32-Approved

0 0 0
                                    


   Nagtipon-tipon ulit kami sa bahay ni Madaam, pagkalipas ng halos dalawang linggo. Natagalan ang pag-apruba ng sinampa naming kaso. Pakiramdam ko pinag-isipan pa nila iyong mabuti bago nagdesisyon. Tahimik kaming nakaupo at hinihintay na dumating si Attorney at si Cecil. Nanlalamig ang mga kamay ko pati mga paa ko. Nakatingin ako sa lapag, tulala roon. Hawak ni Sinester at Saturn ang magkabila kong mga kamay.

"They're here." Announce ni Lucia. Napatuwid ako ng upo at napalingon sa kanila. Parehas humigpit ang hawak nila sa kamay ko. Pinapakalma ako. Seryoso ang mukha ng dalawa. Umupo sila ng magkatabi at huminga ng malalim.

Naghintay kami. Natahimik sila ng ilang segundo bago, sinalubong ni Attorney ang mga mata ko. Sa pagkakataong ito ako na ang humawak ng mahigpit sa kanila.

"It's... approved!" Biglang lumaki ang ngiti niya at iniangat pa sa ere ang dalang envelope. Parang nabingi ako. Nagslow mo ang lahat. Nag-ingay sila. Niyakap ako ni Saturn sa gilid ko at narinig kong binati niya ako. Masaya ang boses niya. Nakatingin sila lahat sa akin ng malaki ang ngiti. Hinihintay ang reaksyon ko.

Mabagal kong inilibot ang paningin sa kanila, ng maproseso ko na ng lahat ay nangilid ng luha ang mga mata ko. Sinulyapan ko si Papa. Masayang-masaya siya. Tumango siya sa akin. Tumayo ako at dumiretso sa kanya. Napatayo rin siya at kinulong ako sa mga braso niya. Ayokong humagolhol pero nangyari. Pakiramdam ko, para akong isang bata ulit. Nagpapakampi sa magulang. Nagsusumbong at humihingi ng awa. Hinaplos-haplos niya ang likod ko. Hinalikan ang ulo ko at paulit-ulit na sinabi niyang 'You did it, anak. You did it'. Tumango-tango ako sa dibdib niya, at hinigpitan pa ang yakap sa kanya. Ramdam ko ang pagmamahal at saya sa yakap niya. Ramdam na ramdam ko.

--

Nandito kami lahat sa pool area. Ayoko sanang pumayag na mag early celebration kasi baka mabulilyaso pero napigil ako ng sayang nakikita ko sa mga mukha nila at labi. Nag-iinuman ang mga lalaki. Nagku-kwentohan ang mga babae. Nagtatawanan sila lahat. Closed na closed na. Tinignan ko si Celina at Shekina, nakikisali na rin sila. Di sila ngumingiti ng malaki pero nandito sila at nakikisabay.

Nandito ako sa tabi at pinagmamasdan sila habang nag-iihaw. Katabi si Sinester na tinutulongan ako. Napalingon ako sa kanya ng ayusin niya ang buhok ko at inilagay iyon sa likod ng tenga ko. Nakangiti siya sa akin ng maganda. Napangiti rin tuloy ako ng malaki.

"Happy?" Malambing niyang tanong. Tumango ako.

"Happy!" Saad ko. Nagtititigan kami roon. Katulad noon, napasailalim na naman kami sa isang mahika. Ilusyong kami lang ang nakakaalam. Ilusyong musika ang sa aming humihili. Ang sarap lang.

"Hoy lovebirds, sunog na ang niluluto niyo." Sabay kaming napatingin sa iniihaw namin ng marinig iyon kay Lucia. Nangunot ang noo ko at tinignan siya ng masama. Nagtatawanan silang lahat na nakatingin sa amin. Nginisihan niya lang at ako nagflying kiss. Iniwasan ko iyon sa pamamagitan ng pagpaypay sa harap ko. Nagtawanan ulit sila sa ginawa ko. 'Siraulo talagang Luciana-ng to!' Ngitngit ko. Pinag-ikotan ko pa siya ng mga mata. Tinawanan lang ako ng bruha. Nginiwian ko siya.

"You know what, Luciana. Sir Victor is correct, you should say yes to Dominico now." Maarte kong asar sa kanya. Nagtawanan ang iba at nag-alburuto siya. Si Madaam naman ay nagrereklamo sa tawag ko sa kanya. 'Ganoon ha! It's my turn.' "And, Sir Victor. Just inform me, I'm willing to be your bridge." Nag-ingay ang paligid dahil sa sinabi ko. Sinester chuckled. Humalakhak si Attorney. Bumungisngis si Lucia na nakabawi na. Nacurious ang iba at tinanong ng tinanong si Madaam. Sinulyapan ko si Shekina. Nakatingin lang siya kay Madaam na halos magwala na. Napangisi ako.

"You're starting it again, Bella!" Natatawa-tawang saad ni Sinester sa tabi ko.

"It's better. Para naman mayroon silang ibang topic, huwag yung palagi na lang tayong dalawa ang nakikita. Nakakairita."

MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)Where stories live. Discover now