Saint Isabelle IsmaelNaririnig ko sila. Kahit alam kong di ako makagalaw, naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila. Isang linggo na akong gising, pero paulit-ulit lang matutulog ulit. Malinaw ang mga boses nila. Nasasaktan ako at nasasaktan. Ramdam ko ang sakit nila. Nasasaktan ako sa kaalamang wala na si Papa at si Tita Celina.
Tama sila plano kong gumawa ng bagong mga alaala na kasama sila. Plano kong patawarin si Tita. Plano kong mamuhay ng kasama na sila ulit sa hinaharap ko. Naghahalo ang kasiyahan, kalungkotan at sakit.
Masaya kasi naging matatag sila at kasama na nila ang mga mahal nila sa buhay. Masayang-masaya ako. Tamang-tama ang desisyon ko na ipagpares sila. Binasi ko iyon sa personalidad nila.
Si Lucia na madada ay para kay Dominico na mayroong playful side at seryoso rin. Bagay na bagay sila. Alam kong kayang-kaya ni Dominico na alagaan si Lucia. Naririnig ko kung pano siya mag-alaala rito. Mahal na mahal niya ito.
Si Shekina na buntis sa anak nila ni Tito Victor. Masaya ako kasi mayroon na kaming pamangkin. Ninang ako. Nakatagpo sila ng kalinga sa isa't-isa. Naging sandalan ang bawat isa. Bagay sila. Si Shekina na maarte at si Tito Victor na maalaga. Excited na ako na makita sila ng aking mga mata. Ang sarap nilang pagtripan.
Si Saturno naman at ang Girlfriend niyang si Margarita. Mabuti na lang at itinulak ko siyang umamin noon, at mayroong siyang kasa-kasama ngayon. Masaya rin ako sa kanila. Excited din akong maging closed kami ni Margarita. Bagay sila. Si Saturno na mapagmahal at si Margarita na maintindihin.
Si Sparkly naman at si Bery. Ang Anghel at ang demonyo. Magandang pares. Di sweet si Sparkly ngunit di iyon hadlang sa nararamdaman ni Bery. Mas minamahal niya nga ang maarteng si Sparkly. Alam kong masayang-masaya sina Papa Toto at Mama Eve ngayon para sa kanila.
Si Cecil naman at ang boyfriend niya. Salamat naman at nagising ang boyfriend niya. Salamat at mayroong nag-aalaga sa kanya.
Ang pamilya naman ni Mr. Pulo. Naririnig kong Gustong-gusto nila akong makilala pa. Ako rin, natutuwa ako sa kanila.
Si Papa Toto at Mama Eve. Masaya ako at di napuruhan si Papa Toto. Masaya kasi di sumama ang loob nila sa amin dahil sa nangyari.
Malungkot kasi wala na si Papa at Tita, pero nagdadasal ako para sa kanilang katahimikan. Nagawa ko pa nga silang makausap noong isang araw. Nakangiti silang pinapabalik ako. Sila ang naging rason kaya nagising ako. Humingi sila pareho ng tawad at sinabing mahal nila ako. Nandoon din si Mama. Humingi rin ng tawad at sinabing mag-iingat ako palagi at mahal na mahal niya ako. Pinapabalik nila ako upang ipagpatuloy ang buhay na gusto ko. Maging masaya raw ako at bigyan ng pag-asa ang lahat. Tumango-tango ako habang umiiyak. Masakit pero tanggap ko na. Alam kong masaya na sila kung nasaan man sila.
Malungkot at down na down ang mga kapatid ko. Hinihintay nila akong magising para makapagsimula muli. Si Lucia na natrauma at nagbago. Malungkot kasi naging bingi ang isang tenga ni Dominico, naging pilay ang isang paa ni Papa Toto at muntik na ring mapahamak si Cecil. Alam kong ayos na sila ngunit nalulungkot pa rin ako at naranasan nila iyon at hanggang sa pagkamatay nila ay dadalhin nila iyon.
Masakit kasi nawala na sila. Si Papa at Tita Celina. May sama pa rin ako ng loob kay Tita, pero kailan man di ko hiniling na mawala siya. Naging masama sila sa akin, ngunit di nila ito deserve. Gusto kong huminga ng malalim. Ngunit tanging lumuha lang ang kaya kong gawin. Pakiramdam ko may humihila sa akin pabalik. Ginalaw ko ang mga daliri ko at sinubukan ko, unti-unti kong ibinuka ang mga mata ko.
Ang puting kisame ang unang sumalubong sa akin. Tahimik ang paligid. Nakabukas ang mga ilaw. Gabi na, si Sinester ang nandito.
Iginalaw ko ang ulo ko at unti-unting inilibot. Dumapo iyon kay Sinester na nakatulog sa upuan, bukas ang laptop at umiilaw pa. Di siya ganoon katagal nakakatulog. Nakaharap siya sa akin.
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
RomanceKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...