Chapter 12: This is it?
Third person's
October 31, 2015
the day that samar had been waiting for, mga dalagita nila ay itinatago na sa mga tamawong nag babalat kayo bilang tao
upang sa pagpatak ng alas dose ngayong gabi ay walang mawawalang dalagita para ngayong taon
sa bahay nila aling Rena
abala ang kanyang anak na si Rei sa pagkuha ng mga sinampay sa labas ng kanilang bahay, ng may narinig siyang kaluskos sa kakahuyan
sa kanyang paglingon, gwapong nilalang ang tumambad sakanya
suot ang itim na amerikana biglang yumuko ang lalaki
sa kanyang pagtataka di niya napansin ang dalawang lalaki sakanyang likod
ang attensyon ay nasa amerikanang lalaki na nanatili,
ng kanyang pagtalikod, puting panyo naka amba
amoy ay di maganda, isang singhap, paningin ay nandilim
sa pag gising dose dosenang kababaihan nakahilera,
pero isa ang namumukod tangi
di lamang hawak ito ng lalaking nagtataglay ng gintong mata
ngunit ang lalaki mismo ay naka upo sa trono sa gitna ng isang palasyong gawa sa kristal
"mahal na prinsepe, tapos na po ang nobyembre uno"
"salamat, nakahanda naba ang aking kwarto para saking asawa?"
"opo, mahal na prinsepe"
isang tango ang ibinigay ng lalaking may gintong mata
ibang kababaehan unti unting nagigising, pagtataka at pagkamangha ang nakikita sakanilang mukha
dahil sa palasyong kristal, mga pagkaing sa harap nakahanda, at sa likod mga lalaking naka amerikana
nakita ni rei ang lalaking kanina nakita niya sa kanyang pagsasampay
nagtataka man kung san ang lugar na ito wala siyang nagawa kundi sumunod sa mga kababaehang kumakain na sa harap
habang kumakain, kapansin pansin ang itim na kanin, nagtataka man ay isinawalang bahala na lamang niya ito at kumuha
sa unang kagat, paningin ay nandilim...
Ara's
malambot
mabango
at masarap pang matulog
inaalala kung ano ang huling nangyare habang ako ay natutulog
pero bat ganun? bat parang malabo
sinubukan kong imulat ang aking mata
tumambad sakin ang kwartong napaka magarbo
saking pag ikot sa gilid, lalaking may gintong mata tumambad sakin
hubad ang pangitaas buhok na puti ay nakatirintas
"ameca mea" baritonong boses tumambad
"Eld?" nagtataka man kung bat ko siya kilala
nanaig parin sakin ang takot, hindi ko ito bahay bat ako andito?
"nasaan ako?" tanong ko muli sa lalaki
"nasa pamamahay kita" parang balewalang sabi niya
ng mapansin ang dapit hapon sa labas ng kanyang bintana
nagmadali akong tumayo upang maghanda
baka nag aalala na saakin si papa
saaking pagbaba sa kama, naghanap ako ng suot pam-paa
nakita ko isang tsenelas na kakaiba
isinawalang bahala na lamang at ito'y isinuot na, nagmadali akong tumakbo papuntang pintuan, suot ay di ko pinansin
pagkalabas ng pinto, hele helerang mga baluti akin nakita
kakaiba man pero alam mong gamit pandigma
inaayos ang aking suot na bistida, nagsimula muli akong lumakad
di alam saan ang dinadaanan, nagpatuloy parin ako sa paglalakad
ng makita ko isang pintuang napaka malaki, ito'y aking binuksan
napunta ata ako sa isang kasiyahan isip isip ko
kapansin pansin ang magagarbong suot ng mga taong nandoon
isang musika ang tumugtug, malamyos sa pandinig
ang mga tao'y kaninang nagkakasiyahan, biglang nagsitingnan saakin
nagtataka man kung bakit, binigyang daan nila ako
sa dulo ng daan, dalawang trono nakatayo, gawa sa ugat ng kahoy at ang paligid at napapalibutan ng alitaptap
andun naka-upo si Eld na nanonood sa nangyayari hawak ay kumpitang ginto
ngiti ay mapaglaro, mata'y kumikinang
isang boses dumalogdug
"PAGMASDAN, ANG ASAWA NG PRINSEPE, PRINSESA ARA" palakpakan namayagpag
takot biglang umusbong
luha ay tumulo, napagtanto kung nasaan ako
sa lugar na mismong walang tao ang nakakapunta kung di siya mismo ang magpapakita
Biringan...
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)