22-My Real Ally

1 0 0
                                    


   Ngumisi ako ng malaki sa tanong niya. Pumalakpak ng nasisiyahan. Humalakhak ako gaya ng ginagawa ni Attorney. Nakita ko sa peripheral vision ko na napangisi siya sa ginawa ko.

"Gusto kong maging witnesses kayong lahat sa kasong isasampa namin kay Peterson Aquino. Two attempted raped at illegal drugs." Malaki ang boses kong inihayag sa harap nila ang sadya ko. Nabakas ulit sa mukha nila ang gulat. Di sila nakapagsalita.

"S-saint, h-hindi mo siya kaya." Mabilisan kong nilingon si Saturn. Ngumisi sa kanya.

"Why not? Noon yun Saturno, hindi na ngayon. May mga tao ng gustong lumaban kasama ko. Mga taong di ako iiwan sa ere at mga taong aako sa responsibilidad niyo!!" Isinigaw ko ang huling salita. Di ko na napigilan ang galit ko.

"Do you think we are going to help you because of this things? You are still nothing Saint, you can't bring us down. Palermo is more powerful than you and your allies!!" Isinigaw din iyon ni Shekina. Pinagpupunit niya ang mga ebedensya.

"Lucia!" Tawag ko kay Lucia. Itinaas niya ang phone niya at nakatapat ang gitnang daliri sa post word. Again, halos lumuwa ang mga mata nila. Humalakhak ulit ako. Sa tuwa ko sa reaksyon nila ay tumayo ako. Pumalakpak ako. Tuwang-tuwa. Umaalingawngaw sa buong kabahayan ang boses ko. "Hindi lang yan ang balang dala namin. Madaam!!" Itinapat niya ang telepono sa tenga niya.

"Hello, handa na ba ang mga reporters na tinawagan mo? Sige stand by lang kayo." Ibinaba niya iyon at ngumiti ng inosente sa mga Palermo. Natatawa ulit ako.

"Nice one, Madaam." Naghigh five pa kaming dalawa.

"Oh my God, how could you do this to us, Saint???" Sigaw ni Celina. Naglakad-lakad ulit ako. Inilagay ang kanang kamay sa baba tipong nag-iisip. Tumigil ako at hinarap ulit sila. Nawala ang ngisi ko at tinignan sila ng matalim.

"Really Celina? You are asking me that huh?" Inartehan ko ang boses ko, kinampay ko sa harap ang pinalantik kong mga daliri, parang si Shekina. "You, you, you, you and you. Itinulak niya ako para gawin ito. Nakakalimutan niyo bang mga demonyo kayo hah?? Nakakalimutan niyo bang pinagkaisahan niyo ang inosenteng ako noon?? Nakalimutan niyo???" Tumigil ako at huminga. Masakit sa lalamunan na isigaw iyon lahat pero di pa ako tapos. "Really?" Inartehan ko ulit ang boses ko.

"A-anak, Saint!" Tawag ni Simon. Nilingon ko siya. Nginitian ng inosente.

"Oh bakit Papa? Pinabayaan mo ko? Ang pag-ibig mo sa akin." Napangisi ako sa sariling kalokohan. Humalakhak si Attorney. "Havey ba???" Nilingon ko ang apat at itinanong yun ng malakas. Natawa ako.

"Yes!!!" Sigaw nila. Napangiti na si Sinester. Kinindatan ko siya at ibinalik na ang tingin sa mga Palermo. Nawala ang ngiti.

"You are playing with us!" Mahinang sambit ni Sparkly pero puno ng galit ang boses.

"Oh really? My gosh, my bad Sparkly. I'm sorry dear. I'm just giving you a favor of feeling played, do you remember that you also played with me before? Like oh my God, you put an insects to my locker and oh my gosh you are the leader of those bullies!! Do you know that I'm planning to have you reunited with them in jail?" Mas ginalingan ko ang pag-iinarte ko. Mas iniinis sila. Masaya ako sa ginagawa ko. Masama mang tignan ang paghihiganti pero sa pamamagitan nito ay nababawasan ang bigat sa dibdib ko. Narinig kong natawa na naman ang mga nasa likod ko.

'I'll be the best actress tonight, hindi si Shekina!' Natakot siya at nanginig.

"N-no!!" Naibulong niya iyon sa sarili na narinig din namin. Lumapit siya sa ina. "M-mom!! I don't want to be in jail. Do something please!!" Takot na takot niyang sumbong. Inalo naman siya ni Celina.

MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)Where stories live. Discover now