1-New Day

15 1 0
                                    

  
   "Ahhhh...hah hah!!"

Nagising ako bigla dahil sa isang masamang panaginip, naulit na naman. Isang bangungot. Totoong bangungot ng nakaraan ko.

Hindi pa rin ako makawala sa pait ng kahapon halos isang taon na ang nakakalipas ngunit patuloy pa rin akong minumulto nito.

"Bakit? Paano?" Halos lulunin ko ang tanong na iyon sa aking sarili. Salitang paulit-ulit kong tinatanong sa tuwing magigising ako. Kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. Bumangon akong dala-dala pa rin ang bigat na iyon sa aking dibdib. Panibagong araw na naman. Panibagong araw na namang walang patutunguhan.

"Darling I, can't explain...🎵" Natigil ako sa pagkilos ng marinig ko ang kantang iyon. Parang inalis muli nito ang lahat ng rason kung bakit ako humihinga, "Can we go back to the day our love was strong?🎵" Unti-unti na naman akong pinapaluha nito at pinaluluhod sa sakit ngunit bago pa man ako makalimot hinanap ko na kung nasaan ang aking phone.

"Hello?"

"Girl!!!!!" Bigla kong nailayo ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa nakakairitang boses niyang iyon. Nangunot ang noo ko't napangiwi,

'Siya na naman hys'.

"Ano na naman bang kailangan mo?" Malamig kong tanong sakanya.

"Hehe grabe nilamig na naman ako bigla rito." Kimi niyang sagot.

"Kung wala kang---"

"Sandali!!! Ito na, ito na, masyado kana naman malamig...I mean hot hihihi!!" Bungisngis niya sa kabilang linya. Habang ako heto, nauubusan na naman ng pasensya. Kung di ko lang to senior sa pinapasukan kong Publishing Company ngayon baka matagal ko na itong nadarag.

"Yun na nga, pinapatanong ni madaam slash ni Tita kung tapos mo na daw yung 'The Horizon'?" Huminga ako ng malalim, dahil sa tanong niyang paulit-ulit na lang. Tungkol iyon sa isinusulat kong kwento.

"Oo!" Maikli kong tugon.

"Yehey!! Sa wakas naman at pinapasabi niya rin pala na pumunta ka ngayon di---"

"Ayoko!!" Mabilis na pagputol ko sa sasabihin niya. Madiin at malamig.Tatlong buwan na akong nagtatrabaho sa Ink Works. Isang publishing company at doon ko nga sila mas nakilala pa. Si Lucia, at ang sinasabi niyang madaam ay si Madaam Victoria, ang baklang Boss namin. Umayaw ako agad kasi alam kong ipipilit na naman nilang pumunta ako sa opisina kahit na alam nilang ayoko at nilinaw ko na sa kanila iyon, mula pa noong unang inalok nila akong maging isa sa mga manunulat nila.

Ayoko sanang pumayag kaso kinailangan kong lumipat at maghanap ng panibagong trabaho. Sakto noon na nagkabanggaan kami ni Lucia sa mall, noong bumili ako ng mga personal kong pangaingailangan. Naging magka schoolmate kami at kaclub sa school publication noong high school pa kami. Kaya ganoon na lamang ang reaksyon niya ng makita ako. Inalok niya akong magtrabaho sa Publishing company ng tita niya na si Madaam Victoria. Noong una umayaw ako kasi matagal na akong tumigil magsulat at hindi yun ang kursong kinuha ko sa koleheyo.

Nagpaalam ako noon sakanya't umalis akong maiiyak na siya. Di ko siya pinaiyak okay, sadyang oa lang talaga siya. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko noong bagong lipat pa lang ako sa bago kong apartment kinagabihan kasi kumatok na lang siya bigla sa pinto ko at ang nakakagulat pa doon ay nagsama pa siya ng pipilit saakin, at si Madaam Victoria nga iyon. Gusto ko sanang saraduhan sila ng pinto pero kinontrol ko ang sarili ko. Sa halip pinapasok ko sila. Pagkaupo namin nagsalita kaagad si Madaam Victoria. Gaya ng inaasahan ko, inaalok niya rin akong magtrabaho sakanya. Marami siyang sinabi na kung anu-anong magpapabago ng isip ko. Nabanggit niya rin na bilib din siya sa paraan ng pagsusulat ko. Masyado raw malalim at catchy. Sa durasyon ng pagsasalita niya, tahimik lang akong nakikinig, inaantok at nauubusan ng pasensya.

MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)Where stories live. Discover now