10

841 23 0
                                    

Chapter 10: The untold story of Carolina

Third person

Time: Spanish Era

"Sigurado kana ba talaga diyan Carolina?"

"Oo Eliana, mahal na mahal ko si Lucas"

"Kaya mo talagang iwan ang Biringan para lamang sa taga lupang iyon?"

"oo mahal na mahal ko ang taong iyon aking kapatid"

"NGUNIT PAANO KAMI?!? IKAW ANG AMING REYNA BAT MO KAMI IIWAN?!? MAS IMPORTANTE PA BA IYAN KAYSA SA SARILI MONG LAHI?!?"

"OO! OO, ELIANA MAS IMPORTANTE ITO KASI... mararanasan ko na ang tinatawag nilang pag ibig"

"pag ibig? di pa ba kami sapat?"

"andyan ka naman Eliana para pumalit saaking pwesto"

"ate di ko ito kaya maawa ka... di ko kaya silang pamonuan"

sa gabing iyon... nagbago ang lahat...

si Carolina na isang reyna ay mas pinili na makapiling ang kanyang lalaking minamahal

magkaiba man ang takbo ng kanilang oras, hindi maiiwasan kung pag ibig na mismo ang mag uugnay sakanilang dalawa

Hunyo 25, 1598

"Lucas hintayin moko" sigaw ni Carolina habang suot niya ang sayang bagong bili lamang

"bilisan mo mahuhuli tayo sa misa ni Padre Antonio"

"opo mahal, andyan na po ang atat mo talaga"

Desyembre 21, 1658

60 years na ang nakakalipas ng kinain na ng panahon ang kabataan ni Lucas ngunit eto parin ako... parang bente sinco parin ang itsura... ang imahe ko ng una naming pagkikita...

nagpaka layo layo kami dahil simula ng tumanda na si Lucas napapansin na ng taong bayan ang di pagbabago ng aking itsura

lumipas man ang ilang dekada kasama si lucas ang pagmamahal ko sakanya ay ganun parin walang pagbabago ngunit nadagdagan pa...

Mayo 25, 1659

Tuluyan nakong iniwan ng aking mahal, sakanyang pag iwan sakin dun ko na napapansin ang pagbabago ng aking katawan

sa aking paglayo sa biringan ang dating batang itsura ko ay unti unting tumatanda na

Septyembre 20, 2000

matapos ang mahabang panahon na nanirahan ako sa mundo ng tao di ko magawang bumalik sa biringan, hindi dahil sa nanghihina na ako

kung hindi di ko maatim bumalik sa lugar kung san ay tinalikuran ko ng lubos para lamang sa sandaling pag ibig,

kaya kong dalhin si Lucas pero di ko nanaising maging isang walang buhay na nilalang siya ng Biringan...

mahal na mahal ko si Lucas para ibigay siya sa lugar kung san ako namumuno...

dahil sa pagbabago ng panahon nagbago na rin ang uri ng pamumuhay sa mundong ito,

ang dating kalesang sinasakyan ng mga tao noon ngayon ay may gulong na, na tinatawag nilang kotse

ang dating matiwasay na pamumuhay at malinis na hangin

unti unti ng nilalason ng mga tao..

mga punong dati ay matatayog, unti unting pinutol para lamang pagtayuan ng matatayog na istraktura

mga hayop na dati ay maligayang naglalaro sa kagubatan, bigla lamang nawala ng sinimulan ng mga tao ang pagputol ng puno

ako'y nalulungkot sa kinahihinatnan ng kalikasan, nais ko man itong protektahan wala nako sa pwesto upang ito'y maprotektahan pa

Enero 16, 2015

lumipas uli ang kinseng taon, patuloy parin ako nangungulila sa aking nawala... ang pinili ko para makasama ang aking mahal sa mundo ng tao ay huli na para aking pag sisihan pa

lumipas ang napakahabang taon ako ay patuloy ng tumatanda, naghihintay na lamang ng oras upang maibalik ng panahon ang aking bangkay sa Biringan

Oktobre 25, 2015

ngunit nagbago ang lahat ng makita ko ang Prinsepe ng Biringan sa harap ng aking tindahan

ang kanyang mapapangasawa...

ang babaeng magiging gulo sa loob ng aking dating tirahan...

natatakot ako para sa babaeng ito, pero mas natatakot ako sa Prinsepe

kapag dumating ang panahon... ano ang pipiliin mo mahal na Prinsepe?

ang iyong tirahan o ang iyong pag-ibig?

Sitio. BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon