Kasalukuyan ako ngayong nag eedit ng aking isinulat. Ang 'The Horizon', ng bigla na lamang sa pangalawang beses ngayong araw ay marinig ko ang kantang iyon, 'Darling I, can't explain...🎵', bago pa ako madala ulit nito sa kawalan ay sinagot ko na ito, na di man lang tinitignan kung sino ang tumawag."Bakit?" Walang gana kong tanong.
"Isa-girl!! It's me, your beautiful tita Victoria hihihi" Napangiwi ako sa sinabi niya. Kumati ang tenga ko sa tawa niyang pabebe. "anyway, our special guest canceled his visitation today. He had an emergency, I know you don't care but hear me out, okay?" Malambing na kwento ni Madaam Victoria. Parang anak ang kinakausap.
"Yeah!" Maikli at malamig kong tugon.
"Anyway nga, we decided and scheduled his visitation on Saturday. So...we still have tomorrow to prepare but hey, he's not just a special guest He's also a possible investor, and ah you know, I think you already knew na he really wants to meet the person behind those magnificent master piece. Kaya please Isa-girl!!! Just this one pagbigyan mo na ako, please! Ako na sasagot ng two weeks groceries mo please, please!!" Pabago-bago ang tono ng boses niya, at nakakasiguro rin akong nakanguso rin ito, na sadyang kinagawian nilang magtita. Di lang ako masanay sanay sa kinagawian nilang iyon, nakakasuka lang para sa akin.
"Tsk! Make it 1 month groceries, then." Napipilitan kong sagot kahit tumanggi man ako ngayon alam kong bukas na bukas ay nandito silang dalawa para bulabogin ang maghapon ko. Atsaka, marami ng naitulong sa akin si Madaam, minsan lang din siya humingi ng pabor sa akin.
"Yes!!!" Sigaw niyang malakas. Nakalimutan atang isa siyang mahinhing Binibini. Siya ang nagsabi niyan sa sarili niya, di na lang ako nagsalita noon. Kaligayahan niya yun. Ipagkakait ko pa ba sa kanya? "Okay! Deal na yan ha. Excited na akong ipakilala ka kay Mr. Lee Isa-girl hihihi!!" Kinikilig niyang turan, at gaya ng pagkakakilala ko sakanya, siguradong nagniningning ang mga mata niya, na parang nangangarap. Napailing-iling na lamang ako.
"Sorry, Di ako interesado." Malamig ko uling sagot. Bago pa man siya makasagot ulit, pinatay ko na ang tawag, at hinilot ang aking noo. Ang kulit talaga ng magtita na yun. Alam kong plano nila ito pareho, kasi in the first place, di naman kailangan talaga ng investors. Sa yaman nilang yan at di lang naman ang Ink works ang negosyo niya. Gusto lang talaga nila akong lumabas sa lungga ko, at makipagkilala diyan sa sinasabi nilang Mr.Lee.
Ibinalik ko na lamang ang pansin ko sa pag-e-edit para makalimutan ko muna iyon. Isesend ko pa to ngayong gabi through email gaya ng sinabi ko.
--
Kinaumagahan, nagising ako dahil sa sunod-sunod na katok sa pinto ng apartment ko. Tinignan ko ang aking cellphone, 8:09 na pala ng umaga. Alam ko na kung sino ang mga to. Oo mga, wala namang ibang nakakakilala saakin dito, at walang ibang nakakaalam ng bagong apartment ko. Tinatamad at kunot noo akong bumangon sa higaan. Di na ako nag abalang maghilamos man lang o kaya ay magsuklay. Sanay na rin sila sa akin at wala akong pakialam.
"Ano na naman??" Malamig at matalim kong tingin sa kanila, pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan.
"Good morning!!"
"Hello!! Beautiful girl! Sabay nilang bungad sa akin at pumasok kaagad ng di man lang nagpapaalam, tsk. "May dala kaming pagkain dito, kasi alam naming di ka pa gising, at alam naming kape lang na naman ang iinomin mo girl!!!" Sigaw ni Lucia galing sa kusina. Ang bilis niya, nandoon kaagad siya."Yes, yes, and I already read 10 chapters of your master piece last night and oh em ge!!!!! Isa-girl!! I wanna cry huhuhu!!" Oa na react ni Madaam Victoria. Pagkatapos niyang hawiin at buksan ang mga kurtina at bintana sa apartment ko.
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
RomanceKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...