Chapter 18: Golden eyes?
Makalipas ang ilang araw na pananatili sa bahay kapansin pansin ang pagiging abala ng mga tao dahil sa nalalapit na pasukan,
si Ara na di alam ang gagawin sa bahay ay nagpasyang mamasyal sa mall
hawak ang maliit na bag na ang laman ay cellphone at pitaka, naghihintay siya ng masasakyan sa labas ng kanilang subdivision
ang kaninang magandang mood ay nasira ng mapansing may parang nanonood sakanyang likuran, kung lilingunin man ay wala siyang nakikita na kung sino mang tao sakanyang likod.
Sakay sa jeep bumaba siya sa harap ng SM, ang kaninang pakiramdam na parang may nakatingin sakanya ay di parin mawalawala
kung kasama niya lang sana si Les alam niya kung ano yun, ngunit pinaiwan niya sa bahay si Les para walang magka interes sa paro-paro, kung may mga tao pa bang naniniwala sa haka-haka ng paro-parong ginto.
naglilibot si Ara sa isang botique ng may makatawag pansin sakanyang mata, isang kwentas na may pendat na bulaklak na nakita niya na nakapalibot sa salamin dati sa biringan, (picture above.)
ng bahagyang hahawakan na niya ay bigla itong umilaw ng mahina, parang nagpapahiwatig na hawakan siya nito, mas lumapit pa si Ara sa kwentas ng dapat ay hahawakan niya na
isang matanda ang pumigil sakanya, hawak ang kanyang kamay ng matanda di halata sa katandaan nito pero ang pwersang nilalagay niya sakanya ay malakas
"Iha, alam ko kung ano nakita mo, huwag na huwag mong hahawakan ang kwentas na yan kahit anong mangyari"
"ha? bakit po? bakit iyon umiilaw?"
"naghahanap ng bagong nagmamay ari ang kwentas na yan"
sa kanyang pagkurap ang kaninang matanda na nakatayo sakanyang harapan ay nawala
hinanap ng dalaga ang matanda nagbabakasakaling makita niya ito
pero sa pag ikot ng kanyang paningin, isang hindi innasahang pares ng mata ang kanyang nakita, ng dahil sa takot ay di na siya nag atubiling tingnan kung sino ang nagmamay ari nun
habol ang hininga, nakaharap siya ngayon sa salamin ng isa sa mga cr ng mall, ang kanyang takot para sa taong iyon ay malakas
ng dapat ay aalis na siya ang kaninang gintong mata na kanyang nakita ay naging kanya, saksi ang salamin sa unti unting pagbabago ng itsura ng repleksyon nito
isang mahinang tunog ang nagpapahiwatig na nalock na ang pinto ng cr, patuloy parin sa pagbabago ng anyo kanyang repleksyon
ang kaninang maitim na buhok ay naging puti
ang kaninang maliit na pangangatawan ay naging malapad
ang kaninang medyo may kaliitang ilong ay naging matangos
kasama ang gintong mata, at puting pilik mata, kumurap ang imahe ng lalaking si Eld sa salamin
takot ang nakasulat sa buong mukha ni Ara, pero ang mas ikinatatakot niya ay nakita na siya ng kanyang pinagtataguan
ang nakakapagtaka nga paanong hindi ito nagsasalita?
"siya pala ang kinakatakutan mo?" isang boses ang pumukaw sakanyang natatakot na diwa, isang batang paslit na di nalalayo sa edad na walo o pito
maliit man pero kapansin pansin ang gusgusin nitong imahe, ang kulay asul na balat at walang mata na mukha
multong galit sa nangyari sakanya
"nais kong kainin ang iyong buhay ngunit nakakapagtaka lang ay bakit wala kang nilalabas na ganun?"
---
short chapter everyone matagal na nga mag update maliit pa magupdate bad na author HAHAHAHQ
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)