26

337 18 9
                                    

Chapter 26: Sayonara mi Amor

Ara's

"Habak at Agimat, soutin mo ang habak saiyong bewang" sabi niya sakin

tiningnan ko ang tinatawag niyang Habak, meron itong medalyon na parang kinakalawang na ginto, ng tiningnan ko din ang agimat wala namang maganda sa agimat isa lamang itong bato na may berdeng dyamante sa gitna

"para san po ang mga ito?" tanong ko sakanya

"pangontra mo sa masasamang elemento ang habak"

tiningnan ko muli ang habak ng tangkang isusuot ko na to saaking leeg,kinuha niya to sakin

"sa bewang yan,wag na wag mong tatanggalin" sabi niya pa at binigay sa papa ko ang agimat

nagbigay siya ng kakaonting explenasyon at nagbilin din siya na kung sakaling may dumating man na iba na magtangka akong kunin di daw ito makakalapit sakin dahil sa habak

matapos ang konting usapan pina alis niya na kami sa kanyang bahay,

magkahawak ang dalawang kamay, ang byahe papunta sa hotel na aming tutuluyan ay pawang napaka layo,

ang daan sa paligid ay kapansin pansing madilim, mga punong nag tataasan sa dilim, mga ibon at kung anong insektong gumagawa ng tunog kapag gabi, mga dinadaanang puno ng acacia at balete

di ko alam kung pakiramdam ko lang ba ito o hindi, ang pakiramdam na pawang may nakatingin sayo, sa bawat ugong ng tricycle, sa bawat takbo nito

parang ang kapaligiran ay unti unting tumitigil, saaking paglingon sa kanan, napansin ko ang mga matang kulay ginto, kumikinang ito sa kapaligiran na napapalibutan ng dilim

isang bulong ang dumapo saaking tenga kasabay nun ang pagtaas ng aking balahibo sa batok

'Nagtitiwala ka talaga sa matandang albularyo na iyon Ara?, Habak? Agimat? nagpapatawa kaba? sa akin ka Ara walang makakapigil saakin sa pagkuha sainyong dalawa, tandaan mo yan Ameca mea' mga ngiting dumungaw sa kadiliman kasabay ang mga tanong na dumungaw din saaking isipan

dalawa? sino pa ang kanyang pinupunto?, anong sinasabi niya?

mga alaala ng gabing akala ko panaginip lang ang nangyari,

mga ungol na akala ko ay di totoo

ang marka ng kamay na nag iwan ng tanong saaking isipan

ang gabing mainit naming pinagsaluhan

p-papaanong nangyari ito? wala naman dibang nakakabuo sa panaginip lang? tsaka di pa naman nagtatagal ng isang buwan ang aking tiyan, anong araw ba ngayon? tiningnan ko ang menstrual calendar na naka install saaking cellphone ng makita kong

2 weeks late... walang nabubuntis sa ganong kaikling panahon, wala

ang magkahawak kong kamay ay mas lalo ko pang diniinan, kinakabahan ako sa susunod na mangyayari

di pwedeng magka anak ako sa nilalang na iyon, di pwedeng makabuo kami

panaginip lang iyon, panaginip, paanong nangyaring may nabuo sa panaginip

mga pawis kong butil butil na sa pagpatak, ang hangin na kanina ay malamig ay mas unti unti pang lumamig,

tiningnan ko ang ate ko na nakatingin lang sa kawalan, ang papa kong nakatingin sa daan,

sasabihin ko ba sakanila? di ko pwedeng buhayin ang batang to, pero kasalanan ang pagpapa laglag ng bata kung mayroon man itong laman

may isang tao ang pumasok saaking isipan, di ko masasabing tao ba talaga o ito o nilalang, pero alam kong siya makakasagot saaking katanungan

ang taong tinatawag na tiyahin ni Eld, ang taong totoong namumuno sa Biringan

di ko alam kung tama ba itong gagawin ko, pero wala na talaga akong malalapitan pa, kailangan ko siyang puntahan

"papa, pwede ba tayo bumalik sa bahay ni Lola? may hahanapin lang ako" sabi ko sa Ama ko na nakatingin sa daan

"anong hahanapin mo?" tanong niya saakin

"hindi po Ano papa, kundi Sino"

"Sino?"

"opo papa, makakatulong ang taong ito, siguro mabibigyan niyako ng solusyon"

"sino ba iyan?"

"si Carolina"

----------------

Tagal tagal din akong di naka update ha? kamusta kayo? kamusta ako? antindi ng sakit ko ngayon eh tinatawag daw nila itong Writer's block? ಥ⌣ಥ

kaya nakakaiyak ert eh, joke lang Fairies stay home and stay safe, kung may tanong pwede magtanong sasagutin ko lang sa susunod na update ko kung kailan man yun hehehe sige ingat kayo love lotsss

Sitio. BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon