7

952 80 19
                                    

Chapter 7: A flower for a kiss

Ara's POV

malalim na ang gabi ng magising ako
lumabas ako sa terrace para mag muni muni ng mapansin ko ang ko-konting kaluskos na nagiingay sa puno sa gilid ng aking terrace

lalapitan ko na sana ito ng may matapakan akong bulaklak ng tingnan ko pa ang kasunod ay bulaklak na naman

ibat ibang kulay ang mayroon sa iisang bulaklak, ang unang bulaklak na nakanyang napulot ay may pula at puting petals, naghahalo ang kulay na parang nagkakaiisa ito

ng maubos ang lahat ng bulaklak na napulot nakapulot siya ng apat nun

'apat na bulaklak para sa apat na halik mahal'

sabi ng tinig sakanyang isipan

nakarating na siya sa puno sa gilid ng kanyang teresita

kumakaluskos pa rin ito

"sino yan?" tanong niya sa kawalan

"may tao ba jan?"

"hello?"

"kung sino man ang nanjan magpakita kana"

"hello? natatakot nako"

ng mapansing wala naman talagang lalabas papasok na sana si Ara sakanyang silid ng bigla siyang hinila ng isang kamay

pag lingon niya natulala siya sakanyang nakita

mapulang mata

itim na balat

buhok na wala sa ayos

ngising parang papatay ng tao

"s-sino k-ka?" kinabahan niyang tanong

"ikaw pala ang itinakda ng prinsepe ng Biringan nakaka dismaya" sabi ng estranghero

"b-bi-bitawan moko"

"at bakit? sino ka para utusan ako? isa kalamang hamak na pagkakamali" sumbat ng Kapre

"di mo ba narinig ang sabi ng binibini Kapre?" sabi ng isang tinig, napakaganda, baritono at masarap pakinggan sa tenga

walang sino man ang nasa paligid, pero nang marinig iyon ng kapre bigla itong nanigas at pawang takot na takot sa tinig na iyon

lumingon,lingon si Ara sa kanyang paligid para tingnan kung sino iyon... nang wala siyang makita kusang tumulo ang kanyang luha sa takot

'mahal ko wag kang umiyak andito nako' sabi ng tinig sakanyang utak

sa konting salitang iyon bigla lamang siyang kumalma ng konti...

nung lumingon siya sa kanyang likod meron siyang napansing kulay puting kasuotan..mahabang puting buhok... at gintong mata.. nakatulala lamang si Ara sa lalake at di niya napansin ang biglang pagbitaw sakanya ng kapre na naging kadahilanan upang siya'y matumba at mapaupo sa sahig

hindi pa rin ma alis alis na Ara ang kanyang mata sa ginoo

napaka gwapo niya sabi ni ara sakanyang isipan

"m-m-mahal na prinsepe" sabi ng kapre sakanyang harapan

ng lingunin niya ang kapre wala na ito duon kung hindi bumalik ito sa puno, at ang takot sakanyang mata ay mas tumindi

"umalis kana dito ivark" (ee-vak) sabi ng lalaki

"o-o-opo" pagkatapos sabihin ng kapre iyon kusa na itong naglaho sa puno na parang bula

"ngayon aking mahal... shall we start?"

"s-sino ka?"

nginitian lamang siya ng lalake bago siya nito hilahin sakanyang pagkakasalampak sa sahig papunta sa bisig nito

napaka matipuno... isip isip na naman ni Ara muli

"pano ka nakapasok dito? san ka dumaan? anong ginagawa mo dito?" sunod sunod na tanong ni Ara sa lalake

nginitian lamang siya nito at bigla siyang hinalikan sakanyang labi

gulat...

kilig...

at gulat ulit...at panic yan ang nararamdaman ni Ara

gulat dahil nakuha na ng misteryosong lalaki ang kanyang first kiss

kilig kasi ang gwapo nung nakakuha ng first kiss niya

at gulat ulit dahil ang lambot ng labi ng lalaki

at panic dahil di siya marunong humalik...

nakabukas lamang ang kanyang mata habang hinahalikan siya ng lalake... napansin niya ang nakapikit nitong mata ang mahahabang pilik mata

at ang galaw ng labi ng lalaki... pawang alam na alam nito ang gagawin

ng huminto ito at bumukas ang magagandang nitong mata

"sino---" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin dahil sa pagsasalita niyang iyon bigla na naman siyang hinalikan nito at ipinasok na nito ang kanyang dila sakanyang bibig

walang nagawa si Ara kung hindi ang pumikit kahit hindi alam ang sayaw ng labi kusa niya itong sinusundan

ngumiti ang lalaki bago mas pinailalim ang halik nito...

nauubusan ng hangin... yun ang nararamdaman ni Ara

bumitaw si Ara sa halikan na iyon yung medyo nahabol na niya ang kanyang hininga bigla na naman siya nitong siniil ng halik...

mas aggressibo... mas lalim... mas madiin pawang sabik na sabik

"hmmm..." ungol ni Ara

may naramdaman si Ara na isang malakas na sampal upang kusa siyang mapamulat ng mata...

"a-ate?" tanong niya ng makita ang sumampal sakanya

"na nanaginip ka ba Ara?" nagtatakang tanong ng ate niya

"asan yun?"

"anong yun?"

Eld...

sabi ng kanyang utak

"si Eld ate asan siya?"

"siya? isang tao?" nakataas kilay na tanong ng kanyang ate

"oo yung nakasuot ng puting kasuotan, mahabang puting buhok, tapos gintong mata ate asan siya?" natatarantang tanong niya

"ah yung painting sa labas? andun pa rin sa labas kala ko kung ano na... tumayo kana nga diyan at kakain na tayo ng almusal"

almusal? nagtatakang isip isip ni Ara

dun niya lang napansing nasa higaan siya at umaga na

mahal... sabi nang hangin na pumasok sakanyang kwarto

baka guni-guni niya lang yun isip isip niya ulit... kahit nagtataka sa kanyang panaginip... nag ayos na si Ara para makababa na

pero parang totoo kasi talaga ang nangyari... at pagod na pagod si Ara kakagising palang ng araw pero parang tumakbo na siya nang ilang metro sa pagod niya

isang tanong lamang ang namutawi sa isip ni Ara..

"panaginip nga ba iyon o katotohanan?"

------------•

uh... uh.... may nagbabasa ba nito? hahahahaha kung meron comment naman kayo oh kung meron lang "nasaktan kasi wala pala readers" mah hart mah solll :<

Sitio. BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon