Chapter 3: Sa bahay ng aking lola
Ara Pineda
Ng makarating kami sa bahay ni lola, kapansin pansin ang katandaan nito,ang ka gandahan na kahit sa pag lipas ng panahon ay di kumukupas a two story house sa gitna ng gubat,
pagpasok palang kapansin pansin na ang mga alikabok sa mga muwebles na doble doble ang halaga sa paglipas ng panahon,
"Magandang tanghali sir theodoro"bati ng care taker ng bahay ni lola
"nako! mang cadyo wag kana mag sir aba hahaha alam mo namang pamilya rin ang turi namin sayo" sagot ni papa kay mang cadyo
habang nag uusap sila ni papa, ako namay tumitingin sa mga desenyo ng pader, nakakahalina ito dahil sa mga carvings na magaganda,
"iha" pukaw ni papa saking naglalakbay na isip, "nasa ikalawang palapag ang iyong magiging kuwarto, sa pinakahuling pintuan" matapos sabihin yun ni papa umakyat nako at pinuntahan ang pinakahuling pintuan, habang naglalakbay ang aking mata sa mga pintang napaka ganda
mga halaman,
mga puno,
isang kasiyahan sa parang,
mga dyosang nag sisiya,
mga diwatang nagliligo sa batis,at ang isang nakakuha ng aking attensyon,
yun ay isang lalaki, batang lalaki, napaka saya nito, mga gintong mata, mahahabang pilikmata, kulay puti na buhok, mapupulang labi, matangos na ilong, nakakahalina siya, ng mapunta ang aking paningin sakanyang tenga, napagtanto kong siya ay isang engkanto, mahahabang tenga, tapos ang hiwa sakanyang ilong na kung tawagin ay nostril sa english ay wala, ngunit imbis na magpa pangit pa sakanya nakakadagdag pa ito ng kanyang ka gwapohan...
"mahal ko" rinig kong sabi saking utak, nagpalinga linga ako upang malaman kung sino iyon ngunit wala akong nakita,
umiling ako at nagtungo na sa kwartong sinabi sakin ni papa,
pagkatapat ko sa pintuan nakita ko ang mga carvings na parang isang mensahe nakasulat ito sa pintuan, ngunit napakagandang tingnan, di ko man maintindihan napangiti nalang ako, feeling ko kasi isa itong mensahe ng lalaking nagmamahal at hinihintay ang kanyang kabiyak,
ng hawakan ko ang seradura ng pinto, napansin ko ito ay gawa sa ginto, nakikita ko ang aking itsura dahil sa kinang nito, ng tuluyan ko ng buksan,
bumungad sakin ang isang kwarto na nararapat lamang para sa isang diwata,
kamang napakalaki na may mga kurtinang silk ang nakapalibot sa apat na poste nito, gaya ng isang higaan ng prinsesa,
mga kagamitang gawa sa ginto, chandelier, lock ng sliding door ng terrace, sa pader na nakadikit ang mga gintong ginawang kagaya ng isang bulaklak, at marami pa,
pumasok nako sa kuwartong iyon, napansin ko ang glass sliding door ng terrace parang hinihipnotismo ako nitong buksan ang pinto, sinunod ko ang sinasabi ng aking utak,
pumunta ako sa pinto at binuksan ito, bumungad sakin ang ganda ng parang na sinasabi ng aking lola, napakaganda nito, mga paro parong naglalaro nahalina may naramdaman ko na ang pagod ng aking katawan,
pumasok ako at padapang humiga sa kama, iniwan kong bukas ang pinto ng terrace dahil sa hanging napaka presko na binibigay nito sakin,
matapos ang ilang segundong nakapikit tuluyan nakong nilamon ng pagod..
"mahal ko, hihintayin kita" sabi ng lalaki habang sinusuklay ang aking buhok na nagkalat sa higaan "akoy na nanabik na sayo mahal" sabi pa niya
"matapos nating mag isang dibdib di na kita papayagang maka alis pa saking tabi" pinilit kong imulat ang aking mata sa pagmulat ko nakita ko ang isang bulto ng lalaki, di ko man maaninag ang kanyang mukha nakikita ko naman ang kanyang mga ngiti
sinubukan kong hawakan ang kanyang mukha pero di ko man lang ma abot abot ito, ng mapansin niya ang aking kamay hinawakan niya ito at dinala sakanyang mukha "mahal kita ara" sabi niya,
dumukwang ang lalaki saking mukha, ilang metro nalang ang layo ng kanyang labi saking labi ng...
"ara gising na kakain na daw sabi ni papa" na alimpungatan man dahil sa pag gising sakin ni ate di ko parin ma iwasang magtaka kung sino ang lalaking iyon
"opo ba baba nako ate" sabi ko "sige hintayin ka namin sa baba" at sinarado niya ang pintuan
sino kaya ang lalaking iyon..
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)