Chapter 4: Ang lalaki
Ara Pineda
alas otso na ng gabi ng matapos kaming kumain, at napagpasyahan ko munang mag libot libot sa bahay ni lola,
nilibot ko ang unang palapag ng bahay, di gaya ng unang tingin ko kanina, napapansin ko na ang mga sulat na hindi ko maintindihan na nag sisilbing desenyo ng bahay, magkasalikop na kamay kong tiningnan ang mga pigurin ni lola sa isang glass shelf, mga pigurin ng mga paro paro, babaeng nagsasayaw, mga lalaking tumutugtog, mga batang nag didilig, mga alitaptap na nagliliwaliw, at marami pa napakaganda nitong pagmasdan,
ng madako ang tingin ko sa mga libro ni lola, kapansin pansin ang katandaan nito, mga naninilaw na pahina, binuklat ko ang libro at nababasa ko ngayon ang lengwaheng di ko maintindhan hahahaha
ng mag sawa ako sa mga libro nag tungo naman ako sa ikalawang palapag kung san ang mga paintings ang nakalagay, nag tungo ako sa painting ng batang lalaking engkanto, pinakatitigan ko itong mabuti, ng madako ang tingin ko sakanyang mga gintong mata, bumilis ang tibok ng aking puso, naubusan ako ng hininga, natuon lang sakanya ang atensyon ko, feeling ko nakatingin rin siya sakin,
ng napadako ang tingin ko sakanyang mga kamay, may hawak siyang bulaklak, isang puti at napakagandang rosas, napangiti ako saking nakita, ang aking pakiramdam na ang bulaklak ay para sakin lamang, ang pakiramdam na pag aari ako ng bata sa imahe,
ibinalik ko ang tingin sa bata kay sarap niyang titigan "Eld" sabi ng utak ko, napapantastikuhan man sa sinabi ng aking utak nagawa ko pa itong isambit "Eld" sabi ko pa at bumungisngis ng kaonti "napakagandang pangalan naman ng eld, saiyo ba ito ginoo?" pagkausap ko sa bata sa imahe,
mejo nakakatakot man baka sagutin ako tinatagan ko ang aking loob para ihiwatig ang aking gustong sabihin "ginoo kung Eld man ang iyong pangalan gusto ko ito ang itawag ko sayo, napaka ganda ng pangalan na ito gaya ng iyong gintong mata, para itong apoy na lumulusaw saking puso," sabi ko pa
"nakakatuwa mang isipin ginoo pero ng makita ko ang iyong mata sa ikalawang pagkakataon, tumibok ang aking puso, para bang itoy pag mamay ari mo ginoo" dugtong ko pa
ansarap niyang kausap kahit ako lamang ang nagsasalita, para mang tanga at kinakausap ko ang imahe gumagaan ang aking loob at mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso,
ng ako'y mag sawa na kaka kausap sa imahe pumasok nako sa kwarto ko at pumunta sa terrace "11:58 pm" sambit ko sa oras habang nakatingin saking relo, wala sa sariling napalingon ako sa parang,
napakaganda ng parang pag gabi, mga alitaptap na naglalaro, ang ganda ini ilawan nila ang buong parang, namamangha man saking nakikita di ko maiwasang dalawin ng antok, unti unti akong naglakad papuntang kama at sa ikalawang pagkakataon hinayaan ko na namang bukas ang pinto ng tireseta,
ng lamunin ako ng antok may naramdaman akong humalik saking noo, napangiti ako ng kaunti dahil sa gesture na iyon, feeling ko kontento nako dahil sa halik na yun...
"mahal ang sarap palang pakinggan ng aking pangalan pag ikaw ang nag sambit" at ikalawang pagkakataon sa parehong araw andito ako sa kandungan ng lalaking di ko ma aninag ang mukha,
andito kami ngayon sa parehong kwarto na aking tinulugan, nakaupo ako sakanyang kandungan pa harap sa kanya, "mahal alam kong gwapo ako wag mo na akong pagnasaan pa sayo lang naman ako eh" sabi pa niya gusto kong mainis sakanya pero natawa nalang ako sa kanyang inasal,
"mahal narinig ko lahat ng sinabi mo kanina" nagtataka may nginitian ko nalang siya "wag ka ngang ngumiti mas lalo akong nahuhulog sayo eh" himutok niya
nais kong tumawa pero di ko magawa, dahil nabihag ako ng mga matang aking na aninag mga gintong mata, nakakahipnotismo, namalayan ko nalang na hiwakan niya ang aking baba at dahan dahan niyang inilapit sakin ang kanyang labi,
parang totoo ito, kahit panaginip lang feeling ko totoong halik ito, ikinawit ko ang aking mga kamay sakanyang leeg at hinalikan siya pabalik, "akin... ka... lang... ara..." sabi niya sa pagitan ng aming paghahalikan
ang mga kamay niya ay iniyakap niya saking bewang at hinapit pako sakanya palapit, naging mas mapusok ang aming halikan, ng bumaba ang kanyang halik saking baba patungo sa aking leeg, "ohhh..." daing ko ng sipsipin niya ang kanyang hinalikan na parte ng aking leeg, lumipat siya sa aking lalamunan, napatanga ako sa kanyang ginawa at nilasap ang sarap na kanyang ginagawa "ohhhh elddd..." daing ko uli ng akmang hahalikan ko siya bigla siyang tumigil at tiningnan ang aking mata,
nakipag titigan sakin ang mga gintong mata nito "gising kana mahal umaga na" sabi niya na puno ng paglalambing kahit ayaw ko pang umalis sakanyang kandungan bigla siyang tumayo at napahiga ako sa kama, kapansin pansin ang umbok sa kanyang suot boxers, ngayon ko lang napansin ang boxers at sandong suot niya
napayuko ako ng dahil sa hiya at namumula ang mukhang pumikit upang di ito makita, hinawakan niya ang aking baba at ginawaran ako ng maikling halik "mahal aalis nako gumising kana mag kita nalang tayo mamayang gabi mahal kita" matapos niyang sabihin yun bigla siyang naglaho...
minulat ko ang aking mata namumula ang aking mukha saking napanaginipan "nakakahiya ka ara" sabi ko sa sarili at tumayo na sa kama.
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)