I'm still confused. Well, you can't blame me, this is so sudden. Nandito pa rin kami sa sofa, nananahimik. Hawak niya ang kaliwang kamay ko at pinaglalaruan ang mga daliri ko. Habang ako naman heto sa bintana nakatingin, namumula at nakakagat labi.'Shit, sasabog na ata ako.'
Ayaw ko siyang tingnan baka di ko mapigilan ang sarili ko, ako mismo ang humalik sa kanya (haha). Nababaliw na talaga ako, siya may kasalanan nito. Kailangan niyang pagbayaran to. Naramdaman kong hinalikan niya ulit ang likod ng palad ko.
'Shit, papatayin niya ba ako? Siya talaga ang magiging rason ng pagkamatay ko.' Napalunok ako. Sobra na toooo.
"Bella!" Napangiwi ako.
"Hmm!" Sagot ko na sa bintana pa rin ang tingin. Nagitla ako ng hawakan niya ang baba ko at ipaharap sa kanya.
'Lawak ng ngiti ah, joker lang ang peg?'
'Poging joker, tsk.'
"Hahaha!" Luh anyari dito? Nabaliw na siya oyy. Nagtataka akong nakatingin sa kanya.
"Happy?" Sarcastic kong tanong sa kanya, nakangiwi.
"Hahaha!" Putcha, gusto ko siya pero naiirita na naman ako. Nagsalubong ang dalawang kilay ko at hinigit bigla ang kamay kong hawak niya.
"Lumabas kana. Umuwi kana. Nagdidilim ang paningin ko sayo." Di ko na maitago ang pagkairita at tumayo na.
"W-wait!" Pinigilan niya akong maglakad. Hinawakan ulit ang kaliwang kamay ko. Umubo siya ng umubo sa pagpipigil ng tawa.
'Serves you right.'
"What???" Napalakas ata ang boses ko. Tsk, I still don't care. Salubong pa rin ang mga kilay ko, naiirita pa rin. Tumayo siya at humarap sa akin. Pati isang kamay ko ay hinawakan niya na rin.
'Tsk laki ngiti ah.'
"I love teasing you, you know why?"
"Bakit?" Ewan, sinagot ko pa rin kahit naiinis pa rin ako.
"It is because I love how your expressions changes. How your eyebrows, your nose, your eyes, your cheecks and especially your lips move. I just love everything about you. And I love how you called me Poging Joker!" Nanlaki ang mga mata ko, 'N-narinig niya?' Di na siya tumawa, pero masyadong malaki naman ang ngiti niya. 'Pang-asar.' Napalunok ako, at umiwas ng tingin. Nanahimik na lang ako. Magdadahilan pa ba ako? Niyakap niya na lang ako ulit.
'Aba! Kanina pa tong tsansing ah.' Nagpumiglas ako, umatras ng isa at dinuro siya, mas lalo pang nagsalubong ang mga kilay ko.
"Putcha, kanina ka pa. Masyado ka ng tsansing." Ngumuso lang siya, pero nasa mga mata pa rin ang amazement.
"Bakit? Is it bawal?"
'Oh shit, that conyo tone again at sinalihan pa ng pagpapacute!' Wala na. Tapos na ko. Patay na ko. Patay na patay sa kanya. Sarap kagatin.
"O-oo!" I stammered, 'Shit Focus Isabelle!' Ngumiti siya agad-agad ng mautal ako. 'Arggg kainis.' Lumunok ako. "Oo!" Ulit ko sa maayos na boses, "Di porke't umamin na ko sayo at umamin ka rin, eh pwede mo na kong halik-halikan at yakap-yakapin. Hoy, walang tayo, di tayo, manligaw ka muna!!" Gigil kong paliwanag sa kanya.
YOU ARE READING
MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)
RomanceKaya bang gisingin muli ng musika ang pusong umiiyak? Kaya bang isapuso ang musikang ikaw lang ang nakakaalam? Paano kung musika at salita ang maging tulay upang makamit ang pangarap ng bawat isa? Ano ang mangyayari kong ang dating pinagbuklod ng mu...