"Are you sure Isa-girl that you are okay now? We can't sacrifice your health, Dear." Napangiwi ako kay Madaam Victoria pagkatapos niya akong tawagin Dear. Naalala ko tuloy si Sparkly.Nasa kabilang sasakyan lang sila ni Saturn. They insisted na sumama. Mali pala, only Saturn. Napilitan lang si Sparkly. Halos nga ipagtulakan ko pauwi kanina ng salubongin ako ng nakakairita niyang mukha.
"I still can't find your instruments, give me time. I will find it."
Sinabi niya iyon na nasa kabilang dulo nakatingin. Nag-init ang ulo ko dahil sa sinabi niya at hitsura ng mukha niya. Puno pa rin ito ng pagkadisgusto.
Pinantayan ko naman iyon. Ipinaramdam ko rin na di siya welcomed ngayon. Sa katunayan di naman sila kailangan ngayon.
Namimiss ko na ang magsulat. Kinakain na ng kasong ito ang oras ko pero continues pa rin naman ang pagdating ng pera. Lalo't patok pa rin ang mga libro ko. Naiisip ko nga rin na magkaroon ng book signing after ng kaso. Natawa ako sa isiping ito. Umaasa pa akong magiging maganda ang salubong ng mga tagahanga ng libro ko after na kalabanin ko si Peterson Aquino na kilala na ata sa buong bansa.
Tatapusin ko ang huling sinusulat ko, kung papalarin na maipanalo ko ang kaso itutuloy ko ang book signing. Kung hindi naman ay titigil na ako magsulat at sa ibang bansa na lang hahanapin ang kapalaran ko. Sa tingin ko, wala na akong mukhang maipapakita sa mga tao kapag natapos na ito.
"Hay naku, Tita. Pang-ilang ulit mo na yang itinatanong sa kanya. Kapag yan nairita, labas ako dyan."
"Bruha ka! Iwanan ba naman ako sa ere!" Natawa si Attorney sa pag-uusap nila.
"Aba syempre Tita. May dugo kaya itong demo---" Iniangat ko ang kamay ko handa na sanang ipambatok sa kanya. Natigil din sa ere ang sasabihin niya.
"Inaantok ako! Matutulog muna ako. Gisingin mo na lang ako Tita kapag naroon na tayo. Goodnight." Dali-dali niyang sabi at humilay nga at nagtulog-tulogan. Nagtawanan sila at napangisi rin ako.
'Siraulo talaga.'
Tumunog ang phone ko. Hinanap ko ito sa loob ng bag ko.
Kuya Saturn
Calling...'Napatawag to?'
Halos paikotin ko ang mga mata ko sa pangalan niya sa phone ko. Siya ulit nag insisted na iyan ang ilagay.
'Bakit masyadong pakialamira ang mga tao sa paligid ko pagdating sa phone ko?'
"Bakit?" Walang buhay kong tanong sakanya. Gumawa siya ng tunog na parang nilalamig.
"Hahaha I miss you, Saint." Napaikot na ng tuloyan ang mga mata ko. Sa pagtagilid ng ulo ko papunta kay Sinester, nakita kong nakatitig ito sa akin. Salubong ang mga kilay.
'Problema na naman nito?'
"Siraulo, kapag nabangga kayo tatawanan ko kayo lalo na yan kasama mo." Umalingawngaw ang tawa niya sa kabila.
"What the hell, how dare you Ismael?"
"Ops! Nakaloud speaker ba ito? Sorry, di ako nainform. Sekreto lang sana namin ni Saturn iyon." Natawa si Saturn, pati ang mga kasama ko ay natawa ng mahina. Gumawa rin ng tunog na naiinis si Sparkly sa kabila.
"You know what---"
"Hindi pa!" Putol ko sa gigil niyang sasabihin. Gumawa ulit siya ng tunog na naiinis. Napangisi ako.
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
RomanceKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...