20-Brainstorming

0 0 0
                                    


   Kinabukasan ay inutusan na nila akong maglipat bahay para sa safetiness ko. Tinulongan ako ng tatlo na ayusin ang mga gamit ko. Naging tahimik ang mga sandali sa amin. Walang nangiming magsalita o mag-open up ng topic. Ipinush talaga ni Attorney Roque na ikwento ko ang tungkol sa kanila.

Mind blowing ang lahat. Para sa akin at sa kanila. Natulog akong mabibigat na naman ang mga mata, ang ulo at ang dibdib. Sa ngayon nga ay namamaga pa rin ang mga mata ko. Kumatok lang sila para sabihing tutolongan ako sa pag-aayos pagkatapos ay wala ng usapan na naganap.

Sa bahay ako ni Madaam Victoria maglalagi. Ligtas daw doon at exclusive place iyon. Di kaagad mapapasok ng sinumang paparazzi o mga masasamang tao. Di raw ako mapapasok ni Peter doon.

--

"Uhmm hmm hmm hm hmmm!!" Nasa veranda ako ng kwarto na tinutulogan ko ngayon. Sa kawalan ng magawa at wala rin akong maisulat ay dito ako tumambay. Nagha-hum ng kantang nababagay sa nararamdaman ko ngayon.

Tatlong araw na ako rito. Masyadong malaki ang bahay. Tinatamad akong maglibot at puno pa rin ng kung ano-anong isipin ang utak ko. Di ako makapaniwalang mangyayari ito ngayon. Ang dating tinatakbuhan ko noon ay haharapin ko ngayon. Sa sunod na linggo na magsasampa ng kaso si Attorney Roque. Naatras ng ilang araw sa kadahilanang may inaasikaso pa siyang iba.

Maya-maya lang ay nandito na sila lahat. Mag-uusap-usap at brainstorming daw. Maglalatag ng mga ebidensyang nakuha na laban kay Peter pati ang ebidensya para sa mga Palermo ay inaasikaso na. Pangblackmail.

Huminga ako ng malalim ng tapusin ko ang kanta. Nilingon ko ang kwarto sa likod ko. Magara. Malaki at maaliwalas. Nakakapanibago pero naalala ko ang kwarto ko sa bahay ng mga Palermo. Mas malaki nga lang ang kwartong gamit ko ngayon.

'Ano kaya ang ginawa nila sa mga gamit na tinambak ko sa ibabaw ng kama?'

Huminga ulit ako ng malalim. Ang tahimik na buhay na pangarap ko ay mawawala na naman. Papasok ako sa magulong sitwasyon. Ilalagay ko sa hukay ang kabilang paa ko. Natatakot ako sa isiping makakalaban ko ang mga taong sumusuporta sa kanila.

"Death threats." Parang mauulit ang nangyaring pambubully sa akin, mas malala ngayon kasi politiko  na ang kalaban ko. Ilang minuto pa akong nasa ganoong posisyon ng makarinig ako ng katok sa pinto. Di ako gumalaw, bukas naman ang pinto. Hinayaan kong pumasok ang sinumang kumatok.

Umihip ang malamyos na hangin, napapikit ako. Idinuyan ang aking mga buhok. Nagitla ako ng kaunti ng maramdaman kong may mga brasong pumalibot sa may bewang ko. Nagmulat ako. Sa pabango pa lang na gamit niya ay kilala ko na siya.

"Sinester Lee!" Mas inilapit niya ako sa kanya. Ipinatong ang baba sa ulo ko.

"You don't need to call me in my full name, Bella. It send me chills when you are the one who's saying it." Napangiti ako ng kaunti. Humarap ako sa kanya at tiningala siya. Hinaplos ko ang kanan niyang pisngi. Ano ba ang ginawa ko at binigyan nila ako ng isang Sinester Lee sa buhay ko? Pinagmamasdan ko ang buong mukha niya ng may maliit pa ring ngiti sa mga labi. Ang swerte ko sa kanya. Isama niyo na rin ang magtita at ngayon pati si Attorney. Tumingkayad ako at pinatakan ng mabilis na halik ang labi niya. Napangiti siya dahil doon.

"One more, please!!" Natawa ako at tinapik-tapik ang pisngi niya.

"Next time!" Natawa ulit ako at nakisabay na siya. Idinikit niya ang noo sa noo ko. Pumikit at ninamnam ang sandali.

"They're waiting at Tita Victoria's Office." Ang malambing niyang boses ay nagbigay kiliti sa akin. Itinango ko ang ulo ko at inilipat ang ulo sa may leeg niya.

MUSIC AND HEARTS (COMPLETED)Where stories live. Discover now