I was as clear and beautiful as the blue sky. I gave light, so that everyone be lighten up. They look up in awe. Their smiles shines like a sun. The sun rise collided with the wide sky. But, as time passes, the Moon came. In an instant, the Moon became the center of their world. I, the real light, became dim. I was slowly fading. I am fading.The Unforgotten became forgotten. They are enchanted by the beautiful Moon, while I was left hanging. Still catching. The blue clear sky became dim. The mirror of faith shattered, now I'm lost, into the darkest nowhere. I close my eyes---."
Natigil ako sa pagta-type ng sumagi sa isip ko ang nangyari kahapon.
'Tsk, distraction.' But still, binalikan ko pa rin ang mga nangyari. This is bad. I am distracted now. Sinubukan kong ibaling muli sa sinusulat ko ang aking pansin.
My tears run down, it's like a race. The winner would be free or not. I can't breathe, I can't---.
'Bella'.
"Argggg!!" Sigaw ko, at sinabunutan ang sarili. This is not right. This is really not right. Naririnig ko ang boses niyang malambing na tinatawag akong Bella, ang tawa niyang napakaganda sa pandinig ko. Naiimagine ko ang maaliwalas niyang mukha, ang ngiti niyang ang sarap titigan. Mababaliw na ako.
Tumayo ako at nagsindi ng sigarilyo, dumiretso ako sa bintana ng aking apartment at tinanaw ang malawak na kalangitan. Hays, medyo kumalma na ako.
'Under the blue sky!'
Again, I can relate. Halos lahat naman ng isinulat ko isinasama ko ang mga nararamdaman ko, kaya nga masyadong masakit. When I was in high school. I was as clear as the blue sky then, everything really changed. I'm left alone. Sa kawalan, sa ere at sa kadiliman. Napakagat labi ako upang pigilan ang luhang nagbabadya na namang mag-unahan.
"Ho!!" Exhale ko, to calm my aching heart. Then suddenly I heard a song coming from the window of my neighbor.
🎵 Heart beats fast,
Colors and promises ,
How to be brave?
How can I love when I'm afraid, to fall?
Watching you stand alone.🎵Ang sakit. 'Bakit? Paano?' Parang pinapaliguan ako ng isang nakapalamig na tubig. Masyadong malamig at mahapdi. Tuloyan ng nahulog ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Sa ilalim ng asul na alapaap. Heto na naman ako, lumuluha. Dati-rati lakas ko ang liwanag ng umaga, ngunit ngayon sadyang ipinapaalala na lang nito na ako'y isang ligaw na nilalang. Kahit saan ako magpunta, nasa ilalim pa rin ako nito at mananatiling nasa ilalim na lamang. Napaluhod ako, humikbi ng tahimik. Ang sikip sa dibdib. Nabingi at nabulag ako sa paligid at tanging ang tugtog na lamang ang naririnig ko at tanging nakikita ko ay ang asul na kalangitan.
"B-bakit?... B-bakit ako pa?... P-paano? P-paanong.... bakit ako pa?" Ngawa ko sa mga tanong na palagi kong itinatanong sa sarili ko. "A-ang... g-gusto ko... l-lang naman... ay t-tuparin ang... pangarap ko,... p-pero b-bakit?" Nahihirapan kong saad puno ng bigat ang dibdib. Itinatago ko lang ito. "Ah!!! Bakit???" Sigaw kong nakatingala sa asul na kalangitan. Nang-uuyam ang kulay nito. Humiga ako at namulupot. Niyakap ang mga tuhod at doon ulit umiyak. Ang sakit-sakit pa rin.
"Bella!!!" Bakit? Bakit pati sa ganitong pagkakataon ay naririnig ko pa rin ang boses ni Sinester? Bakit? "Bella!!" Papalapit ang boses niya, dinadagdagan ng yabag ng mga nagmamadaling paa. "Bella!!!" Nakaramdam ako ng mga kamay sa aking mga braso, inaalog ako ng kaunti, paulit-ulit tinatawag ang pangalan ko.
'Sinester, please, iligtas mo ko.' Nagmulat ako ng may maramdamang isang mainit na kamay ang humahaplos sa pisngi ko. 'Sinester'. Totoo siya.
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
RomanceKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...