17

738 26 3
                                    

Chapter 17: Les

Dumaan ang araw ang batang si Les ay di parin nakikita ni Ara pero ang paro-parong nasa paligid niya lamang ay nakakapagtaka na

ang mga gintong pakpak nito ay isang uri ng temptasyon para sa mga taong naniniwala sa mga pamahiin, pamahiin na kapag hinuli mo ito at itinago sa iyong pinataka ay magkakaroon ka ng maraming pera

nakakatawa mang isipin pero sa modernong panahong ito marami parin ang naniniwala sa pamahiin, mapa bata man o matanda, pamahiin na minsan ay maganda ang dulot at pamahiin minsan naman daw ay masama

nakasunod parin sa paro-paro ang kanyang mga mata, ang paro-parong ilang araw ng naglilibot sakanyang silid

"Les, san kana ba?" tanong niya sa hangin

ang paro-parong kanina ay naglilibot lang ay unti-unting lumipad papunta sakanyang hita, habang nakaupo si Ara sakanyang higaan, ilang araw na nakakulong sa pag aakala na natrauma lang siya paniniwala ng kanyang Ama at Ate, ay hinayaan niya nalang

ang paro-parong nakadapo sakanyang hita ay mistulang bata na naka-upo sa sahig at ang ulo ay nasa kanyang hita

batang may buhok na kagaya sakanyang tiya...

"Les? ikaw ba yan?" tanong niya muli, ng maisip niya ito ay bigla siyang natawa

sino bang matinong tao na tatanungin ang paro-paro kung siya ba ang anak ng kanyang tiya, isang kabaliwan

"Ate Ara, kamusta ka? di naba mabigat pakiramdam mo?" tanong sakanya ng isang boses

ang kaninay akala mong nababaliw si Ara ay nanlalaki ang matang tumingin sa paro-paro pawang di makapaniwala

ang kaninang haka-haka ng kanyang isipan ay isa palang katotohanan

"Les ikaw ba yan? sure na yan?"

"opo, di ko nga po alam ate bat ako nagkaganito eh, ang alam ko po pagkagising ko ganito na po ako" nakakalitong explenasyon ni Les

"uhmm ano, di kaba nagugutom sa ganyan? pano ka nakakain? babalik kapa ba sa dati?"

"di ko alam ate, nakakain po ako dun sa hardin niyo po, ang dami palang magagandang bulaklak dito sainyo ate, tapos po yun po di ko alam kung babalik pa po ba ako sa dati"

"ganito, para walang magka interes sayo dito kalang ha? kung pwede wag kang aalis sa kwarto alam mo bang--"

"opo alam ko po, ang mga gintong paro-paro ay swerte totoo naman po kasi iyon, pero di ko alam sa akinnn"

"basta, dito ka lang okay?!?!?????"

"opooo" pagkatapos sumagot ni Les ay lumipad na ito sa kung saan

"ARA? SINO KAUSAP MO?" dinig niyang sigaw ng kanyang nakakatandang kapatid

"WALA PO!" di man sumagot ang kanyang kapatid ay hinayaan niya nalang

malayo ang tingin na nakatingin sakanyang bintana, iniisip kung ano ang susunod na mangyayari, ano ang susunod na mararanasan niya

di niya alam kung bat sa dinami dami ng tao sa mundo sakanya pa talaga nangyari ang ganito, sa 106.7 million na tao sa pinas sakanya pa talaga nangyari yun

"grabeng swerte naman to, nung umulan ba ng swerte sa mundo lumabas ba ako nun at nagtampisaw? o nagdala ba ng drum para maraming swerte akong makuha hahahaha" patawa tawa lang pero naiiyak na talaga si Ara sakanyang isipan

swerte ba ito o kamalasan? nakaka dismaya siya na tao na di hiningi na mangyari ito sakanya, ay sakanya pa talaga nangyari

siya na tao na gusto lang pumunta sa Samar para sakanyang lola, pag uwi sa maynila ay ganito pa

nakakatawa, na nakakaiyak

kung bibigyan lang siya ng isang hiling, hinding hindi niya talagang hihilingin na may mangyaring ganit muli sakanyang buhay.

---

hello, short chapter everyone ay nga pala open ako for book cover edit para sa The story of None, kung willing kayo mag edit para sa book ko na yun, ano uhm pano ba to? hmm uhhh ganito ganyan? di ko alam pano niyoko cocontact pero message niyoko dito kung meron man, salamat happy readingg~ and stay safe sa bahayyy~

Sitio. BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon