Chapter 23: Letters
Ara
Nagsimula ang aking mga araw sa normal na paraan, gumising, mag ayos, kumain, magbasa, kumain at magbasa muli, kumain at matutulog, paulit ulit nalang
pero ang aking pinagtataka sa mga nagdaan na araw parang may kulang, yung pakiramdam na parang may gusto akong takasan, pagtaguan, at kinatatakutan
mga araw na nakakatanggap ako ng mensahe, gaya ng araw na ito...
kumakatok ang kartero sa aming pintuan, ng aking buksan mapapansin ang kagwapohan nito, nagtataka nga ako bat ang gwapo ng karterong ito kapag naghahatid ng sulat, tapos biglang ngingiti at itataas ng konti ang kanya sombrero at aalis
kung iisipin mo marami namang paraan para pagkakitaan ang kagwapohan, pwede naman siya magmodelo, okaya maging sales clerk sayang naman kapogian kung di pagkakakitaan
hawak ang sulat, pumasok nako sa loob at tiningnan ito, mga letrang parang typewriter ang sumulat,sinimulan ko itong basahin may kalakip itong tuyong bulaklak sa likod, mahahalata mong kulay puti ito ng ito'y buhay pa.
𝙳𝚎𝚊𝚛 𝙰𝚛𝚊,
𝙰𝚔𝚘 𝚖𝚞𝚕𝚒 𝚒𝚝𝚘, 𝚗𝚊𝚐𝚞𝚜𝚝𝚞𝚑𝚊𝚗 𝚖𝚘 𝚋𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚞𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚕𝚊𝚔𝚕𝚊𝚔 𝚗𝚊 𝚔𝚊𝚕𝚊𝚔𝚒𝚙 𝚗𝚒𝚝𝚘?, 𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚛𝚊𝚠 𝚔𝚘 𝚒𝚝𝚘𝚗𝚐 𝚑𝚒𝚗𝚊𝚗𝚊𝚙 𝚜𝚊 𝚊𝚖𝚒𝚗𝚐 𝚑𝚊𝚛𝚍𝚒𝚗 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚖𝚊𝚒𝚋𝚒𝚐𝚊𝚢 𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚝𝚘 𝚜𝚊𝚢𝚘.
𝙿𝚊𝚝𝚊𝚠𝚊𝚍 𝚔𝚞𝚗𝚐 𝚒𝚝𝚘'𝚢 𝚝𝚞𝚢𝚘 𝚗𝚊, 𝚔𝚊𝚙𝚊𝚐 𝚔𝚊𝚜𝚒 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚋𝚞𝚕𝚊𝚔𝚕𝚊𝚔 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚒𝚙𝚊𝚍𝚊𝚕𝚊 𝚋𝚊𝚔𝚊 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚗𝚝𝚊 𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚝𝚘, 𝚑𝚊𝚢𝚊𝚊𝚗 𝚖𝚘 𝚜𝚊 𝚒𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚋𝚊𝚋𝚊𝚕𝚒𝚔 𝚜𝚊 𝚊𝚖𝚒𝚗𝚐 𝚕𝚞𝚐𝚊𝚛 𝚖𝚊𝚕𝚒𝚕𝚒𝚐𝚘 𝚔𝚊 𝚜𝚊 𝚋𝚊𝚝𝚒𝚜 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚢 𝚋𝚞𝚕𝚊𝚔𝚕𝚊𝚔 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚕𝚊𝚝 𝚜𝚊 𝚝𝚞𝚋𝚒𝚐.𝚗𝚊𝚐𝚖𝚊𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕
𝙴𝚕𝚍.ang pangalang parating nagpapadala ay pawang pamilyar saakin, sinilip ko muli ang Address ng letra.
