Tatlong araw ang lumipas na tahimik ang buhay ko. Malapit ko na ring matapos ang isinusulat ko. Ilang chapters na lang.Nasa labas ako ngayon para bumili ng pagkain. Naubusan na ako ng stock sa refrigerator. Magtatanghali na rin, sa labas na ako kakain.
Nakarating ako sa mall na nakasimangot. Wala eh, di ako masanay-sanay sa ingay ng kalsada ngayon. Dati-rati naman ayos lang sa akin. Pero nag-iba lang yun ng magsimula akong magkulong at magtago sa lungga ko. Pakiramdam ko kasi ligtas ako sa loob ng apartment ko. Walang ibang nakakakita sa akin. Walang manghuhusga. Walang matang nakasunod sa mga galaw ko. Ito na ang naging comfort zone ko simula ng lumipat ako.
Pinili kong kumain sa isang karinderya malapit sa mall. Less crowd. Less stress. Masarap pa. Sunod ay pumasok na ako sa mall. Para sa mga personal kong pangaingailangan. Tapos lumabas ako ulit para sa palengke na ako bumili ng mga fresh na ulam. Mas mura at makakapili pa ako ng abot kayang magandang tubo.
Nagrenta na lang ako ng tricycle. Ayoko ng magcommute pa marami pa naman akong dala. Baka makakuha pa ako ng kaaway. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na ako sa harap ng apartment ko. Inilapag ko lahat ng binili ko sa ibabaw ng lamesang kainan at umupo muna.
'hay naku, nakakapagod. Kung pwede lang huwag ng lumabas.'
Tatayo sana ako para uminom ng tubig, pero tumunog ang phone ko.
🎵I found a love, for me. Darling, just dive right here and follow my lead.🎵
Napangiwi ako. 'tsk, Perfect'. Ang baduy. Di ko nga nagawang mapalitan ang ringtone ko pero pinakialaman naman ni Sinester. Kaya hayan, ang kinalabasan. Kinantahan niya pa ako niyan noong isang araw. Kanta niya raw iyon para sa akin. Dala-dala niya pa ang paborito niyang gitara. Nahalina nga akong tumugtog pero di ko pa kaya. Kaya tumanggi ako. Kinapa ko ang phone ko sa loob ng bag na dala ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.
'Aba, nabuhay muli.'
My Sy
Calling...
Napangiwi na naman ako. Siya rin nagphonebook ng pangalan niya diyan. Pinakita niya pa ngang 'My Bella' ang nakalagay na pangalan ko sa phone niya. Hindi ko alam na may ugali pala siyang ganoon. Korny. Sa kakaisip ko at pagbalik tanaw sa mga nangyari, namatay na ang tawag.
'Tsk. Tatawag to ulit.'
🎵I found a love, for me...🎵
My Sy
Calling...
Sinagot ko na. Napapangiwi na naman kasi ako.
"Oh?" Malamig kong sagot.
"A-ah, hello M-maam!" Nangunot ang noo ko. Nailapat ko ang mga labi ko. Hinawakan ko ng mahigpit ang phone ko.
'Babae!' Pakiramdam ko umuusok na ang ulo at ilong ko. Naiirita na naman ako.
"Sino ka?? Nasaan si Sinester?? Bakit nasayo ang phone niya??" Sunod-sunod at walang paligoy-ligoy kong tanong sa kanya. Matalim. Malamig. Nang-aaway. Huwag lang talagang magkamali ang babaeng ito. Tsk.
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
RomanceKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...