Chapter XXV: My Confession of the Curse

47 3 0
                                    

     I woke up feeling so tired. Nasa kwarto pala ako ni Yvan, pinalitan nadin nila ang damit ko. Madaling araw padin, wala pa akong isang oras nakaidlip. Tumayo ako kahit feeling ko matutumba ako anytime. I walked out of Yvan’s room and I heart it. A lot of voices.

“Takot na takot yung dalawang bata!” It was Ms Ellen’s. “Halos hindi na sila tumigil sa kakaiyak sa takot. Mabuti nga’t nakatulog na sila, pero bukas.. Paano pag nagising na sila? Anong gusto mong sabihin ko sa kanila! Gusto mo bang sabihin kong panaginip lang lahat yun!? Ha, Yvan!?”

“Ako na pong bahala. Ako ang kakausap dun sa dalawa.” Sagot naman ni Yvan. Mabilis akong bumaba ng hagdan, nauna akong napansin ni Ms Eli. She walked towards me. Napatigil si Yvan sa pagwawalis ng mga nagkalat na diamonds sa sahig nila.

“Kamusta ka na? Anong nararamdaman mo?” She asked. Lumapit sunod si Yvan at inalalayan akong umupo. Ms Ellen looked at me with disgust and somewhat looked like hatred.

“Sinabi mo na ba?” I whispered at Yvan.

“Konti lang.. Gusto ko tayong dalawa ang mag-explain.”

“So, explain now.” Ms Ellen said. Yung mukha nya parang ang sungit sungit. Natakot ako bigla. Ibang-iba sya sa Ms Ellen na napakamasayahin at palabiro. Hinawakan ni Yvan ang kamay ko. “Lumayo ka sa kanya, Yvan. Baka mahawa ka ng kung anong meron ang babaeng yan.”

“Wala kang karapatang pagsabihan ng ganyan ang alaga ko.” Ms Eli confronted.

“Paanong wala? Eli, nakita mo ang nangyari kani- kanina lang! Imbis na dugo ang lumabas sa mga sugat nya, mga diamonds! Tapos.. tapos! Pinagaling nya ang sarili nya! Anong gusto mong isipin ko dun? Gusto mo ba akong umarte na walang nangyari? Ha!?”

“Mom, stop.” Said Yvan followed by a sighed.

“No, Yvan. Sumunod ka sakin. Lumayo ka sa babaeng yan.” Hindi sumagot si Yvan. Halata ko sa mukha nya na nagpipigil lang sya ng galit.

“Ms Ellen..” I called. She raised an eyebrow to me. “I’m sorry for what happened earlier. We meant to tell you about that when the time is right.” I stood up and went to the kitchen to get a knife. “I have a curse, it’s called diamond blood.” I cut my palm and slowly, diamonds started pouring like sand. I heard Ms Ellen gasped. Napahawak sya sa dibdib nya. “Nakuha ko ang sumpa..” I started narrating my story. Ang weird nga ng pakiramdam ko na kinukwento ko ang tungkol sakin sa ibang tao.

“Recently ko lang nalaman na pwede kong pagalingin ang sarili ko..” Then I focused on my cut, it closes swiftly.

“Yvan, anak.. kalian mo nalaman ang tungkol sa kanya?” Ms Ellen asked.

“Last month lang. Nililigawan ko na sya nun.” Sagot naman ni Yvan. Tumayo agad si Ms Ellen at hinigit palayo sakin si Yvan.

“Nalaman mo agad pero hindi ka lumayo agad!? Alam mo bang ang mga tulad nya ay tinalikuran na ng Diyos? Gawa ni Satanas ang nangyari sa kanya! Makinig ka sakin, anak. Ako ang mommy mo, lalayo ka kay Maria at sa pamilya nya. Hindi na tayo makikipagusap o makikipagugnayan pa sa kanila. Sasabihin ko agad sa Daddy mo na lilipat uli tayo ng---“

“Hindi ako aalis sa tabi ni Maria!” Yvan cut off. “Kung gusto nyong umalis, umalis kayo. Isama nyo sila Yssa at Yna.”

“Hindi ako papayag. Kung kailangan kitang kaladkarin para sumama samin, gagawin ko. Malayo ka lang sa kanila!”

“Gagawin ko ang lahat hindi lang malayo kay Maria!” Lumapit sakin si Yvan. Naiyak uli ako. Nasasaktan akong makita na nag-aaway sila ng Mommy nya ng dahil sakin.

“Ako ang Mommy mo, Yvan! Sundin mo ako!”

“Ampon nyo lang naman ako diba! Malaki nako, Mommy! Kaya ko ng magdesisyon para sa sarili ko. Hindi na kayo ang may hawak ng buhay ko, ako na. Alam ko na noon pa lang ang tungkol kay Maria, pero tinanggap ko yun dahil mahal na mahal ko sya. Walang nagbago sa pagmamahal ko sa kanya! Kung hinihiling nyo sakin na layuan si Maria, mas gugustuhin ko pang mamatay.” Hinawakan ni Yvan ang braso ko. “Hindi ako sasama sa inyo. And that’s final. Halika na, Maria.”

