"Wait, paos ka. Okay ka lang?" Napuno ng pag-aalala ang boses niya."Ah lagnat lang!"
"Oh my!! You are not okay!"
"I'm fine, Cecil. Magaling ang mga Nurse ko." Nagtunog ahas na naman si Sparkly na akala mo kasali siya sa tinutukoy ko. Bumuntong-hininga siya. Parang hirap na hirap.
"So, you're not free today!" Naging malungkot ang boses niya. May problema siya. Napakagat labi ako. Nakapangako pala ako sa kanyang tutulongan ko siya.
"Pwede ka namang pumunta rito!" Suggestion ko. Nagbabakasakaling umo-o siya.
"Really?" Nabuhay muli ang boses niya. "Saan ba yan?"
"Sa El Royale!" Natahimik ang kabilang linya. Tinignan ko ang phone ko kung namatay ba pero continue pa rin ang call.
"Saan ulit? Parang nabingi ata ako." Napailing-iling ako. 'Hay naku'
"Sa El Royale!" Inulit ko. Madiin na para mas maintindihan niya. Natahimik ulit siya. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng 'Blag', may nahulog ata.
"Oh my!!!" Sigaw niya. Nailayo ko ang phone sa tenga ko. Napangiwi ako. Dumaan ang pinong hapdi sa sintido ko. Hinawakan ni Lucia ang balikat ko.
"Sorry, sorry, sorry. For real??? The elite place where only the top 20 most richest people here in the Philippines can afford to stay??" Bumuntong-hininga ako. Tumango-tango sa kanya kahit di niya nakikita.
"Oo." Sagot ko. Nauubusan ng pasensya. Napansin niya siguro kaya pumormal siya.
"Sorry again. Its just, how can I enter there? As far as I know, its an exclusive place."
"Someone from inside will pick you up from the gate. Huwag kang mag-alala, makakapasok ka. Kilala na kami ng Gate Guard. May permission galing sa may-ari ng bahay."
"So, it's not yours?" Napangiwi ako. Inakala niya palang ako ang nakatira mismo rito.
"Hindi, kailangan ko pa ng mga ilang taon pa para maafford ko ang presyohan dito!"
"Oh my gosh!! So, it means you're also rich? If you said ilang taon pa. It means you already have millions to you. Honestly, I don't have millions kaya hanggang pangarap na lang ang pagtira diyan." Napangiwi ako. 'Bakit ko ba yun sinabi?' Amusement ang maririnig sa boses niya. Bumuntong-hininga ulit ako.
"So, pupunta ka ba?" Pagpapalit ko ng usapan. Napapagod akong magpaliwanag sa kanya.
"Yes, yes. Maybe that place can help me moved on." Naging malungkot ulit ang boses niya. 'Sabi na eh, may problema siya.'
--
"I brought my books to me, Saint. Can you signed it for me now?" Si Sparkly. Naiwan kaming dalawa rito sa bahay ni Madaam. Si Lucia at Sinester ang sumundo kay Cecil sa gate. Iningusan ko siya. Nananamantala ang maldita.
"Saan?" Walang gana kong tanong. Nakahilay sa hilayan ng malambot na sofa ni Madaam.
"Really??" Napatayo siya bigla. Nataranta at lumiwanag ang kulay ng mukha. "Wait, I'm going to--- oh my God!!!" Nanlalaki ang mga mata niyang nakalingon sa may parteng hagdan. Sa pagtataka ko ay napalingon din ako doon. 'Anong meron?' Mabagal siyang itinakip ang dalawang kamay sa bibig. Nagsalubong ang mga kilay ko. Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanya at sa hagdan.
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
Любовные романыKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...