Pagmulat ko ng mga mata ko. Nakita ko sa tabi ko si Ms. Eli na mahimbing padin ang pagkakatulog. Tinitigan ko ang maganda nyang mukha. Hinding hindi siguro ako magsasawang tingnan ang mukha ng taong nagpalaki sakin at tinuring ko ng pangalawa kong ina. She adjusted in our bed. Magigising na sya. Pumikit ulit ako at nagtulug- tulugan.
“Good morning, Maria.” I heard Ms. Eli whispered and she kissed my forehead. Nararamdam kong bumaba na sya ng kama. Narinig kong bumukas ang pinto at sumara. Nagbilang ako ng 30 seconds bago ko binuksan muli ang mga mata ko. Bumangon nako at nag- unat unat.
Ms. Eli is now 64 years old. She’s been with me all my life now and all of my mother’s life until she died when I was 13 years old. That’s 6 years ago. I’m 19 now. And I’m still sharing one room with Ms. Eli. Ewan ko ba kung bakit ayaw akong patulugin ni Ms. Eli sa ibang kwarto dito sa bahay namin. Yung bahay nga pala namin, it was a plain two- story house. White and brown ang color pero sa sobrang tagal na ng bahay na’to, buhay pa ang mga magulang ni Ms. Eli, medyo kupas nadin ang kulay. Sabi naman ni Ms. Eli, hayaan na lang daw na ganito para iwas gastos. Wala naman kasing bumibisita samin dahil wala na kaming ibang kamag- anak pa. Eh kami lang naman ni Ms. Eli ang nandito kaya ayos lang kahit hindi na pagandahin.
Lumapit ako sa bintana, binuksan ko ito at lumanghap ng sariwang hangin. Nakita ko ang bakanteng bahay sa harap ng bahay namin. Sa magkabilang tabi naman ng bakanteng bahay, nakikita ko na ang mga bata at ibang kaedaran ko na nakauniform na at papunta na sa kani- kanilang schools. Nainggit na naman ako. FYI, I don’t go to school. I’m being home- schooled by Ms. Eli. Hindi naman ako nagrereklamo dahil magaling magturo si Ms. Eli, napakadami nyang alam. Tumingin din ako sa magkabilang bahay na katabi ng bahay namin, nakita ko si Mrs. Cabigan na nagaayos ng mga halaman nya at nagwawalis ng kanilang garahe. Sa kabila naman, si Mr. Poblete ay pinupunasan ang kanyang sasakyan. Kumaway sya sakin kaya kumaway din ako ng nakangiti.
I heard a yawn from beside the bed. I looked at the big white animal stretching his four legs. Tumayo sya at lumapit sakin. Meet, Joseph. He is a Great Pyrenees dog. My Mom gave Joseph to me on my 7th birthday. When he is in his four feet, he is 3 feet tall, when he stand in his back feet, he is exactly my height. Ganun sya kalaki. Yung mga kapitbahay namin akala nila, polar bear sya.
“good moring, Joseph. Gutom ka na ba?” Tanong ko sa aso kong halatang inaantok pa. “Naamoy ko na ang niluluto ni Ms. Eli.” Sabi ko na inaamoy ang hangin. Binuksan ko ang pinto para makalabas si Joseph. Umupo naman ako sa tapat ng salamin at sinuklay ang mahaba kong buhok. Pinunasan ko ng basang bimpo ang mukha ko. I have small nose and lips. Pero nagbalance naman sa hugis at size ng mukha ko kaya hindi halatang maliit. Tinitigan ko ang mapupula kong mata. Its’ not that red, slight lang. Lagi kong tinatanong si Ms. Eli kung bakit ganito ang mga mata ko. Pero hindi nya din alam. Simula pagkabata ko ganito na ang kulay nya. It’s like I’m wearing contact lenses. I wore my doll shoes at lumabas na ng kwarto.
Nadaanan ko ang dalawang bakanteng kwarto dito sa bahay. Yung isang kwarto sa kabilang dulo ang gusto kong maging sarili kong kwarto, pero ayaw akong payagan ni Ms. Eli. Hayy. Sana makapagisa nako sa sarili kong kwarto. Bumaba na ako sa hagdanan para puntahan si Ms. Eli.
“Good morning, Ms. Eli.” Bati ko at umupo sa usual kong upuan katapat ng lutuan. “Ms. Eli, ano pong gagawin nadin ngayon for gardening?” Tanong ko. Dahil Monday ngayon, gardening lang ang gagawin namin ngayong araw.
“Meron akong binili na Santan beds. Yun ang gagawin natin ngayon araw.” Sagot naman ni Ms. Eli habang nagluluto padin. Nung isang linggo kasi, nagtanim kami ng gulay sa likod ng bahay namin. Ngayon naman, sa harapan ng bahay pag bulaklak.