21-Palermo's Territory

0 0 0
                                    


   "Bakit?"

Nagtatakang tanong ni Lucia. Papalit-palit ang tingin sa akin at kay Attorney. Ganoon din ang ginagawa ni Sinester at Madaam.

"Did you said earlier that you keep it on you?" Nasa boses pa rin ni Attorney ang pagtataka o pagkamangha.

"Oo!" Stern kong sagot. Oa kasi ang reaksyon niya. Di ko alam kung nakuha niya ba talaga yung sinabi ko kanina o nagfocus lang siya sa illegal drug na iniininom ni Shekina. Humalakhak siya at ipinatong ang dalawang kamay sa marmol na lamesa.

"This is amazing. You also kept the medical records you said and it's completed with the name and signed of the designated Doctors who check you up. You are amazing, Isabelle." Nagkatitigan kaming dalawa. Kumikinang ang mga mata niya. Natutuwa. Humahanga. Dumilim ang paningin ko ng tinakpan ni Sinester ang mga mata ko ng kamay niya.

"Tsk, di niyo kailangan magtitigan at sa harap ko pa talaga huh!" Ang iritado niyang boses ay nagpahalakhak kay Attorney, napahagikhik ang magtita at nakagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Why so conyo Mr. Lee?" Ang nang-aasar na boses ni Madaam Victoria ay lalong nagpainis kay Sinester. Natawa ako ng mahina. Naisingit pa nila ang kalokohan sa ganitong sitwasyon. Pati bibig ko ay tinakpan din ni Sinester. Nagiging isip bata siya dahil sa selos.

"I'm hands off, Mr Lee. Hanggang tingin na nga lang ako kay Ms. Ismael, ipagkakait mo pa." Ang amused na boses ni Attorney ay napalitan ng halakhak. Nag echo iyon sa buong kwarto.

"It's because she's mine." Naging seryoso ang boses ni Sinester. Di iyon naging hadlang para tumawa ang tatlo ulit. Kinagat ko lang ang labi ko.

"Sana all possessive, wala nga lang label!" Ang parinig ni Lucia ay nagpaingay kay Sinester. Gumawa siya ng tunog na naiirita. Tinanggal ko ang mga kamay niya sa mukha ko. Tinignan ng seryoso at tinaasan ng kilay.

"Hindi ito oras sa pagiging clingy, be considerate sa mga single na walang ka MU ang mga nasa harap natin." Sa sinabi kong iyon ay si Sinester naman ang tumawa at sila naman ang nagsireklamo.

"The hell!!"
"You're so mean, Isa-girl!!"
"Ang sama mo, Saint Isabelle Ismael!!"

Kanya-kanya nilang reklamo. Nakangiti ko lang tinitignan si Sinester na tumatawa.

"Drop this topic, let's go and continue the brainstorming. Let's back to the business." Ako na ang bumasag sa atmosphere. Parang Boss kung magsalita. Ipinahatid ko na pabalik kay Sinester ang box. Iniwan ang mga pera. Umalis na kami at bumalik sa bahay ni Madaam. Humiwalay na si Attorney at magkita na lang daw kami kinabukasan para masugod na ang bahay ng mga Palermo.

Natahimik ako roon. Nablangko na naman ang isipan.

--

August 16, Wednesday. Pakiramdam ko lalagnatin ako. Ayoko pa sanang bumangon pero kinalampag na ni Madaam Victoria ang pintuan ng kwartong tinutulogan ko. Tinanggal ang kumot na nakabalot sa akin at hinila papunta sa Cr. Lugong-lugo akong ginagawa ang morning routine ko. Malamlam ang matang nakatingin sa sariling repleksyon sa salamin.

'Ako ba to? Ang pangit ko pala!' Nanghihina akong lumabas at dumiretso sa hapagkainan. Natigil ako at parang lalong nanghina. Nadatnan ko silang lahat sa hapag at ako na lang ang hinihintay para kumain.

"Maputla ka, Saint!" Nag-aalalang puna ni Lucia. Tumayo si Sinester at dinama ang temperature ko.

"You're hot!" Nag-aalalang sambit din ni Sinester.

"I know right!" Nagulat sila at tumitig na lang sa akin.

Ang paos kong boses ay nagawa pang magmayabang. Nasa mata nila ang salitang 'Himala'.

MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)Where stories live. Discover now