Chapter 21: Celare te vasis desiderabilis
Ara's
'Potes currere sed te occulere non potes, et non potui videre tuam in ecclesia sanctorum pit de terra mea'
'Potes currere sed te occulere non potes, et non potui videre tuam in ecclesia sanctorum pit de terra mea'
'Potes currere sed te occulere non potes, et non potui videre tuam in ecclesia sanctorum pit de terra mea'
mga salitang parati kong naririnig, minu-minuto kapag ako'y nag iisa
mga salitang di ko maintindihan pero para ko naring naiintindihan
mga salitang parang sinasabi ay kahit tumakbo ka at magtago makikita rin kita,
hawak ang kwintas (Blue rose wooden necklace), kinakabahang tiningnan ko ang aking paligid, sa mga pasyenteng kasama ko at sa taong nagbabantay muli sakin ngayon
ikalawang araw ko na ito sa Ospital, ngayong araw na ako madidischarge , mga pangamba ko sa paparating ay di parin mawala wala
mga kababalaghang bigla bigla nalang mangyayari, naiiyak nako sa mga pangyayaring ito, nais ko nalang sumuko at sumunod sa agos ng pangyayari
pero parang may nagsasabi saakin na wag ko sundin ang daang inilatag sakin, na labanan ko ang mga ito, dahil sa isang maling galaw ko lamang kalayaan ko ang kapalit
"Ara, uwi na tayo" tawag sakin ni papa, handa nako sa pag alis ko, ang aking ate na busy kakacellphone
ng tawagin siya ni papa ay parang nagulat pa ito, hawak ang aking mga gamit ay nagsimula nakong maglakad papalabas sa kwartong iyon,
mabigat ang dibdib, mga balahibong nagsisitayuan, katawang nanginginig
papalabas na kami ng ospital ng may bumanga sakin, isang maliit na bata, batang babae na may hawak na isang tali ng Marigold,
nilingon ko ang aking paligid, kapansin pansin ang katahimikan nito
ng lingunin ko ang aking likuran ay bigla ko nalang nabitawan ang aking mga gamit na dala dala ko, sa likod ng aking Ama isang babaeng naka itim, mga matang walang laman, asul na balat, buhok na nakalambitin sa sahig sa sobrang haba
ang kaninang pangangamba ko ay naging mga luha, takot na takot ako sa aking nakikita doon, hawak ng babae ang batang kaninang nakabanga sakin, ang batang walang buhay na ngayon pero nakangiti ang kanyang mga labi at nakamulat ang matang nakatingin sakin
unti unti akong umatras, papalayo sa pangyayaring magiging gulo, ng bitawan ng babae ang bata ay bigla nalang itong nahulog sa sahig, ng mapansin ng mga tao ang nahulog na bata ay bigla nalang silang nagka gulo
mga doktor na idineclarang patay na ang bata, sa gitna ng kaguluhan ay kapansin pansin ang isang iyak
ng aking lingunin ang aking gilid, doon nakatayo ang batang inihulog ng babae, umiiyak ito, hawak parin ang mga bulaklak na kaninay dala dala niya, ang babaeng nakaitim ay ngayo'y bigla nalang nawala,
ng muli na naman akong umatras, pawang nahinto ang oras, ang kaninang bata sa aking gilid ay biglang nawala at sa aking pagharap muli sa entrance ng ospital, doon nakatayo ang lalaking may gintong mata
ang matang may pangungulila, mga labing magkadikit na nagpapahiwatig ng pagkadisgusto, at muli narinig ko na naman ang mga salitang paulit ulit ko ng naririnig kapag ako'y nag iisa
' Potes currere sed te occulere non potes, et non potui videre tuam in ecclesia sanctorum pit de terra mea '
muliy umatras na naman ako, pero ang lalaking nakatayo'y kanina ay unti unting naglalakad papunta sakin
"maglaro tayo Ara" bulong nito sa hangin na rinig na rinig ko
mga matang kanina'y pangungulila ang sinasabi ngayon nama'y naging pagdudurusa,
inilahad nito ang kanyang kamay sakin at biglang bumulong
"sa pag bilang ko ng tatlo, magsisimula ang ating laro,kapag ikaw ay nanalo papakawalan kita, pero kapag ako ang panalo... " ngiting nakakakilabot ang kanyang pinakawalan
muli'y unti unti siyang naglakad kasabay ng kanyang pagbitaw ng mga salitang pag uumpisa ng laro
"Isa" tinalikuran ko ang taong iyon at nagsimula ng tumakbo papalayo
"Dalawa" pawis ko'y butil butil na ang pagtulo sa bilis ng aking takbo
di ko man alam ang laro na kanyang sinasabi ay parang sinasabi ng aking katawan ay tumakbo na ako papalayo doon
"tumakbo ka ng malayo Ameca mea, yung di kita mahahabol" habol ang aking hininga ay pinagpatuloy ko parin ang aking pagtakbo
"Tatlo" sa pagkatapos ng tatlo ay bigla nalang nandilim ang aking paligid, katawan ay bumibigat, talukap na gustong magsara
"Talo kana mahal" huli kong narinig bago ako nawalan ng malay...
------
Tuesday ko na upload yung sunod na page, sige gayz ang sakit ng ulo ko mga kyot, feeling ko nawalan ako ng future HAHAHAHAHAHA lablotttxxxzz
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)