9

828 26 1
                                    

Chapter 9: Carolina

Ara's

kasalukuyan akong nasa bayan dahil inutusan ako ni ate bumili ng 'pangangailangan ng babae buwan buwan' dahil naubusan siya

habang naglalakad ako sa daan may napansin akong mga tindahan, maraming tindahan

sa bulaklak, maskara, prutas, at iba pa, pero may isang tindahan ang namumukod tanging nakakuha ng aking interest

nagpasya akong puntahan iyon para maitanong kung ano iyong mga benebinta niya

nung huminto ako sa tapat ng tindahan ang matandang nagbebenta dito ay bigla nalang nanglaki ang mata at hinila ako papasok sa loob

"Iha... anong pangalan mo?"

"Ara po bakit po?"

"mag iingat ka iha hindi basta basta ang iyong papakasalan"

"huh? di pa naman po ako ikakasal"

naiilang man ako sa tinatanong ng matanda pinili ko paring sagutin siya

"iha ikaw bay...--"

"Ara mahal ko? andito kaba?"

narinig kong sabi ng isang boses, basi sa reaction ng matandang babae di lang ako ang nakarinig

nanlalaki ang kanyang mata at pawang takot na takot sa narinig

nilingon ako ng matanda at nilingon niya ang bukana ng kanyang tindahan

at doon nakatayo

lalaking naka itim

matangkad

maputi kasing puti ng nyebe

mga gintong mata

at puting buhok na nakatirintas sa na aabot sakanyang pwetan ang haba

"sino ka?" tanong ko sa lalaki

"Ara mahal andito kalang pala halika na baka mag alala ang iyong ama dahil sa tagal mo dito sa bayan" sabi niya

di ko kilala ang taong ito pero pawang sumusunod ang aking katawan sakanyang utos

"Carolina" sabi pa ng lalaki

"Prinsepe... anong ginagawa mo sa bayang ito?" di ko man maintindihan ang kanilang pinag uusapan dinig mo ang takot sa boses ng matanda

"matagal tayong di nag kita Carolina... si ina hinahanap kana"

"wala akong balak bumalik sa nakakasukang lugar na yun Prinsepe!"

pa balik balik ang aking tingin sakanilang dalawa, ako'y ngayon ay yapos ng lalaki, habang ako ay nakatalikod niyakap ako ng matitigas niyang bisig na parang ano mang oras ako ay kakawala sakanyang hawak

"hmmm... ganun ba Carolina? kung ganun magkita tayo sa gabi ng patay hanggang sa muli" sabi pa ng lalaki

inakay ako ng lalaki papalabas sa tindahang iyon di pa kami tuluyang nakakalabas narinig ko ang huling habilin sakin ng matanda

"Kung kinakailangan mo ng tulong Ara, puntahan mo lang ako"

nagtataka man ay tumango na lamang ako

ng tuluyan na kaming makalabas sa tindahan, inakay na naman ako ng lalaki papunta sa isang mamahaling kainan

Don Alberto's Lutong Samar

yan ang pangalan ng kainan na aming pinasukan

kapansin pansin ang kokonting tao na kumakain dahil ba ito sa isa itong classical restaurant?

ng ako'y paupuin na ng lalaki sa upuan, tinawag niya ang waiter at nag order

di ko malaman ang kanilang sinasabi dahil sa iba ang lenguahe nito kaysa sa tagalog

ng matapos na ata siyang mag order

lumingon saakin ang kanyang gintong mata, mataimtim akong tinitigan nito

"Mahal ko..." panimula niya

"sino ka?"

"hmm ang mahal ko nais agad malaman ang aking pangalan"

"sino ka? bat tinatawag mokong mahal? di kita kilala"

"ganun nalang ba kadali na ako'y kalimutan Amica mea?"

"Eld..." kinakilabutan man ako sa lumabas saaking bibig

pero ako parin ay nagtataka

"p..papaanong? akala ko..."

ngumiti saakin ang lalaki saaking harapan ang ngiting nagsasabing di kana makakawala saakin ngayon

i feel like a rabbit in a wolf's hungry eyes... a petty prey that he can easily catch... and easily to dominate

a worm in a scorching eye of a bird

a easy prey...

"nothing is a dream amica mea... everything you see... is the truth"

Sitio. BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon