15

791 25 3
                                    

Chapter 15: In the castle of ice

Third Person's

Hawak ang maliit na kamay ng kanyang pamangkin, naglalakad si Ara sa pasilyo ng palasyo, nakasunod sakanila ang isang dosenang gwardiya na may makukulay na mga buhok, at ang kanilang nasa unahan naman ay ang lalaking nagmamay ari ng puting buhok

"Eld, si Les, baka hanapin siya ng aking tiya" pag aalinlangang sabi ni Ara

huminto lang saglit ang lalaki, at nagpatuloy na ulit sa paglalakad

kapansin pansin ang pagiging tahimik muli ng palasyo, ang unang kita ni Ara sa palasyong ito ay napapansin niya ang sigla ng kapaligiran

di niya maitatanggi ang ganda ng Biringan, ngunit sa ganda nitong tinataglay di mo maiisip na may isang sekreto ang nakakubli

ang pintuan na dati ay pinagdausan ng kasiyahan sa kanyang pagdating, ay kanilang nadaanan kapansin pansin din dito ang pagiging malamig ng mga ukit sa pinto

di mo aakalaing ang obra maestrang mga ukit, bulaklak, dahon at mga puno at diwata di mo mararamdaman pero makikita mo ang pagiging malamig ng umuukit, lahat ng parte na dapat ay malambot ay pawang isang marahas na pagsusulat

mga ukit na akala mong pinaghalo ang sakit, lungkot at pag iisa

isang babaeng engkanto ang nagpahinto sa kay Ara, iminuwestra nito na hanggang dito lang sila ng pamangkin niya, sa kanyang paglingon muli sa gilid sa mga kasama nitong guwardya

bigla nalang itong naglaho parang bula, walang nagawa si Ara kundi ang sumunod sa babaeng engkanto

matapos ang iilang liko at paglalakad tumambad muli kay Ara ang kwarto na kanyang nilagian noong nandito siya sa palasyo

pumasok si Ara sa kwarto, walang ano ano hawak parin ang kamay ng kanyang pamangkin

nilingon niya ang babaeng diwata, gaya ng mga gwardiya naglaho rin ito na parang bula...

Di malaman ni Ara kung ano ang susunod niyang gagawin, ang mga tao sa palasyong ito ay di mo man lang makausap, titingnan ka nila sa mata na parang di ka nandoon

nilingon ni Ara ang bintana sa silid, malaki ito at tanaw niya ang buong Biringan, ngunit mataas rin ito di nila kakayanin ng kanyang pamangkin ang pagtalon

at kung makakatakas man si Ara sa palasyong ito, di naman siya makakatakas sa gintong mga mata ni Eld

sa kanyang pag iisip di niya napansin ang kinakain ng kanyang kapatid, isa itong uri ng bulaklak kung titingnan mo sarap na sarap ang bata sakanyang kinakain

"Ano yan?" nagtataka niyang tanong

"Cherry bloom po" inosenteng sagot ng bata

"Nakakain ba yan?" isang tango ang natanggap na sagot ni Ara sakanyang pamangkin

"San mo kinuha yan?" tanong niyang muli

"sa labas po"

"kailan mo kinuha yan?

"ngayon lang po"

"pag sinabi mo bang labas, ay sa labas ng biringan?'

"opo"

"pano ka nakalabas?"

tinuro ng bata ang isang salamin, kapansin pansin ang pagiging kakaiba nito

sa lahat ng gamit sa loob ng kwarto, itong salamin ang naiiba, ang mga bulaklak na nakapulupot doon ay buhay, mga paro-parong pumapaikot dito

nilapitan ni Ara ang salamin at sinimulang hawakan ang makinis nitong salamin,

wala namang bago, para lang itong normal nakikita ni Ara ang kanyang sarili

tatalikod na sana ito ng nagsalita si Les

"Ate, sabihin mo po ostende mihi latera"

"ostende mihi latera" ulit ni Ara sa sinabi ng bata

ang kaninang makinis na salamin ay parang naging isang bintana sa kanyang hiling

nakikita ni Ara ang kanyang kwarto, sa pakiramdam ni Ara ay nakikita niya ang kanyang kwarto gamit ang salamin na naroroon

sinubukan niya itong hawakan muli, ang kaninang makinis at matigas na salamin ay biglang naging isang tubig, ang kamay na dapat ay mahahawakan ang salamin ay biglang pumasok sa salamin,

"Ate?" inosenteng tawag ni Les

hinawakan ni Ara ang kamay ng binata at unti unting hinila ito papunta sa salamin

"Les, sasama ka sakin ha? wala si mama mo dito ngayon baka ano ang gawin nila sayo" tumango lang ang bata bilang sagot

ng bumaon na ang kamay ni Ara sa salamin biglang bumukas ang pinto, at pumasok doon si Eld, galit yun ang makikita sa mata ng binatilyo

pero di ito pinansin ni Ara at tinulak niya si Les papasok sa salamin at sa kanyang paghakbang, nakikita niya ang nag aapoy na mata ni Eld

"Makukuha rin kita" ang huli niyang narinig ng biglang dumilim ang lahat...

---

Hi dear fairies, Hello quarantine joke lang hahahaha, so yun nga any suggestion for the next chapter?

honestly wala talagang plot to, instant ko tong ginagawa deretso upload hehehe suggest naman kayo oh nauubos na braincells ko ><

Sitio. BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon