Luciana Williams"Hoy!" Nagulat ako ng biglang tapikin ni Karen ang balikat ko. Isa sa mga editor dito sa Ink Works.
"O-oh!" Lutang ko pa ring saad. Ngumuso siya at nagpangalumbaba sa harap ko.
"Lutang kana naman. Ano ba kasing nangyari talaga? Mag-iisang taon na kayong ganyan ni Sir Victor ah. Gloomy at sad." Iniiwas ko ang paningin ko sa kanya. Inalala na naman ang insidenteng iyon. That incident took our consciousness. Its worst and unforgettable. She will surely be in pain, if she knew it. If she....woke up.
Kumirot ang dibdib ko sa isiping iyon. Mag-iisang taon na nga. Mag-iisang taon na siyang tulog doon at di nagbibigay man lang kahit isang progress. 'Ayaw niya na atang lumaban.' Kinagat ko ang labi ko.
"Hoy!" Nagitla ulit ako ng tapikin niya ng malakas ang mesa. "Lutangers nga. Sige na, huwag mo ng sagutin pero iyong kay Bella na lang. Nasaan na ba siya? Sayang best selling pa naman ang mga libro niya." Nakapangalumbaba na siyang nakatingin sa taas. Nakahilay sa upuan at inilagay ang kamay sa baba na parang nag-iisip.
"She's....far away!" Mahina kong saad. Totoo naman. Nandoon lang siya sa hospital pero napakalayo niya na sa amin.
"Ano? Di ko narinig eh!"
"Lucy!" Pareho kaming napalingon kay Tito ng tawagin niya ko. Suot ang seryoso niyang mukha. Dali-daling umalis si Karen. Takot na mapagalitan.
"Are you going with me now?" Seryoso niya pa ring tanong. Huminga ako ng malalim at tumango ng mabagal.
"Wait lang Tito." Tumayo ako at inayos ng madali ang mga gamit ko. Hinarap siya at nagtanguan kami. Sabay kaming umalis doon at sumakay sa kotse niya.
Naging tahimik ang byahe namin. Ang dating ingay ng kotse ay naging malungkot na. Iba na ang atmosphere.
"Do you know Tito kung sino ang nandoon?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin pa rin sa labas.
"It's Saturno and her girlfriend."
"Hmm!" Tumango-tango ako ng mabagal. Napuno ulit ng katahimikan ang paligid. Di na kami yung dating maingay na Lucia at Madaam Victoria. Nagbago ang lahat matapos ang pangyayaring iyon. Ayoko mang sabihin pero mayroong nabawas.
Blessing in disguise sana at masayang balita na tinupad nila ang kagustohan ni Saint, pero we can't celebrate it. We can't.
Sa oras ng kalungkotan at sakit ay naging mas solid kami kung kompleto pa sana. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon. Naging karamay namin ang isa't-isa at makakapitan. Kami yung natira na lumalaban pa rin kahit ang sakit at fresh pa rin ang pangyayaring iyon.
Di na ata namin malilimutan iyon.
Ilang buhay ang nawala at naisakripisyo. Kawawa ang mga naiwan. Iniwanan ng sakit at kalungkotan. Di yun inaasahan ng lahat. It was supposed to be a first fight against them, but It ended up the first and the last one, with a tragic ending. Bumigat na naman ang dibdib ko.
"Susunduin mo ba si Shekina?" Mahina kong tanong.
"Yeah! I should be." Malungkot niyang sagot. Nalungkot lang din lalo ako. Di nila deserve ito. Marami pang pwedeng mangyari lalo na't okay na sila. Bubuo pa sana sila ng masasayang alaala magkakasama. Iyon ang alam kong gusto ni Saint. She wanted to spend a memorable moments with them.
Paano kaya niya kakayanin iyon o tatanggapin kung sakaling magising na siya? Kakayanin niya kaya Bumuntong-hininga ako. Pinahid ang nangilid na luha.
"Did Dominico contacted you?"
![](https://img.wattpad.com/cover/261705323-288-k288639.jpg)
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
RomansaKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...