26-The Real Intention

1 0 0
                                    


   Naging tahimik ulit kami. Nakikipagpakiramdaman.

"So, ano ba talaga ang pinunta niyo rito, iha?" Si Ginoong Ajero. Sinabi niya iyon sa paraang di namin mamasamain. Nasa mga labi pa rin ang ngiti. Kahit si Ginang Ajero ay naghihintay ng may pasensya. Si Bery naman ay wala na ang ngiti pero maaliwalas ang kanyang mukha. Napalunok ako. Nagpalitan kami ng tingin.

'Ito na yun.'Bumuntong-hininga muna ako. Kinapa ko ang kamay ni Sinester. Naghahanap ng makakapitan, ng lakas at suporta. Hinawakan niya rin ang kamay ko ng mahigpit. Parang nagsasabing 'I'm here, Bella.' Bumuntong-hininga ulit ako.

"Sa totoo po niyan, Papa Toto. Gusto ko po sanang humingi ng malaking pabor." Tumango siya.

"Walang problema, Iha. Alam mo naman na bukas kami pagdating sayo kahit ano pa yan." Mas kinabahan ako. Ang bait nila. Nakakakonsensyang hatakin silang muli sa problema ko.

"Gusto ko po sanang...magfile ng kaso against Peterson Aquino." Napasinghap si Ginang Ajero. Bumakas sa mukha ni Ginoong Ajero ang pagkilala sa nabanggit kong pangalan. Si Bery naman ay nangunot ang noo. Tumango ulit si Ginoong Ajero. Pinapahiwatig na ituloy ko. Lumunok muna ulit ako. "Kukunin ko po sana kayong witness sa kaso." Hayun, nasabi ko rin. Sinabi ko iyon ng mahina pero alam kong maririnig nila.

"You're taking my parents as a witness against Peterson Aquino. The one who attempted to raped you?" Bumilis ang tibok ng puso ko. Mas lalong dumoble ang kaba ko. Tumango ako ng mabagal.

"Oo." Natahimik ulit ang paligid parang inaabsorb pa rin nila ang sinabi ko.

Nakatitig ako sa kanila. Hinihintay kung ano man ang desisyon nila. Ayos lang kahit umayaw sila. Nahihiya rin akong idragged ang pangalan nila rito. Nagkatinginan ang mag-asawa at nilingon nila pareho ang anak. Sabay-sabay silang lumingon sa akin at ngumiti.

"Oo naman, walang problema." Sagot ni Ginang Ajero. Nanlaki ang mga mata ko.

"T-talaga po?" Pagsigurado ko. Nagsimulang manginig ang kamay ko. Halo-halo ang nararamdaman ko.

"Oo, iha. Parang anak kana namin. Wala kaming anak na babae. Magaan ang loob namin saiyo at hindi ka katulad ng iba na sinamantala ang kabutihang binigay namin." Nangilid ng luha ang mga mata ko. Malaki na ang ngiti nila pareho. Sinulyapan ko si Bery. Tumango siya sa akin.

Nilingon ko ang mga kasama ko. Nakangiti rin silang nakatingin sa akin. Si Sparkly naman ay di ko mabasa ang mukha. Di siya nagmamaldita, ng magtama ang mga mata namin, mayroong kakaiba sa mga mata niya. Tuwa o kasiyahan. Ewan, di ko maipaliwanag. Ngumiti ako sa kanya sinuklian niya iyon ng maliit na ngiti. Napalingon ulit ako sa kanila. Tuloyang tumulo ang mga luha ko.

Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanila. Tumayo ang mag-asawa at sinalubong ako ng mahigpit na yakap. Nakulong ulit ako sa braso nila. Ang sarap. Ligtas na ligtas ako. Humikbi ako sa mga braso nila, sa pangalawang pagkakataon. Napupuno ng kasiyahan ang puso ko. Tinatabunan ang mga masasakit na nangyari sa nakaraan.

'Ano ba ang nagawa ko noon at binibigyan nila ako ng mga ganitong tao?'

Wala akong natatandaan na naging mabuti ako noon. Nakalimutan ko. Tanging natira sa alaala ko ngayon ay yung mga masasakit na.

"Power hug!" Si Bery. Nakiyakap din siya. Nagtawanan kaming apat habang magkakayakap. Alam kong mayroong aalma sa likod, pero masyadong maganda ang eksena ngayon. Di dapat sirain.

Nagawa pang pahiran ni Bery ang luhang tumulo ulit sa mukha ko. Magkaharap kami. Di alintana ang distansya. Gusto kong lingunin si Sinester pero ipit ako sa gitna ng mga Ajero.

MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)Where stories live. Discover now