Chapter 20: Malikmata
Ara's
' Magbilang ka Ara ' munting tinig na dala ng hangin ang dumaan sa tenga ni Ara, sa di malamang dahilan ay nagsimula siyang magbilang
Isa, para sa kanyang pagpikit
Dalawa, para sa pagtatahimik ng kapaligiran niya
Tatlo, kasabay ng malamig na hangin ang pagbabago ng daloy ng pangyayari
Apat, unti-unti niyang idinilat ang kanyang mata
sa pagpatak ng Lima ang pangyayaring kagimbal gimbal ay parang daan lamang ng hangin,
ang kaninang nagkakagulo ay bumalik sa dati, mga taong masayang nagkekwentohan, ang magkaibigang lumabas sa banyo ay masayang nagkukulitan
parang walang narinig na sigaw ang mga tao roon, "pinaglalaruan ba ako ng aking mga mata?" mga salitang bigla nalamang lumabas sakanyang bibig
"Hindi, pero pinaglalaruan ka niya" himig na malamig, himig na walang buhay ang bumulong sakanya
"Alam mo bang di mo siya matatakasan? kahit san kapa magtago, kahit sino pa ang iyong hingan ng tulong di mo parin siya maiaalis sa landas mo Ara" isang ngiti ang pinakawalan ng babaeng dumaan na lamang sakanyang harapan, hawak ang kamay ng dalawang bata sa magkabilang kamay
lumingon rin sakanya ang dalawang bata ngumiti ang bumulong sa hangin
"hihintayin ka namin muli Ate Ara"
ng dumaan ang tatlong ito sa isang poste ay di na ito lumampas pa, bigla na lamang itong nawala na parang bula
ang kaninang lamig na nararamdaman ay nagsimula muling magsitayuan ang kanyang balahibo, dali dali siyang tumayo at nagsimula ng lumabas sa mall, hawak ang dibdib ang kaba niya ay di matutumbasan
sa paglabas ay kapansin pansin ang pagtingin ng mga tao sakanya, ang seryosong tingin ng lahat ng tao ay napalitan ng ngiti, ngiting misteryoso
nagmamadaling naglakad si Ara hawak parin ang dibdib, ng dumaan siya sa plaza ay ganun parin, ang kaninang seryosong tingin ng mga tao ay bigla na lamang itong ngingiti ng nakakakilabot
ng malapit na siya sa sakayan ay bigla siyang nabangga sa isang katawan, malaki, matipuno at matigas
hinawakan siya sakanyang balikat, tiningnan siya nito ng seryoso at bigla itong ngumiti
ngunit sa pagngiti nito ay ang paglabas ng tunay na anyo nito, lalaking puting buhok na may gintong mata
"Ameca mea" huling salitang kanyang narinig bago siya mawalan ng malay...
"Ara gising kana?"
"Alam mo Alyssa kita mong nakapikit yang kapatid mo tatanungin mo kung gising ba o hindi"
"malamang tatanungin ko kung gising yan o hindi, di ko nga alam kaya tinatanong ko"
bangayan ng dalawang babae ang gumising sa diwa ni Ara
pag mulat ng kanyang mata bumungad sa kanya ang puting kisame, green na kurtina at ang kanyang ate at bestfriend nito na nagbabangayan
"Ate san ako?" tanong niya, ng mapansing gising na ang binabantayan ay tumigil ito sa pakikipagbangayan at humarap sakanya
"sa hospital, nahimatay ka kanina habang bumababa ka sa hagdan kanina, akala namin ano na nangyari sayo kaya dinala ka namin sa hospital" paliwanag ng ate niya,
"hagdan? pero ate nasa sakayan ako kanina papauwi?" nagtataka niyang sagot sa nakakatandang kapatid
"anong sakayan? nanaginip ka ata Ara, di ka nga nakakalabas ng bahay tapos sasakay kapa ewan ko sayo" sa mga binitawang salitang yun ay tumalikod na ang nakakatandang kapatid at nagsimulang makipag usap sa kaibigan nito
ang nakakapagtaka lang ay, pano? panong nangyari yun? naalala niya lahat ng nangyari sakanya
tiningnan niya ang digital clock na may kasamang digital calendar na makikita mo sa pader ng ward, ang araw ay pareho ng araw na nagpasya siyang gumala ngunit ang oras ay... kakaiba, umaga ito 8 am to be exact,ang oras kung san dapat ay aalis na siya, ang damit niya ay kapareho rin sa suot niya nung araw na yan
ang bag ay ganun rin, kinuha niya ang bag at tiningnan ang cellphone kung tama ba ang hinala niya, pero nakakagulat ang bumungad sakanya sa pagbukas niya ng kanyang bag
bumungad sakanyang ang kwintas blue rose wooden necklace,
ang kwintas na nakita niyang umaliw, may dumaang nurse sa paanan ng kanyang hospital bed,mukha ng babaeng nagbebenta ng kwintas
ang dalawang pasyenteng nagkwekwentuhan sa kabilang dako ng ward ay ang magkaibigan kung saan hawak ng nasa kanan ang ulo ng nasa kaliwang babae,
nilingon niya ang kaibigan ng ate niya ng maalalang wala itong bestfriend na maingay, nanlalaki ang mata ng makita ang itsura ng kaibigan kuno ng ate niya
nanlalamig sa kanyang hospital bed, mga pawis na di butil ang patak, at tibok ng kanyang puso na nag uunahan
lumingon sakanya ang babae at ngumiti kasabay ng pagbulong sa hangin
" Malapit na siya " ang babaeng bumulong rin sa harap niya kanina kasama ang dalawang bata.
------
beng beng beng hudat kaya? may hula kayo sino yung babae? ako rin walang hula, bigyan ko ng load sino makahula hahahaha
to hear the Audio story of this book subscribe Room 666 at Youtube here is the link
https://www.youtube.com/c/Room666@kuya six thank you po sa pag feature ng story ko, godbless po : )
happy reading mga kyot, and stay safe during this quarantine 🥰
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)