Sitio. Biringan, Samar City
0000 Arce Cantata.
Ika sampu ng Agosto, taong dalawang libo't labing-anim.galing na naman sa lugar na yun, isinawalang bahala ko na lamang ito, sa pagpunta ko sa kusina kapansin pansin ang tahimik na kapaligiran,
nitong mga nakaraang araw ay nakakapagtaka, sa katapat na bahay ng aming bahay ay mayroong bagong lipat na babae at may dalawa siyang batang kasama, ng lingunin ko ang bintana sa kusina ay nakita ko ang nanay ng mga bata
ngumiti ito saakin at sumigaw
"MAGANDANG ARAW ARA" nginitian ko ito at tumango, ang mga batang kanina ay naglalaro ay kumaway saakin, at ganun rin ang aking ginawa
"ang gaganda at gwapong mga nilalang" sambit ko saaking sarili
kukuha na sana ako ng baso ng mahulog ang tuyong bulaklak sa mensaheng aking hawak.
tinuro ng bata ang isang salamin, kapansin pansin ang pagiging kakaiba nito
sa lahat ng gamit sa loob ng kwarto, itong salamin ang naiiba, ang mga bulaklak na nakapulupot doon ay buhay, mga paro-parong pumapaikot dito
nilapitan ko ang salamin at sinimulang hawakan ang makinis nitong salamin,
wala namang bago, para lang itong normal nakikita ko ang aking sarili sa salamin
tatalikod na sana ako ng nagsalita ang bata
"Ate, sabihin mo po ostende mihi latera"
"ostende mihi latera" ulit ko sa sinabi ng bata
"Ostende mihi latera" sambit ko muli saaking sarili, di ko maintindihan kung bakit naghahanap ng salamin sa maliit sa kusina namin, ang mga alalang di ko maintindihan san nanggaling,
"Ostende mihi latera" ulit ko pa, ng napadako ang aking mata sa bintana ng aming kusina
ang kaninang masayang naglalaro na bata ay nakatitig saakin ng seryoso, ang mga taong dumadaan ay ganun rin, ang babaeng masayang bumati saakin ay nakangiti ng malisyoso, ngiting parang nagtagumpay ito,
unti unti bumilis ang pagtibok ng aking puso, inuunahan ako ng takot sa di ko malamang dahilan, ang mga matang nag uunahan sa pag luha
"a-a-anong nangyayari?" tanong ko pa, nang makita ko ang aking repleksyon sa basong aking kukunin sana, ang aking itsura ay napaka layo sa nakita ko saaking pag gising
maputlang labi, namumulang mata at punong puno na luha na mga mata,ako'y napaupo sa sahig ng mapansin kong nawalan nako ng lakas na tumayo
'Quis est meus erit meus, et te usque in tempora ut transiet mea,
Dilectus meus, ut fatum sit in sempiternum erit lapis erit abaci nec non et lini.'
"Quis est meus erit meus, et te usque in tempora ut transiet mea,
Dilectus meus, ut fatum sit in sempiternum erit lapis erit abaci nec non et lini" ulit ko pa, ng matapos ko ito ay pawa akong mawawalan ng hininga
hawak parin ang letra, tiningnan ko ang bulaklak na nahulog kanina, ang tuyong anyo ay unti unting nagkabuhay, ang luha na pumatak sa sahig ay unti unting naging pula, ang aking anyo sa baso ay unti unting nagbago
isang imahe ng lalaki ang nasa aking likod, puting buhok at gintong mata
"a-anong nangyayari??"
-----
Odiba naka update ako, yieee nga pala sa nagtanong kung may video po ang story ko, no po, pero may audio ito ginawan po ng isang youtuber and that is KUYA SIXXXXXX oha search niyo nalang kung gusto niyo marinig Room 666, yan name ng channel subscribe narin kayo, you can also search it by the name of the book Sitio.Biringan by MEngkantada sawamatsss, nga pala Misteryosang Engkantada yan haaa di ME Engkantada noee, i dyas want to tama tama yu joke, tawagin niyo nalang akong supergirl kayo si superboy ayiee corny, sige just call me Miss M ayos na yan para may style, stay at home and keep safe iloveyouguysss...
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)