatang kinakabahan baka pagalitan sya. Ms. Eli looked away first.

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon