Sabado, August 12 ng mapagdesisyonan nilang makipagkita na ako sa Attorney na tinutukoy ni Madaam. Oo nila, kasi naggo- with the flow lang ako. Nasa dibdib ko pa rin kasi ang takot at kaba. Nangingilabot pa rin ako. Tahimik lamang ako habang sila ang gumagawa ng paraan. Sasagot ako kapag tinatanong lang."Ready?" Tanong ni Sy ng lumabas ako sa kwarto na bihis na. Nakangiti siya ng mababaw. Di ako sumagot, niyayakap ulit ako ng alinlangan. Naging malikot ang mga mata ko. Kinakagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Hey!" Kuha niya sa pansin ko. Nilapitan niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat. Pinisil iyon ng marahan.
Napatingin ako sa kanya. Nakakagat labi pa rin. Napatingin siya doon at napatitig.
"Stop doing that, Bella. I might bite that too, and chose to stay here instead." Ang paos niyang boses ay nagbigay ng kakaibang kilabot sa akin. Tinabig ko ang kamay niya at baka mapapayag pa ako sa iniisip niya. Dumiretso ako sa sofa at umupo. Sumunod siya at hinawakan ang dalawang kamay ko. "What? What stop you this time, Bella? Tell me."
"Kinakabahan ako, Sy. Di ko alam kung saan nanggagaling ang kabang ito." Niyakap niya ako at hinaplos ang likod ko.
"You'll be okay. I know that Attorney too. He's good. He can help us. He can help you. I'm here, Bella. Like I said I'm always here, di kita iiwan."
Ang sarap. Ang sarap sa pakiramdam na may isang Sinester Lee sa buhay ko. Tumango-tango ako.
--
Itinigil ni Sinester ang sasakyan niya sa tapat ng isang modernong bahay. Tiningala ko ito at kinabog ulit ng kaba ang dibdib ko. Napansin yun ni Sinester kaya Hinawakan niya ang kamay ko at pinagsalikop iyon.
Nakangiti siya ng may pang-anyaya ng lingonin ko. Tumango ulit ako at nagpaubaya sa kanya. Dinala niya ako sa loob. Pumasok at nadatnan namin sina Madaam Victoria at Lucia sa sala na may kausap na isang medyo bata pang lalaki. Napalunok ako ng mapatingin sila lahat sa amin. Nagtagpo ang mga mata namin ng lalaki. Tinitigan niya ako ng mariin. Di ko mabasa ang mukha niya. Kinabahan ako lalo kaya napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Sy. Napalingon siya sa akin at hinigpitan niya rin ang hawak sa kamay ko.
"It's okay." Tumango lang ako.
"You're here!! Come here, Isabelle. I will introduce you to our Attorney here." Inangkla ni Madaam ang braso niya sa braso ko. Hinila ako papalapit sa lalaki. Naging mabigat ang bawat hakbang ko. Naramdaman ata iyon ni Madaam kaya, mahina niyang tinapik-tapik ang braso kong hawak niya. Inaassure rin akong okay lang lahat. Naging malikot na naman ang mga mata ko. "Isabelle, this is Attorney Dominico Roque. Our support Attorney to your case. And Attorney, this is Saint Isabelle Ismael ang tinutukoy ko." Ganoon pa rin ang tingin niya sa akin. Parang hinahalukay niya ang kaluluwa ko sa tingin. Nai-intimidate ako. Naco-concious.
Inilahad niya ang kamay niya sa harap ko. Napalunok muna ako at tinignan iyon ng ilang segundo bago tinanggap.
"It's nice to finally meet you, Miss Saint Isabelle Ismael!" Ang baritono niyang boses ay naghatid ng nginig sa sistema ko.
'Nakakatakot naman siya.'
Tinutugis ko ang sarili ko.
"It's..." Lumunok muna ulit ako. "It's nice to meet you too, Attorney Roque." Tumango siya at binitawan ang kamay ko.
"Let's go. Let's talk about it to my office." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay doon niya lang tinanggal ang tingin sa akin. Tumingin siya sa iba.
"Okay, let's go." Madaam Victoria invited us.
Nagsimula ng maglakad ang magtita, di ako sumunod. Nilingon ko si Sinester sa likod ko. Nakatingin din pala siya sa akin. Ngumiti siya. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Humihingi ng lakas. Lumapit siya sa akin at hinawakan iyon. Pinagsalikop ulit at nagawa pang pisilin.
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
RomanceKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...