6-Lunch Date

0 0 0
                                    


   For the second time around tumigil siya sa tapat ng isang restaurant na open air. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto, he even lend his hand to help me. Napalunok ako at tinanggap yun.

'Nanginginig ata kamay ko.'

"Are you okay? Your hand is so cold, do you feel cold?" Nag-aalala niyang tanong at nagawa pang himasin ang kamay ko.

'Pakingshit talaga'

Pakiramdam ko nawalan ako ng hininga. Binawi ko iyon at itinago sa likod.

"Ayos lang ako, baka gutom lang!" Pagsisinungaling ko. Bakit? Bakit ganito ang nararamdaman ko Bumuntong-hininga siya at inalok ulit ang kamay para alalayan ako. Napangiwi ako at napakamot sa noo. Tinignan ko siya, 'Shit' Bakit ang seryoso niya ngayon?

"B-bakit?" Shit again, bakit ako nautal? Bumuntong-hininga ulit siya at ibinaba ang kamay diretso sa bulsa niya.

"Nothing, let's go."

'B-bakit? Bakit parang nawalan ng buhay ang boses niya?' Nauna na siyang maglakad at sumunod na lang ako. 'P*ta, bakit ba ako nakokonsensya? Eh wala naman akong ginagawa ah!' Pumasok kami at dumiretso ulit sa pandalawang tao lang na lamisa. Ipinaghila niya ako ulit at umupo siya sa tapat. Hindi siya nagsalita, sa halip itinaas niya ang kamay para tumawag ng waiter. Ilang sandali lang may lumapit sa amin, isang boyish na waiter. Nakangiti itong nakipaghigh five kay Sinester. Sinulyapan ako nito sandali at ibinalik kay Sinester.

"Naks, first time to dude." Pang-aasar ng boyish kay Sinester.

'Alin ang first time?'

"Hahaha, dating gawi dude. Gawin mong dalawa at samahan mo ng isang Milktea, yung large." Nagpanting ang tenga ko doon. Napalunok ako. Napatitig ako kay Sinester bigla.

"Alright!" Nakuha muli ng waiter ang atensyon ko. Tumingin siya akin at nagbow, napaatras ako.

'Anong---'

"Just wait in a few minutes Ma'am, I'll assure you na mahihirapan kang makalimutan ang mga pagkain dito." Nakangiti siya ng malaki habang sinasabi iyon. Tumingin ulit kay Sinester na umiiling-iling na may maliit na ngiti. Tsk, di ko sila maintindihan, Ano bang trip nila? Umalis na ang waiter at inilibot ko na lang ang paningin ko sa paligid. Maaliwalas din, medyo maliit sa una naming pinuntahan pero wala akong masabi sa interior design. Simple pero catchy.

Napatagal ako sa pagtingin-tingin sa paligid, kaya ng mapasulyap ako kay Sinester ay nagulat ako.

'Shit, nakatitig ba siya sa akin kanina pa?' Napalunok na naman ako, mauubusan ata ako ng tubig sa katawan.

"Bakit?" Taas kilay at diretso kong tanong sa kanya, ulit.Umiling-iling siya, at umiwas ng tingin.

'Ha? Bakit ang tahimik niya na? Ano bang nangyayari sa kanya? Tsk, gaya-gaya ng personality.' Para kaming namatayan, ang tahimik ng mesa namin. Kung wala lang ingay sa ibang mga lamesa, baka inaantok na ako ngayon. Mabuti na lang at dumating na ang inorder niya.

"Enjoy eating Ma'am." Nakangiting turan ng waiter na naghatid ng order namin, niya pala, at nakipaghigh five rin kay Sinester.

'Tsk, regular customer ba siya dito? May balak pa ata itong pumasok sa politika, daming kakilala'

"Salamat Dude" Pasalamat ni Sinester. "Let's eat, Bella." Alok niya. Tumango na lang ako at kumain kami ng tahimik.

'Di kaya mapanis laway namin nito?' Wait, what? Ey di ko naman iniisip na gusto ko siyang kausap, ang sa akin lang naman ay--- Nevermind, tunog defensive na ko eh.

MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)Where stories live. Discover now