Chapter V: What I See on My Window

114 3 0
                                    

Tumambay na naman ako sa tapat ng bintana kung saan nakikita ko yung bahay sa kabilang kalsada habang hinihintay na matapos si Ms. Eli sa pagluluto. Simula kasi nung padinner ni Ms. Ellen, naging interesado nako kay Yvan.

Nagulat ako sa lakas ng pagkakasabi nya ng ‘WOW!’ tapos nagtatakbo na. Hanggang sa natapos yung gabing yun, hindi ko na ulit nakita is Yvan sa bahay nila. Tsaka, there’s something about him that caught my attention immediately, one more thing.. he stares at me differently. Si Dave kasi, lagi akong ginagaso nun.. tititigan nya ako lagi, kasi ayoko kasi nun. Yung tititigan ka ng matagal tapos nararamdaman mong parang may ibang intension sa’yo yung tao. Pero nung si Yvan ang tumitig sakin, iba. Nakaramdam ako ng cold spark sa buong katawan ko. Parang sinusuri nya ang lahat ng parts ng mukha ko. Simula sa mata, ilong, bibig, buhok, pisngi at lahat. Nahiya ako dahil sa ginawa nya, kaya tinakpan ko ang mukha ko. Naiisip ko din na kaya siguro ganun ang pakiramdam ko kasi bago pa lang sya.

Ayan na! lumabas na sila Yssa at Yna dala dala ang kanilang mga de- hilang bag tapos nakasuot ng uniform nila. Tumahol namin si Joseph na nakatali sa may gate namin.

Five…

Four…

Three..

Two…

One.

Lumabas naman si Yvan na nakasuot din ng uniform. I stood up and stepped closer to the window. Pinindot nya yung control ng sasakyan nila. Pumasok na sa loob yung dalawang babae na nagtatawanan na parang may sinabing joke sa isa’t isa.

Tinitigan ko si Yvan na nakatayo lang at nagtetext. His uniform is different from the others who lived here. Siguro iba yung school nya. At hindi ko alam kung saan yun. Biglang lumabas si Ms. Ellen at inabot mula sa bintana yung mga baon nila Yssa at Yna na nakalagay sa pink na lunch box. Tumahol ulit si Joseph kaya napatingin si Yvan sa kanya. Mabilis akong nagtago. After a while, sumilip ako. Nakatingin si Yvan sa bahay namin na parang may hinahanap.

“KUYAAAAA! BILISAN MO! LATE NA KAMI!” Sigaw yata ni Yssa yun.

“Saglit lang!” Sabi naman ni Yvan at tumingin ulit sa bahay namin. Nagpakita na ako sa bintana. Nanlaki yung mata nya nung nakita ako tapos umiwas sya ng tingin nya. Tiningnan ko lang sya hanggang sa makapasok na sya sa van nila. I heard the engine roared into life at umalis na sila. Tumahol ng tumahol si Joseph.

***

“Ms. Eli.. anong pakiramdam ng napasok sa school?” tanong ko habang nananahi. Friday kasi ngayon kaya dress making kami. Sinara ni Ms. Eli yung librong binabasa nya at tumingin sakin.

“Masaya dahil madami kang makikilalang mga tao.”

“Kayo po? Naging masaya ba yung pagpasok nyo dati?” pagusisa ko.

“Medyo. Oo. alam mo kasi, Maria, dahil sa pagkakaiba iba ng tao kaya nagiging masaya ang buhay at dahil din sa pagkakaiba ibang yun, kaya nagkakagulo ang  lahat. Noon kasi, nung nagaaral pa ako. marami pang hindi uso noon, kaya focus kami sa pagaaral. Magkaroon lang ng isang kaibigan ay ayos na. Tsaka ang goal ng mga mag- aaaral noon ay makatapos ng pagaaral hindi ang magenjoy at makahanap ng kaibigan.”

“Pero diba, Ms. Eli, it’s better kung habang nagaaral ka, madami kang kaibigan. Para may oras na pwedeng happy time, yung maaenjoy nyo ang pagaaral.” Sabi ko naman.

“Hindi ko na kasi alam ang mundo ng mga kabataan ngayon..” Sabi ni Ms. Eli habang naghahanap ng ibang libro, “Yung iba kasi walang pakialam sa pagaaral, pumapasok lang para mabigyan ng pera, tapos puro naman barkada ang kasama. Pero ang madalas ngayon, pumapasok lang ang mga kabataan para sa mga crush nila.” Nabigla ako kaya muntik ng sumala yung tinatahi ko sa machine.

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon