Chapter 5: Si Nene ang chikinini
Ara Pineda
Muli nasa harap na naman ako ng painting ng batang lalaki na may gintong mata,
“parang totoo ito, kahit panaginip lang feeling ko totoong halik ito, ikinawit ko ang aking mga kamay sakanyang leeg at hinalikan siya pabalik, "akin... ka... lang... ara..." sabi niya sa pagitan ng aming paghahalikan
ang mga kamay niya ay iniyakap niya saking bewang at hinapit pako sakanya palapit, naging mas mapusok ang aming halikan, ng bumaba ang kanyang halik saking baba patungo sa aking leeg, "ohhh..." daing ko ng sipsipin niya ang kanyang hinalikan na parte ng aking leeg, lumipat siya sa aking lalamunan, napatanga ako sa kanyang ginawa at nilasap ang sarap na kanyang ginagawa "ohhhh elddd..." daing ko uli ng akmang hahalikan ko siya bigla siyang tumigil at tiningnan ang aking mata,”
na alala ko tuloy ang kahiya hiyang panaginip na yun
"ara" sabi ng boses saking gilid
"ate ikaw pala" sabi ko na nakangiti sakanya
parang may tinitiningnan si ate saking leeg banda
"ate may dumi ba?" nagtataka kong tanong sakanya
"ara ano yan?" tanong niya habang nakatutok parin ang mukha sa leeg ko
"anong ano po?"
"BAT MAY NENE JAN SA LEEG MO ARA?" biglang sigaw ni ate
"ha? nene?" nagtataka kong tanong
"chikinini bat meron ka niyan? sino may gawa niyan?" sabi niya
"sabihin mo ako" sabi ng boses sa utak ko
"si eld po ate" wala sa sariling sagot ko sakanya
"ha? sinong eld yan?" tanong ni ate na may bahid ng ngiti at panunukso sakanyang boses
namumula man pero pinili ko nalang na di sumagot nakakahiya ka ara sabi ko saking sarili
"osya tara na naghihintay na si papa dun sa hapag" sabi ni ate
sumunod nalang ako sakanya na namumula parin,
ng maka upo kami sa hapag, masayang kumakain si papa kasama ang care taker ng bahay ni lola at nakikipag kwentohan pa,
"oh ara! anjan kana pala anak? bat may nene ka sa leeg mo? sinong nag bigay niyan anak?"tanong ni papa na may halong pang aasar sa boses niya
"nakagat lang po ng insekto pa" namumula kong tugon
"si eld pa si eld nagbigay niyan hahahaha" sabi ni ate
kung mas may ipupula pa ang mukha ko ito na siguro yun
"eld?" nagkatinginan sila ni manong at papa na may kinakabahang tingin sa isat-isa
"sige kumain nalang kayo mga anak paka busog kayo" matapos nun nanahimik nalang si papa at wala ng sinabi pa
mga bandang alas dose ng tanghali naisipan ko mag lakad lakad sa parang, yung parang na pinag uusapan ng bayan, at yung parang na pinagbabawalan na puntahan,
naupo ako sa ugat sa isa sa mga malalaking puno na nakapalibot sa parang
dinama ko ang hangin, ang amoy ng mababangong bulaklak, ang kantahan ng mga ibon
ang sarap sa pakiramdam
di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pagitan ng ugat ng puno
sa pagitan ng tulog ko may naririnig akong nagtatawanan
"felisha habulin mo ako, habulin mo ako hahahaha" dinig kong sabi ng batang lalaki
pinabayaan ko lang siguro mga bata lang iyon na naglalaro sa parang
"fleuwn naman eh, isusumbong kita kay mater, ibigay mo na kasi" parang naiiyak na sabi ng batang babae
magkapatid siguro ang dalawa
"iyakin ka talaga felisha, sumbong moko kay mater di na tayo bati" parang nagtatampong sabi ng batang lalaki sa kanyang kapatid
na alala ko ang sabi ng mga matatanda sa bayan, bawal daw magpunta sa parang
minulat ko ang mata ko ng mabungaran ko ang mga bulaklak, may nakita akong dalawang batang nagtatakbuhan ito siguro yung mga bata kanina
tatayo na sana ako ng lingunin ako ng batang babae
"tao?" nagtataka ang kanyang expression sakanyang mukha
lumapit sakin ang dalawang bata upang pagmasdan ako
"sino ka?" tanong ng batang lalaki
"ako si ara" nakangiti kong sagot sa bata
"ako si fleuwn, siya ang kakambal ko si felisha" sabi pa ni fleuwn
"bat kayo nandito? bawal dito sa parang"
"eh ikaw bat ka nandito? bawal ang tao dito sa biringan" nagtatakang tanong ni felisha
"biringan?" narinig ko na dati ang katagang yan pero di ko ma alala kung saan
"ikaw yung nakatakda sa prinsepe" biglang sabi ni fleuwn sakin
prinsepe? madaming katanungan ang namutawi saking isipan
sinong prinsepe?
saking pag iisip dun ko napansin ang ka anyuan ng dalawang bata
parehong may kulay pulang buhok ang mga bata, napansin ko rin ang kanilang kaputian, kasing puti sila ng mga nyebe, matangos ang ilong, may mapupulang labi
ang batang babae medyo may kalakihan ang berdeng mata, ang batang lalaki naman ay singkitnapansin ko rin sa pagitan ng kanilang ilong at bibig walang silang parang kanal na nagkokonekta dito, ang kasoutan ay magagarbo, parang mga telang puti na mahahaba na dinikit sakanilang balat, napaka ganda
ang kanilang mga tenga ay mahahaba gaya ng duwende
"ano kayo?" tanong ko sakanila
"engkanto" sagot ni felisha
nanatiling tahimik si fleuwn sa pagitan ng tanungan naming dalawa ni felisha ng may narinig siyang yapak
tiningnan ako ni fleuwn, at wala sabi sabing hinalikan ako sa noo
bigla akong nagising, nasa parang pa rin ako, pero parang ang lahat totoo...
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)