I've never been this happy and disoriented at the same time. I'm overwhelmed that everything was official between me and Yvan.
"Maria.." Bulong ni Yvan habang naglalaro ng tubig sa ilog. Nandito padin kami. I was afraid to leave this place. Baka kasi pag umalis kami, magbago ang lahat. Baka pag umalis kami, malaman ko na panaginip lang pala ang lahat.
"Hm?" I looked at him.
"Anong gusto mong maging?" Tanong ni Yvan.
"Uhmm.. Nung bata ako, gusto kong maging nurse. Tapos nagustuhan ko ding maging musician. Naging designer." Sabi ko ng nakatingin sa langit. But, the truth is, simula nung nalaman ko ang tungkol sa curse ko.. Hindi ko na alam ang gusto ko ngayon. Suddenly, your world will turn upside down and you've learned that there's another world existing for you. "Pero sa ngayon, I'm into writing. Hindi pa ako ganun kagaling but I'm developing."
"Bakit mo nagustuhan ang pagsusulat?" Tanong ni Yvan.
"Kasi sa pagsusulat, ikaw ang gagawa ng takbo ng buhay ng isang tao, at lahat ng gusto mong mangyari posibleng mangyari sa mga sinusulat mo. Mga bagay na imposibleng mangyari sa totoong buhay."
"Katulad ng?"
"Pagiging normal na tao na may normal na buhay." I said looking at my lap.
"Maria.." He held my hands, "Paano mo nasabing imposibleng mangyari ang mga bagay na yun sa totoong buhay?"
"Kasi hindi ako normal." Sabi ko. I'm scared and I don't know why.
"Define normal, then." Yvan said.
"Ang normal na tao may freedom na gawin ang kanyang naisin. Freedom to go to school. Freedom to work. Freedom to have as many friends as she can. Freedom to experience. Freedom to express." Sabi ko.
"Para sakin ang definition ng normal na tao ay yung pagkakaroon ng contentment sa buhay. Yung alam mo yung mga bagay na mahalaga sa buhay mo. When you know how to be contented, you'll know how to make yourself happy. You don't find happiness, happiness will find you. Kung mabuti ang kalooban mo, hindi mo kailangan maghanap ng kaibigan, sila ang lalapit sa'yo kasi mabuti kang tao. Siguro nga, maliit lang ang mundong ginagalawan mo, Maria.. palakihin mo ito. Treasure mo yung mga taong nandyan para sa'yo. Expand your ideas to make it big. I know you can do it." Muntik nakong umiyak sa mga sinabi ni Yvan. How can he be so idealistic and realistic at the same time? I smiled at him. Ayos lang kahit tahimik lang kami. Mga mata pa lang nya nagsusumigaw na kung gaano ako kahalaga sa kanya.
"Eh ikaw, Yvan, anong gusto mong maging?" He grinned. But, didn't say anything. "What?"
"Natawa lang ako sa naisip ko.." Sabi ni Yvan.
"Ano bang naisip mo?"
"Naisip ko? Gusto kong maging asawa mo." Natawa kami parehas pero yung sakin may kasamang kilig.
"Hindi nga, seryoso kasi." I insisted.
"Seryoso yun. Promise." Sabi ni Yvan, "Pero, may isa pa akong gusto.. Gusto kong maging sundalo."
"Ayyy. Warfreak ka pala." Biro ko.
"Hindi ako warfreak ah! I'm into discipline lang talaga and training. Eh saan ko ba mahahanap yun, edi sa military!"
"Bakit engineering ang course mo?" Tanong ko.
"Actually, front act lang yun kasi naghihintay ako ng opportunity sa military school." Sabi ni Yvan. "Ngayon kasi, parang nagdadalawang isip na uli ako. Una kasi may girlfriend ako, ayoko naman na iwan sya dito sa labas. Hindi ko yata kayang mawalay sa kanya kahit ilang oras lang." Kinurot ko sya sa pisngi dahil sa sinabi nya, "At pangalawa, nag- aalala akong iwan si Mommy, Yssa at Yna. Alam mo naman nanay ko, minsan sinasapian." Tumawa kami parehas.