Full force kaming nagfile ng case. Kinabahan ako ng sobra ng tignan niya ang papel na pinasa namin. Tinitigan niya iyon ng matagal na parang kinikilatis o anu paman. Pagkatapos ay seryoso siyang tumingin sa amin isa-isa na para bang kinikilala ang nagreklamo.Tumigil ang mata niya sa akin na para bang nakilala niya ako. Matagal, nanginig ang mga kamay ko. Pumunta sa harap ko si Sinester. Tinakpan ako. Nakahinga ako ng magaan ng gawin niya iyon. Napansin niya sigurong di ako okay.
Tahimik kaming umalis doon. Napansin nilang nag-iba ang aura ko. Di ko maipaliwanag. Halo-halo na naman ang nararamdaman ko. Nagitla ako ng mayroong nilagay si Sinester sa tenga ko. Tinignan ko ito at sinulyapan si Sinester. Nakangiti siya sa akin ng maliit. Tumango ako at inilagay iyon sa tenga ko, ibinigay niya pa iyong isa at naging bingi ako sa paligid. Nakalma ako at huminga ng malalim. Hinawakan ni Sinester ang kamay ko ng mahigpit. Parang sinasabi niyang everything's gonna be okay. Tumango ako sa kanya at humilig sa balikat niya. Hinalikan niya ang ulo ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinila ako nito sa nakaraan.
The flashback
Kasalukuyan ako ngayong nasa likod ng gymnasium, yakap ang gitara ko at nagtitipa ng magandang tugtugin. Sinimulan kong i-strum ang gitara ko, at ibinuka ang bibig ko.
🎵Ngumiti kahit na napipilitan,
Kahit pa sinasadya, mo akong masaktan paminsan-minsan,
Bawat sandali na lang.Tulad mo ba ako nahihirapan,
Lalo't naiisip ka,
Di ko na kaya pa, na kalimutan,
Bawat sandali na lang.At aalis, magbabalik at uulitin sabihin na,
Mahalin ka't sambitin,
Kahit muling masaktan,
Sa pag-alis, ako'y magbabalik,
Sana lang mahal.Sa isang marikit na alaala'y pangitaing kayganda,
Sana nga'y pagbigyan na ng tadhana,
Bawat sandali na lang.Sumabay sa biglang pagkabahala,
Lumabis ang pagdaramdam,
Tunay ngang pagsinta'y di alintana,
Bawat sandali na lang.At---🎵
Natigil ako sa pagkanta at paggitara ng makarinig ako ng ingay. Napalingon ako at nakita siya. Kitang-kita ang pagkabahala sa mga mata niya. Nakaawang din ang pang-ibabang labi. Nanigas siya sa kinatatayuan niya. Tinitigan ko siya ng matagal. Nandoon lamang siya. Di magawang gumalaw.
Gusto kong ngumiti o matawa sa hitsura niya. Kinarer niya ang pagiging istatwa. Itinagilid ko ang aking ulo nakatingin pa rin sa kanya. 'Anong ginagawa ng isang Sinester Lee rito sa likod ng gymnasium?' Ngumuso ako at napatingin sa harap.
Narinig kong gumalaw siya kaya napalingon ulit ako. Natigil ulit siya. Naging istatwa. 'Ano ba to? Stop dance?' Mas humaba ang nguso ko, pinipigilang matawa.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Nanlaki ang mga mata niyang singkit.
'Ang gwapo niya talaga!' Napalunok pa siya.
"Pwede ka namang gumalaw." Pagkasabi ko noon ay umayos siya ng tayo at huminga ng malalim. Napaiwas siya ng tingin at napakamot sa batok.
'Ang cute niya naman!'
"So, Ano nga ang ginagawa mo rito?" Nanigas ulit siya. Napatingin ulit sa akin at lumunok ulit.
"Ah! Sorry, it's just I ah..." Naging malikot ang mga mata niya at kumamot ulit sa batok. "I just heard you accidentally. So ah, I followed it. Then, I ah I saw you!" Nasabi niya rin sa wakas. Tumango ako.
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
RomanceKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...