23-Forced Allies

1 0 0
                                    


   Nahimasmasan na ako. Kumalas sa yakapan namin ni Saturno. Tumayo ako at pumunta ulit sa dati kong pwesto. Tinignan ko ng malamig ang mga natitira pang parte ng pamilya ng mga Palermo.

Tulalang nangingilid ang mga luha ni Simon. Si Sparkly ay humihikbi ng tahimik. Si Shekina at Celina ay di ko mabasa ang mga mukha. Di ko alam kung nagsisisi ba sila o ano.

"I changed my mind. Parang gusto ko na lang kayong ipakulong." Agaran silang umalma. Umabante ang mag-ina papunta sa akin pero itinaas ko ang kamay ko. Pinapatigil sila sa paglapit. "Sa limang kondisyon." Binuka ko ang mga daliri ko. Para sa limang kondisyon na sinabi ko. "Handa ba kayong makinig?" Parang Boss na tanong ko sa kanila. Di sila nagsalita pero di sila gumawa ng anumang pagkontra. Nakatingin lang sila sa akin ng nangangamba na.

Nasisiyahan ako sa mukhang ipinapakita nina Celina, Shekina at Sparkly. Ngayon lang nila pinakita iyon sa akin.

"Una!" Ibinaba ko ang hinliliit ko. "Susuportahan niyo Shekina at Celina ang foundation ni Saturn. Huwag ko lang malaman laman na sinabotahe niyo siya, alam niyo na ang kalalagyan niyo." Nagugulat silang napatingin sa akin. Pati si Saturn ay napaangat ang ulo. "Pangalawa!" Ibinaba ko ang palasingsingan ko. "Ibabalik mo sa akin Sparkly ang mga musical instruments ko na ibinenta mo para ipangbili mo lang ng pangit mong Louise Vitton na bag."

"W-what? Pero matagal na yun, baka wala na iyon." Nagugulat niyang tanong.

"Wala akong pakialam gumawa ka ng paraan na mahanap mo iyon. Ang gitara ko na may pirma ni Mama. Ang violin ko na napanalonan ko sa Contest at ang saxophone ko na pinaghirapan kong mabili. Hanapin mo lahat. Gumawa ka ng paraan ayoko ng bago. Gusto ko iyon mismo kahit sabihin mong luma na iyon wala akong pakialam. Mas mahalaga ang mga instrumentong iyon kaysa saiyo Sparkly dear. Kapag hindi mo mahanap iyon makikipagkamustahan ka sa gang mo sa kulongan." Napalunok siya at nanginginig na tumango ng tumango ng paulit-ulit. Takot na takot na makulong.

'Tsk,weak'. Inikotan ko siya ng mga mata. 'Pathetic'

"Pangatlo!" Ibinaba ko ang gitnang daliri ko. "Ibabalik mo Celina ang kompanyang kinuha mo sa Tita ko na kapatid ni Mama. Ibabalik mo iyon na sa kanya ulit nakapangalan. Walang labis, walang kulang."

"What? I made it growth, there's---"

"Tatahimik ka at o-oo sa akin o ikaw ang unang hihimas ng rehas na bakal?" Nanggigigil kong banta sa kanya. Nanlilisik na naman ang mga mata. Matalim niya rin akong tinignan. "Bakit? May reklamo ka? Naghirap sina Mama at Tita dahil sayo kasi sinabotahe mo ang kompanya nila, binili noong nalugi at sinarili mo pagkatapos. Wow, best in kasamaan ka na of the world Celina. Nagtataka ako kung bakit tumagal sayo ang asawa mo. Masyado ka naman mababang tao. Puro ka pera!! Pera!! Nagmumukha ka ng pera!!" Isinigaw ko ang salitang pera sa mukha niya. Tumahimik siya. Nanggagalaiti. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili. Nanginginig ang kamay na nakataas. "Oo lang naman Celina, oo tutulongan kita Saint. Ganoon dapat." Malambing kong saad sa kanya pero pang-iinsulto ang dating noon sa kanya. Tinignan niya muna ako ng matalim.

"Fine!!" Napipilitan niyang saad. Napapalakpak ako sa tuwa kunwari. Nakangisi.

"Pang-apat!" Ibinaba ko ang hintuturo ko. "Sasama kayo sa amin sa sunod na linggo sa pagsampa ng kaso kay Aquino. Sama-sama. Full force. One big happy family." Napapalatak ako sa huling sinabi ko. "Panglima!" Ikinuyom ko na ang kamao ko. "Of course ang sadya ko rito. Magiging witnesses kayo ng kaso." Ibinaba ko na ang kamay ko. "Tandaan niyo, isang maling galaw. Pagpi-pyestahan kayo ng media sa labas ng bahay niyo. Instant celebrity kayo lahat." Nakangisi ko iyong sinabi. "What do you think, Simon hmm?"

MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)Where stories live. Discover now