16-True Story Telling I

0 0 0
                                    


   "After graduation, sinabi ni Mama na may surprise raw siya sa akin. Ako naman na minsan lang isurprise niya ay tuwang-tuwa." Natawa ako ng mahina ng maalala ang reaction ko noon.

"Talaga po Ma? Totoo po? Yehey!" Tumatalon-talon pa ako. Tanging si Mama lang ang nakakakita ng childish side ko.

"Pumunta kami sa Kanluran, ngiting-ngiti ako habang pinagmamasdan ang mga nadadaanan naming mga kabahayan. Moderno na ang mga bahay. Matataas at magaganda. Parang nasa syudad kami na di ako pamilyar."

"Mama, kakain po ba tayo rito? Mukhang mahal dito. Pang mayaman ang mga building at mga bahay. May kakilala po ba kayo rito?" Natawa siya at ginulo ang buhok ko. Di siya nagsalita. Ngumiti lang siya sa akin.

"Tumigil kami sa isang sosyal na restaurant. Napanganga ako kasi maganda siya. Maganda ang design niya. Pumunta kami sa loob at naupo sa pang-apatan na upuan. Naghintay at inaliw ko ang sarili sa paligid. Nakalimutan kong itanong ulit kung anong gagawin namin doon."

Tuwang-tuwa akong pinagmamasdan ang paligid. Napakaganda rito. Gusto ko rin sanang pagawaan si Mama ng ganitong restaurant. Mahilig kasi siyang magluto. Secret ko lang yun pero gusto kong iregalo sa kanya once na makagraduate na ako sa kolehiyo. Yan agad ang pag-iiponan ko. Napahagikhik ako sa iniisip ko. Napatingin si Mama sa akin ng may alanganing ngiti. Nagpeace sign lang ako sa kanya at binalik sa paglilibot ang paningin.

"Mahigit 10 minuto na kami doong nakaupo. Nagagandahan ako sa paligid ngunit nagugutom na ako at nagsisimula ng mainip. Nakanguso akong napatingin kay Mama. Nakangiti siyang nakatingin sa akin."

"Kaunting hintay na lang nak, darating na yun?"

"Sino po Ma? Nagugutom na po ako." Sabay himas ko sa tiyan ko. Nakanguso pa rin. Natawa ulit siya sa reaksyon ko at ginulo ulit ang buhok ko. Paborito niyang gawin iyon sa akin. Gustong-gusto ko rin naman.

"Ilang sandali noon ay mayroong lalaking dumating at tinawag ang pangalan ni Mama. Pinagmasdan niya ako. Kinikilala at ngumiti rin pagkalipas ng ilang sandali."

"Siya na ba yan? Siya na ba si Isabelle, Isra?" Di siya nakangiti pero nasa mata niya ang tuwa. Nagagalak siyang nakatingin sa akin.

"Oo siya na nga si Isabelle. Siya ang anak natin."

"Nagulat ako noon, napatayo ako. Sa isip isip ko. 'Siya ang Papa ko?'" Ngumiti ako ng mapait sa eksenang iyon. Tumigil ako sandali sa pagkuwento. Huminga ng malalim at tumingin sa nakabukas na bintana. Idinuduyan ng hangin ang kurtina.

"Ipinakilala sa akin ni Mama si Papa. Tuwang-tuwa siya at ako rin tuwang-tuwa. Matagal kong lihim na hiniling na makilala ng personal ang Papa ko at iyon nga ang pinakamagandang surpresa at regalo na ibinigay ni Mama sa akin. Nagpakilala siyang si Simon Palermo."

"Ako ang Papa mo anak. Ako si Simon Palermo. Pwede mo akong tawagin na Papa o Daddy." Yakap-yakap niya ako ng sinabi niya iyon. Nagawa niya pang halikan ang ulo ko. Nasa boses niya ang tuwa. Kumalas ako. Tiningala siya.

"Palermo po? Ikaw po ba yung may-ari ng Palermo Online Clothing?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Naitagilid ko pa ang aking ulo.

"Oo, ako nga anak."

"Sa tuwa ko malakas kong nasambit ang salitang 'wow' pati sa kanya ay naipakita ko ang childish side ko. Siguro lukso ng dugo. Komportable agad ako sa presensya niya." Natawa ako ng mahina. Tinignan ko ang kamay namin ni Sinester na magkahawak. Pinaglaroan ko ang daliri niya at bumuntong-hininga ulit bago pinagpatuloy ang kwento.

MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)Where stories live. Discover now