Dumating ang araw na hinihintay namin. 10 araw ang hinintay namin. Kabado na naman ako. Di mapakali. Nagtutulong-tulong sila upang pakalmahin ako. Tanging musika lang ang nagpakalma sa akin. Kahit si Sinester di iyon nagawa. Nasa loob kami ng kotse. Pikit mata kong pinakikinggan ang musika. Paulit-ulit na tinatapik-tapik ang daliri sa lapi. Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nagbyahe. Di ko napansin. Di ko pinansin. Tumigil iyon at para bang binomba ang dibdib ko. Nanigas ako.'Nandito na kami' Bulong ko sa sarili ko.
Naramdaman kong hinawakan ni Sinester ang kamay ko at pinisil iyon. Umiling-iling ako.
"Isang minuto, Please!" Pakiusap ko sa kanila. Sinabi ko iyon habang mayroon pa ring earphone sa tenga, baka nga napalakas pa ang pagkasabi ko noon.
Lumipas nga ang ilang sandali. Katahimikan para sa akin na tanging musika lang ang naririnig at kadiliman ang nakikita. Para sa akin ligtas ako rito ngayon. Kinakabahan talaga ako. Kakaiba. Parang mayroong mangyayari ngayon na di ko maipaliwanag.
Bumuntong-hininga ako at nagdesisyon na magmulat na. Walang mangyayari kung di ako gagalaw. Bakanteng upuan ang nakita ko sa unahan. Nilingon ko ang pwesto ni Lucia. Wala na siya. Nilingon ko si Sinester.
Nakangiti siya sa akin ng magaan. Binibigyan ako ng tiwala sa sarili at lakas ng loob. Napalunok ako at tumingin sa labas. Nahigit ko ang hininga ko. Maraming tao. I mean kami at ang mga body guards namin at ang kampo nila sa kabila.
Nakita ko kung paano nag-uusap si Saturn at Peter. Harapan. Seryoso si Saturn at si Peter ay nakangiti. Katulad ng dati, ang ngiting siguradong mapapaniwala ka. Ngiting bubulag sayo at ang ngiting di mo malalaman ang iniisip niya. Nagtaas-baba ang dibdib ko. Di ko sila naririnig lero alam kung nag-uusap sila tungkol sa akin. Kinagat ko ang labi ko. Kinulong ni Sinester ang mukha ko sa mga palad niya at iniharap sa kanya. Hinuli ang mga mata ko.
'I love you!' Sabi niya. Di ko narinig pero naintindihan ko. Nakikita ko ang kompyansa sa mga mata niya. May tiwala siya sa akin. Lumunok muna ako at tumango-tango.
Mabagal kong iniangat ang mga kamay ko sa tenga ko at tinanggal ang earphones. Nakarinig na ako ng mga mahihinang mga boses sa labas. Hinalikan ni Sinester ang noo ko. Matagal. Napapikit ako at ninamnam iyon. Tinitigan niya ulit ako at ngumiti ulit.
"Everything's gonna be okay, Bella." Tumango ulit ako at napagdesisyonang lumabas na.
Nauna siya at inalalayan ako. Huminga muna ako ng malalim at tuloyan ng lumabas. Pagkasara ng pinto at pag-angat ko ng paningin ko ay napatigil ako. Napalunok ulit. Nakatingin sila lahat sa akin. Nakangiti ng magaan at binibigyan ako ng lakas.
Napabaling ang tingin ko kay Saturn at Peter. Nakatingin sila pareho sa akin. Napalunok ulit ako. Seryosong-seryoso si Saturn at ngiting-ngiti si Peter na para bang masaya siyang makita ako pero hindi, hindi ako masayang makita siya. Napuno ulit ng kilabot ang buong katawan ko. Alam kong nagsitayuan din ang mga buhok ko sa katawan. Naramdaman ata iyon ni Sinester kaya iniyakap niya ang kanang braso sa bewang ko. Hinila palapit sa kanya at idinikit sa gilid niya ang katawan ko.
Napasulyap ako sa kanya sandali. Katulad ni Saturn ay seryosong-seryoso rin siya ang pinagkaiba lang nila ay parang nag-aalab ang mga mata ni Sinester. Kinabahan ako lalo. Alam ko kung pano niya pinipigilan ang sarili na sugurin si Peter. Ang panghawak sa akin ang isa sa pumipigil sa kanya. Kumukuha rin siya ng lakas sa akin.
"Saint!" Ang baritonong boses ni Peter ay nagdala ng kilabot sa dibdib ko. Napalingon ako sa kanya.
Sumubok siyang umabante pero humarang si Saturn at naging alerto ang mga Body guards. Nagtipon sa harap namin ni Sinester. Humalakhak siya. Dati noon nagagandahan ako sa boses niya lalo na kapag tumatawa siya pero ngayon kilabot na lamang ang hatid sa akin.
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
RomantizmKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...