“Ms. Eli, halika na.” Yaya ko. When I turned my head to her, nakasandal sya at nakapikit ang mga mata. Hawak nya ang dibdib nya. Kinabahan ako bigla. “Ms. Eli!” Niyugyog ko sya para magising pero ayaw bumukas ng mga mata nya.

“Ms. Eli, Ms. Eli!” Tinulungan nadin ako ni Yvan na gisingin si Ms. Eli. Tinanggal ko ang kamay nya sa dibdib at pinakinggan ang paghinga at pagtibok ng puso nya. Wala akong marinig. Bakit wala akong marinig?

“Yvan, dalhin natin sya sa ospital!” Agad kaming nagtulungan ni Yvan na buhatin si Ms Eli.

“Maria, yung susi ng van—“ Biglang inabot agad sakin ni Ms Ellen ang susi ng van nila. Halata kong nagpapanic din sya.

“Salamat po.” Agad akong sumunod kay Yvan.

       While on our way to the hospital, I kept calling Ms. Eli. She wasn’t responding. I repeatedly shook her to wake up. Sa sobrang kaba ko, halos hindi na tumigil ang luha ko sa pagbagsak. Parang aatakihin ako sa puso. I was stating a silent prayer in my mind.

“Malapit na tayo, Maria.” Yvan informed me. Medyo malayo pa kami sa entrance ng emergency room, tumigil na ang sasakyan. “Shit.” He cursed. Bumaba sya ng sasakyan at tinakbo na ang natitira pang daan. I opened the door to let air in. I kept repeating my prayer.

Moments later, narinig ko na si Yvan na sumisigaw. I saw him with other hospital crews approaching us. May dala silang rolling bed. Dahan dahan nilang binuhat si Ms Eli at inihiga sa bed. Sabay nagtatakbo na papasok ng emergency room. Bigla akong nanghina.

“Maria, ayos ka lang?” Yvan asked. Hindi ako nakasagot dahil wala nakong lakas magsalita pa. Pinasan nya ako at mabilis na tumakbo para sundan yung mga nag-aasikaso kay Ms Eli.

*****

      Binigyan din nila ako ng oxygen habang naghihintay kay Ms Eli. Sobrang kagulo sa loob ng ER. Ang dami din kasing naputukan, may mga na-food poison pa. Thankful naman ako na binigyan nila ng priority si Ms. Eli.

They managed to revive her vital signs but, she remained asleep. I want to hold her hands but, they forbidden us to have contact with her until she became stable.

“Eloisa Dacara.” Someone said. Napatayo naman agad kami ni Yvan. Nakita kami ng doctor at lumapit sya samin. “Kayo ba ang nagdala kay Eloisa Dacara?” The doctor asked. Tinanggal ko ang oxygen mask ko. Napatulala ang doctor sakin. Nagtaka siguro sya sa itsura ko.

“Opo, pamilya nya po kami.” Sabi ko.

“Nagkaroon sya ng heart attack. Mabuti at nasugod nyo agad sya dito. Kung nagtagal pa, baka wala na kaming nagawa.” The doctor adjusted his eyeglasses. “Pag na-stable na ang kalagayan nya, kailangan syang isailalim sa mga test para malaman kung may iba pang komplikasyon.”

“Gawin nyo po lahat ng dapat gawin.” I said.

“Maasahan nyo po.” Sabi ng doctor. Nagpasalamat kami sa kanya at umalis na. Napayakap ako kay Yvan sa sobrang tuwa. Nakahinga na ako ng maluwag. Wala na sa panganib ni Ms. Eli.

“Yvan, thank you. Kung wala ka baka hindi na umabot si Ms. Eli ng hospital.” Sabi ko.

“Hindi naman mangyayari ang lahat ng ‘to kung nag-ingat lang ako sa pagsisindi ng paputok. Psensya ka na.” Niyakap uli ako ni Yvan.

“Sa tingin mo kung hindi natin sinabi sa kanila ang tungkol sa’tin, mangyayari kaya ang lahat ng ‘to?”

“Hindi ko alam. Pero hindi naman natin kasalanan na mahal natin ang isa’t isa. Hindi nila dapat isisi sa’tin ang nangyari.”

“Yvan, paano kung sundin mo na lang ang sabi sa’yo ng mommy mo?”

“What? Oh, come on, Maria.” He smiled at me. “Nag oover react lang si Mommy. Hindi ko sya susundin. At hindi din ako lalayo sa’yo. Hindi kita iiwan. Maliwanag ba?”

“Eh kasi—“ He put his finger on my mouth to stop me.

“Kahit magreklamo ka pa dyan, titigasan ko pa lalo ang ulo ko. Walang aalis. Walang maghihiwalay. Were in this together.” Kinurot nya ang mga pisngi ko. Napangiti na lang. “Good girl.”

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon