Chapter 19: The hidden necklace a story of revenge
Ara's
There was once a girl who wore a blue rose wooden necklace, she was so beautiful that even fairies envy her, from the beauty to the soul she's already perfect, almost perfect
The demons that keep hunting her is a sign that she's not perfect at all.
"ang nilalang na kahit kailan ay walang kinahahantungan, di malaman kung kamatayan ba ay siyay susunduin o kakalimutan" mga salitang umiikot sa kanyang paligid, mga matang walang buhay ang nakatitig sakanya
nais niya mang tumakbo paalis, pero pawang nanigas ang kanyag katawan sa takot
"napaka swerte mo tao, kasi kahit kelan di mo mararanasan ang naranasan ko" dugtong pa ng babae, nais mang magsalita ay parang nagaya narin sakanyang katawan ang kanyang bibig naninigas
ang lamig ng dampi ng hangin sa buong katawan, mga balahibong nasisitayuan sa kilabot di mo maipagkakailang isa nga ito sa mga taong di nabiyaan ng kapayapaan sakanyang huling oras sa mundo
"sabihin mo tao, kapag hiniram ko sayo ang iyong katawan, ano kaya ang mangyayari?"
"magwawala kaba gaya ng mga dati ko pang sinaniban o ikaw ang magtutuloy sa naudlot kong paghihiganti?"
"w-wag" munting naisintinig niya lamang dahil sa kaba ng kanyang dibdib
sa sobrang kaba ay parang masisira na ang kanyang dibdib, malalakas na tibok ng puso mga pawis na di na mabilang kung ilang ulit na tumulo
"t-t-tulungan k-kita, w-wag mo l-lang i-tu-t-tuloy ang iyong balak sa-saaking katawan" lakas dibdib niyang sinantinig
isang nakakakilabot na halakhak ang bumasag sa takot na kanina pa bumabagabag sakanya, pero ang kaninang takot na siya lamang ang nakakarinig ay mapapansin mo na sa buong silid.
Isang sampal ang pumukaw kay Ara, hawak ang sariling leeg ng pawang magpapakamatay, nakita ni Ara ang babae kanina na nagbebenta ng kwintas,
ang kabang di niya maipaliwanag ay naging luha na naguunahang tumulo, ang pangyayaring di niya na nanaising maulit pa
sa pagaakalang maayos na ang lahat, sinimulan niya ng punasan ang kanyang luha habang ang babaeng nagbebenta ng kwintas ay nakatingin parin sakanyang likuran
ang saya at ginhawa na nakatakas na sa nangyari ay isa lamang pekeng pag asa, isang malamig na kamay ang humawak sakanyang balikat, at isa pang kamay na humahaplos sakanyang ulo
ang kaninang kakatapos lang na pagpupunas ng luha ay bigla na namang nasi agusan, sa mga mata niya na nakikiusap na iligtas siya sa babaeng nasa kanyang likod,
"miss? ayos kalang ba? bat bigla na naman tumulo yang luha mo? kanina tulala ka na parang wala sa sarili ngayon?"
"t-t-tulungan moko, n-nagmamakaawa ako" mumunting salitang lumabas sakanyang bibig, sa paghingi ng tulong na akala niyay nakikita ng babae ang nasa kanyang likod
pag aakala lang pala
isang sampal muli ang dumapo sakanyang mukha, kasama ng isang bagay nahahalata ang pula sa mukha ni Ara ang sakit ng sampal, isang rosaryo ang nahulog sakanyang kamay na nakahawak parin sakanyang leeg
ang kaninang paninigas ay biglang nawala, para siyang tubig sa panlalambot ng kanyang tuhod ang kaninang nakatayo ay ngayon ay naka lumpasay na sa semento
"miss kung ako sayo? wag kang aalis mag isa, lalo nat maraming nagkaka interes sayo" sabi muli ng babae at iniwan siya sa loob ng banyo,
tagaktak ang pawis sa noo, rosaryo ay hawak ang kaninang malamig na paligid ay napalitan ng init at katahimikan, ang kaninang kaba na sobrang lakas ay di niya na talaga mapigilan sa pagtulo ang kanyang luha
hawak ang rosaryo sa dibdib isang hagulgul ang maririnig sa loob ng banyo, hagulgul na laman ay takot at kaba na napalitan na ng tunay na ginhawa,
ng maayos na ang kanyang pakiramdam at bumalik na ang kanyang lakas ay lumabas na si Ara sa banyo ang kaninang hawak na rosaryo sa kamay ay ngayon ay suot niya na,
isang bench ang makikita sa harap ng fountain na ilang metro lang ang layo sa banyo, iniinom ni Ara ang kanyang paboritong inumin pampaklma ng may bumulabog sa buong mall
isang matinis na sigaw ang maririnig sa buong mall, at lahat ng tao ay nagtataka kung san galing iyon
maliban sa mga taong malapit sa banyo na kanina ay pinuntahan niya, lumabas doon ang isang babae hawak ang ulo ng isa pang babae, mga mata ng babae ay umiiyak pero ang ulo kanina lang ay hawak ay itanapon ito sa harap ng fountain
mata nilay nagtagpo, hinagpis ng isang babaeng pinagtraidoran ng mundo, ang babaeng kanina ay muntik ukupahin ang kanyang katawan, ang babaeng multo.
--------
MAY BOY IS A DERE TSUTSUNDEREEEE, alam niyo? walang forever hehehe happy readinggg~
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)