Nakatulog ako, habang nagku-kwento pa rin si Cecil. Di na ako nakakain kagabi o kaya nahintay man lang ang pag-uwi nina Madaam at Attorney Roque.Ngayon kakagising ko lang pasado ala una na naman ako nagising. Masyado na akong spoiled sa tulog at hinahayaan lang ako ng mga tao sa paligid. Pinakiramdam ko ang sarili ko. Mabuti na ang pakiramdam ko. Kailangan ko lang bumawi ng pagkain para tuloyan ng bumalik ang lakas ko. Di ko na rin napagpatuloy ang sinusulat ko. Ilang araw na itong nakatengga.
Mabagal pa rin akong gumalaw papunta sa Cr. Maliligo ako. Pakiramdam ko isang buwan na akong di naliligo. Nakakahiya naman sa kanila lalo na kay Sinester baka magbago bigla ang tingin niya sa akin, na dugyot pala ang nagustohan niya.
"Ahhhh!!" Malakas kong sigaw ng maramdaman ko ang lamig ng tubig. 'Shit, nakalimutan kong i-warm ang tubig.' Pinili kong magsuot ng maiksing short at malaking T-shirt. Wala naman napag-usapan na may lakad ngayong araw. Baka wala naman sila rito.
Nagha-hum ako habang tinatahak ang daan papunta sa baba. Magaan na ang pakiramdam ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang mahaba kong buhok. Malapit na ako sa dulo ng hagdan ng makarinig ako ng nag-uusap sa sala. Nangunot ang noo ko. 'May mga tao.'
Napatigil ako sa dulo ng makita kong maraming tao sa sala. Nanlaki ang mga mata ko at isa-isa silang tinignan.
'Madaam, Attorney, Lucia, Sinester, Bery, Mama Eve, Papa Toto, Cecil, Saturn, Sparkly, Shekina, Celina, Simon at what? Si Generoso Pulo?' Nalula ata ulit ako.
"Bella!" Napalingon ako kay Sinester ng tawagin niya ako. Papalapit siya sa akin. Napalingon lahat sa akin.
"You're awake now, Isa-girl!"
"Hi, Beautiful Isabelle!"
"Saint!"
"Anak!"
"Hi, Good morning, Saint!"
"Good morning, iha." Di ko alam kung anong reaksyon ang ibibigay ko sa kanila. Imbes na ngiti ay naging ngiwi iyon."Bella!!" Matigas na sambit ni Sinester. Hinubad niya ang jacket niya at ipinulupot iyon sa bewang ko. Napakagat labi ako. 'Shit, oo nga pala. Ayaw niya akong nagsusuot nito kapag may ibang tao.' "Why are you wearing like this?" Pagalit niyang tanong. Tinignan ako ng matalim. Ngitian ko siya ng alanganin. Iginiya niya ako pabalik. "Change your short!" Madiin niya pa ring saad. Hinawakan niya ako sa bewang at sinamahan papunta sa kwartong tinutuloyan ko.
Naging tahimik kami habang pabalik sa kwarto ko. Sinusulyapan ko siya ng pasimple. Salubong ang kilay niya. Masama ang timpla.
"Go change, I'll wait you here." Di ako pumasok, nakatingin ako sa kanya. Nakakagat labi. Di niya ako tinitignan. Sa pinto lamang siya nakatingin. 'Galit nga!' Niyakap ko siya sa bewang. Tiningala ko siya ng may mapupungay na mga mata. Tinignan niya ako.
"Sorry na, Sy! Hindi ko naman alam na maraming tao ngayon at ang nakakagulat pa ay kompleto kayo. Sorry na, please! Akala ko kasi walang gagawin ngayon kasi di ako nasabihan." Umiwas lang siya ng tingin. Napanguso ako. 'Alam ko, mukha na akong tanga rito pero wala akong pakialam. Galit sa akin ni Sinester. Galit siya.' "Sorry na, Sy!!" Inihilig ko ang ulo ko sa dibdib niya. Pinakinggan ang tibok ng puso niya. Napangiti ako. Ang bilis.
'Ha! Ako pa rin ang nakakapagpabilis niyan.'
Di siya gumalaw o nagsalita man lang.
"Go change, you're taking time. They're waiting. I don't want them to think that we're doing something. I still respect your father and siblings and also the o---" Natigil siya sa pagsasalita. Napaawang ang labi niya. Ninakawan ko siya ng halik sa labi. Ngiting-ngiti ako sa kanya.
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
RomansaKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...