"Ingat kayo, iha. Huwag kang mag-alala hinding-hindi kami mawawala sa laban mo. Lalo na't magiging sister-in-law ka ng anak ko!" Natawa kami sa sinabi ni Ginang Ajero. Tinignan namin si Bery at Sparkly. Si Bery na nakalingon sa kabilang dulo at si Sparkly na nagtatanggal ng invisible na dumi sa kuko. Nagkukunwari pareho na walang narinig."Huwag din po kayong mag-alala Mama Eve, Papa Toto. Sisiguradohin ko pong di na makakawala pa si Sparkly."
"Shut up, Saint!" Mahinang saad ni Sparkly. Mabilisan lang kong sinulyapan at tinarayan. Nagtatawanan ulit.
--
Song - Vulnerable - Secondhand Serenade🎵
Bigla na lang umalingawngaw ang kantang yan sa loob ng kotse. Alam ni Attorney kung kailan dapat ipasok sa mga ganitong pagkakataon ang kanta.
Nasa balikat ako ni Sinester. Bumalik na naman ang lagnat ko. Pagod na pagod ang pakiramdam ko. Nakakainis sumabay pa ang lagnat na ito. Masyadong pabigat.
🎵 You think you are invisible,
I can see it in your eyes🎵Mahinang kanta ni Sinester malapit sa tenga ko. Hinihili ako. Hinihila tuloy ako ng antok.
Pasado alas 7 na ng gabi. Doon na kami kumain ng Dinner. Hindi pumayag ang mga Ajero na umuwi kaming di kumakain at di natitikman ang specialty ni Ginang Ajero. Dinama ni Lucia ang noo ko.
"Kapit lang, Girl. Medyo malayo pa tayo. May gusto ka ba? Nagugutom ka ba?" Malambing na tanong ni Lucia. Ipinikit ko ang mga mata ko.
"Gusto ko ng mahiga at matulog." Mahina kong saad.
"Yes, yes. Nick bilisan mo na."
"I'm trying okay. Inabutan pa tayo ng rushed hour. Baka matikitan tayo." Bumuntong-hininga si Lucia. Alam ko nararamdaman ko na rin ang pagod nila pero lumalaban sila. Wala pa kaming nasisimulan. Di pa nga namin natatapos ang mga dapat tapusin bago magsimula. Ang nakakainis lang ay itong lagnat ko, di ako nilulubayan. Mahal na ata ako nito ah.
"Let's stop over sa drugs store. I'll buy her a cool fever." Wala akong narinig na sumagot kay Madaam pero alam kong tumango sila.
Hinahaplos lang ni Sinester ang pisngi ko. Yakap ko ang sarili ko.
--
Hindi ko alam kung ilang minuto ang tinagal namin doon. Pinanatili ko lang na nakapikit ang aking mga mata.
Nahihilo ako. Umiikot ang ulo ko. Nanghihina ako. Pagod na pagod ako. Tinatamad ako. Nilalamig ako at kung ano ano pa ang nararamdaman ko. Isali pa na inaantok ako. Mabuti at wala akong sipon at ubo pero paos ako. Nakarinig ako ng katok sa bintana ilang segundo pagkalabas ni Madaam, kasama si Lucia para bumili.
Gumalaw si Sinester. Naramdaman kong lumingon sa bintana sa kanan niya.
"What's the problem?" Si Saturn. Nagtataka. "What happened to her?" Napalitan ng pag-aalala ang boses niya, siguro noong makita ako sa ganitong lagay.
"Her fever came back. Tita Victoria will purchase her a cool fever. She's not okay." Nag-aalalang sagot ni Sinester. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto at isa pang pagbukas.
"She's burning!!" Nagugulat na saad ni Sparkly pagkatapos niyang damahin ang noo ko. Siya pala ang pumasok sa kaliwang pinto. Isa pang kamay ang naramdaman kong dinama ang noo ko. I'm sure si Saturno.
"Sheez, we should bring her now to the hospital!!" Taranta niyang saad.
"We want too, but Isabelle insisted to rest at Victor's house. She don't want to be in the hospital and we're still miles away to the CGH." Si Attorney naman ang nagpaliwanag. Iniangat ko ang ulo ko.
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
RomanceKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...