"Beep beep"Tunog ng mga jeep dito sa sakayan. Isa lang yan sa mga ingay na naririnig ko ngayon sa kalsada.
'tsk, aga-aga umiinit kaagad ang ulo ko. Isa pa tong suot ko!' Isa lang din yan sa mga paulit-ulit kong reklamo magmula pa kaninang pagkagising ko pa lamang.
Madaling araw palang ng tumawag si Lucia para gisingin ako. Di siya tumigil kakatawag at kakatext hangga't di ko sinasagot isa man doon kahit si Madaam Victoria ay mayroong iilang text messages din na nagpapaalalang huwag kong kalimutan ang usapan namin, tsk. Tinalo ng ingay ng kalsada ang laban ni Pacquiao. Nakakairita na naman. Kaliwa't kanang ingay na nagpapabingi saakin. Masyadong abala pa rin ngayon ang kalsada kahit Sabado na.
'Masyado namang masisipag ang mga taong ito, di ba sila marunong magpahinga?' Tanong ko sa sarili ko. Oo, kailangan maghanapbuhay lalo na kung mayroong pamilyang binubuhay at lalong-lalo na ngayong panahon na ito. Masyadong mahal ang mga bilihin ngunit pahinga rin pag may oras. Walang kwenta ang pagdildil ng asin, kung buhay naman ang kapalit.
Sa wakas, inabot ako ng halos kalahating oras para lang makasakay. Kung gugustuhin ko ay kanina pa sana ako nakasakay kaso ayokong makipagsiksikan sa mga taong umaga pa lang amoy hapon na. Baka magkaroon pa ako ng kaaway lalo na't kunting-kunti na lang ay mapuputol na ang lubid ng aking pasensya.
Ipaalala niyong huli na ito. Hinding-hindi ko na sila ulit pagbibigyan, tsk. Grabeng perwisyo ang inaabot ko. Eh di sana ay nagsusulat ako ngayon. Matalim kong tinignan ang lalaking kanina pa titig na titig saakin. Napansin niya pero imbes na umiwas ng tingin, eh ngumiti pa na akala mo model ng toothpaste. Tsk, akala siguro maaakit ako. Nginiwian ko siya.
"May problema ba?" Malamig kong tanong sakanya, na nagpatigil sa iilan sa kanilang mga ginagawa. Nawala rin ang ngiti ng lalaki at namutla rin. Tsk, takot, bakla pala ito eh. Umiwas na sila at siya ng tingin at di na ako muling tinignan. Tinignan ko rin ang mga katabi kong kanina pa nagchichismisan, ang likot, parang higad na sinisilihan. Akala siguro ay isa sa sakayan sa Amusement park ang sinakayan niya. Ang ingay pa. Nakakatulili ang boses. Ang pangit naman, parang naipit na boses ng pusa.
"Miss, jeep to hindi park!" Malamig ko uling sabi. Tinignan niya ako at tinaasan ng kilay. Sasagot din sana siya, pero tinignan ko siya ng matalim. Itinikom niya ang bibig niya at humarap na lang sa kasama niya. Doon na sila nagbulungan.
Ito na nga ba ang sinasabi ko, makakakuha ako ng kaaway ng wala sa oras. Kung noon di na lang ako iimik kapag naiistorbo ako pero iba na ngayon. Kaunting galaw lang ng nasa paligid ko ay aktibo agad ako, mulat agad ang presensya ko.
"Para!!" Malakas kong sambit sa driver ng malapit na ako sa kompanya. "Pakiabot, salamat!" Pasuyo ko bago ako bumaba. Nakita ko pang umirap ang babaeng katabi ko at tinignan ako ulit ng lalaki. Di ko na sila pinansin, baka magpang-abot pa kami sa presinto. Tsk, di ko talaga sila uurungan.
"Hays!" Buntong-hininga ko ng makatayo na ako sa harap mismo ng Ink Works. Nakatingala akong nakasimangot habang binabasa ang pangalan nito sa taas. Masyadong malaki at sosyalin. Di na ko dapat magtaka, si Madaam Victoria ba naman ang may-ari.
Sa ilang sandaling pagmuni-muni ko ay napagdesisyonan ko ring umabante na. Masyado pa namang mainit sa labas at pakiramdam ko ay naglalagkit na ako dahil sa paghintay at pagsakay ko ng jeep.
"Maam, ano pong kailangan nila?" Tanong ng guard na akala mo ay receptionist. Napangiwi ako sa naisip ko.
"May---" Napatigil ako sandali. Ano nga bang ginagawa ko ulit dito? Tsk, Oo nga pala gusto raw akong makilala ni Mr Lee, parang gusto ko na lang tumalikod at umuwi na lang.
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
RomanceKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...