Chapter VI: My Curiosity

97 3 0
                                    

Yvan's POV

Tinitigan ko yung picture na nasa phone ko. Tumambay lang kasi ako saglit kahapon sa terrace namin tapos hindi na maalis yung titig ko sa kabilang bahay dahil naiinis ako sa itsura. Walang kabuhay buhay at walang kakulay kulay. Take note ah, mga babae ang nakatira dun. Mas dapat nga conscious sila sa itsura ng bahay nila. Ang weird talaga ng pamilya nila.

I stared at the window in the upper left side of the house. Akala ko talaga white lady yung nakuhanan ko kaya tumayo ang balahibo ko. Pero nung naglaon, si Maria pala yun. She stood there, in front of the window steadily and she's looking at my direction. I zoomed the picture. Kahit mula sa malayo ko kinunan 'tong picture, kitang kita ko padin ang mga mata ni Maria.

"Ayieeee!" Napatalon ako sa gulat. Paglingon ko, yung dalawa kong kapatid nasa likod ko.

"Si ate Maria yan ah.." Sabi naman ni Yna. Tinago ko agad yung phone ko sa bulsa.

"Halika na, ihahatid ko na kayo." Sabi ko sabay tayo at kuha sa susi. Wala akong pasok ngayon pero obliged akong ihatid ang dalawang batang 'to.

"May crush ka kay ate Maria no!?" Tukso ni Yssa habang nababa kami ng hagdanan. Hindi na lang ako umimik.

"Halika, Yssa. Sabihin natin kay ate Maria!" Nilagpasan nila akong dalawa at nagtatakbo pababa ng hagdanan. Hinila ko naman sila sa kwelyo ng blouse nila

"Wala akong crush dun at wala din kayong sasabihin." Sabi ko.

"Eh bakit defensive ka, Kuya? Nagjojoke lang naman kami." Sabi ni Yna.

"Hindi ako defensive." Sabi ko tapos nagdaredaretso ng bumaba.

"Wala ka sa sarili mo, Kuya." Sabi ni Yna. Tiningnan ko silang dalawa. Tapos nagtawanan. Mga baliw talaga 'tong mga 'to!

"Saturday kaya ngayon, bakit mo kami ihahatid?" Natatawang sabi ni Yssa. AnakNgLoko! Saturday nga pala.

"Eh bakit kayo nakauniform?" Naiinis kong tanong.

"Wala lang. Gusto ka lang naming lokohin, Kuya. Nagpaloko ka naman!" Tumawa ng tumawa yung dalawa.

"Tumakbo na kayo." Mahina kong sabi.

"YAAAAAAHHHHH!" At nagtatakbo yung dalawa paakyat. Naisahan ako nung dalawa ah. Kainis! Yun ba ang natututunan nila sa school!? Napabuntong hininga na lang ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng pandesal at coffee.

"Nak, punta ka naman sa palengke oh. Ibili mo ko ng iuulam natin mamaya." Sabi ni Mommy na nagpupunas ng stove.

"Eh hindi ko pa alam ang papunta dun. Baka iba mga daan dito." Sabi ko. Ayoko kasing lumabas talaga ngayon.

"Ayy. Hindi. Kasi alam mo, nakausap ko kanina si Eli, marketing day nila ngayon kaya pupunta din sila sa palengke ni Maria. Ipapasabay ko na sila sa'yo tutal may sasakyan naman tayo." Nalunok ko ang pandesal na hindi pa nginunguya.

"MOM!" Sigaw ko habang sinusuntok suntok ang dibdib ko. Mahihirinan ako nito at baka hindi nako makahinga. Dali dali kong binuksan ang ref at uminom ng tubig.

"Pumayag naman si Eli na sumabay sa'yo e. Ituturo nila sa'yo yung papunta dun. Don't worry, son." Tuloy pa ni Mom.

"Ayokong lumabas. Ikaw na lang po kung gusto mo." Sabi ko sabay upo ulit at kuha ng pandesal.

"Nak naman. May appointment ako ngayon sa manikurista. Tingnan mo 'tong mga kuko ko, mukhang naghihinalo na."

"Mom, kakagaling mo lang ng salon nung isang araw." I rolled my eyes.

"Sige. Dito ka na lang. Pero ikaw ang titingin sa mga kapatid mo, dapat kumain sila sa oras kasi hindi ko na sila isasama." Panakot ni Mom. Hay. Anak nya nga ako. Alam nya kung paano ako takutin.

The Diamond BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon