27

198 6 3
                                    

Chapter 27: Beauty or Danger?

Ara's

Umaga na ng makarating kami sa lugar ng Lola, di kami pumunta sa bahay ng Lola dahilan na baka andun sila,

'Nandito kaba para sakanya Ara?' tanong ng paro-parong dumaan saaking harapan

'Nandito nga siya para sakanya, ano kaba Felisha' sagot pa ng paro-parong nasa gilid ng aking Ate

'Alam mo Fleuwn, napaka suplado mo'

'Alam mo din Felisha alam mong tumakas lang tayo nag iingay kapa'

'Isusumbong kita kay Mater'

'Edi isumbong, magsusumbong ako kay Pater'

'Isusumbong ko si Pater, kay Mater, hindi na talaga kita bati Fleuwn, hindi naaaa' ang dalawang gintong paro-paro na kaninay nag uusap ay biglang umalis

Sino ang mga iyon? bat ko sila naririnig? mayroon naba ako ng bagong kakayahan para malaman pinag uusapan ng paro-paro? akala ko kay Les ko lang nagagawa iyon

sa pag iisip ng pangalan ng Anak ng aking tiya Shalila, sa sobrang daming pangyayari di ko na matandaan kung nasaan siya ngayon, sana maayos lang siya

'Bumalik kaba para sakanya?'

'Babalik kana ba sa mundo natin?'

'Dapat iwan mo na ang pamilyang iyan'

'Makakasala mga tao'

'Sa lugar natin walang masama doon'

'Di ka nila huhusgahan'

'Mamahalin ka ng mamayan ng Biringan Ara' sabi ng mga paro-parong may iba't ibang kulay na nakapalibot saakin

"Look darling, so many butterflies, maybe the girl is a buttefly whisperer?"

"I think so" pag uusap ng dalawang amerikano na dumaan saaking gilid

nandito ako sa harap ng Hotel na pinag check in'an ni papa para sa mga susunod na araw, kapansin pansin ang mga bulaklak na naka tanim sa gilid nito,

pero mas kapansin pansin ang anyo ko na pinalilibutan ng nasa bente o sobrang paro-paro

at alam ko lahat sila ay ang mga nilalang nayun, sa pag uusap palang nilang naririnig ko ay alam ko na

sa sobrang rindi ng aking mga naririnig ay tumakbo ako papunta sa isa sa mga maliliit na kubo na nakatayo sa hardin ng Hotel

'Bat di kami makalapit sayo?'

'Gusto ka namin hawakan Ara'

'Bakit ganun?Gusto kalang namin hawakan'

'Oo nga Ara gusto kalang namin hawakan'

"Please,please, tama na" sabi ko sa mga boses na naririnig ko

'Ara...'

'Ara.....'

'ARAAA!!!!' sabay sabay na sigaw nila

tinakpan ko ang aking tenga na nagbabasakaling humina o mawala ang mga boses

'Ara, mag si sisi ka'

'Ang mga taong makakasala! tatalikuran ka din nila!!'

'Walang mapagkakatiwalaan sa mga tao Ara, WALAAA'

ang mga boses na sunod sunod na isinigaw ang kanilang mga daing

ang mga boses na kahit anong takip ko saking mga tenga ay nakakalusot padin

isang mahinang tapik saking balikat ang nagkuha nang aking atensyon, sa paglingon ko andun siya muli

ang lalaking may gintong mata, habang nakangiti

"Ara?" pagpukaw sa atensyon ko nang aking nakakatandang kapatid

ngunit kahit anong gawin ko, ang mga salitang nais lumabas saking bibig ay hindi ko ma isambit, habang ang aking paningin ay nakapako padin sa lalaking may gintong mata

'babalik at babalik kadin sakin Ara' mumunting sambit nang lalaki

"Ara? may problema ba?" ang kaninang nakapako kong tingin ay pawang nabitawan sa di ko malamang dahilan

"a-ate" sambit ko

"may problema ba Ara?"

"ayoko na dito ate" may halong nginig na sabi ko

"a-anong sinasabi mo Ara?" ang huli kong narinig bago ako nawalan nang malay...

---------

yes, good morning i updated this at 2:13 am Jan 19 2022, sorry for the long update mahina mudra niyo teh daming ginagawa sa school yun lang hintay ulit sa mahabang update kung san tayo magkaka oras 🤣

Sitio. BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon