24

513 17 5
                                    

Chapter 24: Regret

Ara's

Nakatitig parin sa baso kung nasaan ang lalaking paningin ay biglang lumabo kasama ang mga panandaliang alaala ng kokonting pangarap,

"E-eld" bigkas ng kanyang bibig kasamang umaagos ang takot na ngayon lamang nagparamdam

"Ameca mea, bat ang tagal? kinalimutan mo naba talaga ako? o sadyang di mo lang ma alala? kahit hindi ako tao meron parin akong nararamdaman para sayo" maluha luhang sabi ng lalaki

"p-pero di ako nararapat dun" sagot niya sa mga salitang binitawan nito

"at saan ka naman nararapat? sa mundo ng mga tao? oo at kinalimutan kami ng Diyos, PERO ANG MGA TAO AY MAKAKASALA RIN BAKIT NIYA PINAPATAWAD AT KAMI HINDI?!?"

"KAMI NA YUNG SUMAMBA SAKANYA NG BUONG BUHAY NAMIN KAMI NA NILIKHA NIYA RIN PERO KAMI ANG KINAMUHIAN?!"

"KAMI NA ITINAGO NIYA SA KANYANG PINAKA MAMAHAL NA NILIKHA KAMI NA ISANG DEPEKTIBO SA MATA NIYA KAMI NA NAGHIHINTAY SA KANYANG KAPATAWARAN.... kami na... kami na nagdudurusa kahit buong buhay namin humihingi sakanyang kapatawaran... bakit? bakit? bakit mo pipiliin ang iyong kapwa kung saan meron namang tunay na nagmamahal sayo? sagutin moko Ara, SAGUTIN MOKO!!!" ang kaninang perpektong mukha ay unti unting nag iba, ang matang kaninay umiiyak, ay napalitan ng hinagpis

"p..p..pero tao ako, at ikaw hindi" bulong ni Ara sakanyang sarili, mata ay nakadapo parin sa baso kung nasaan ang lalaki

"tao rin kami dati... DATI!!!! pero ameca mea, kaya kong iwan lahat to para sayo, para sayo" inilahad ni Eld ang kanyang kamay sa kay Ara, nagbabakasakaling abutin ito ng babae

ang nakalugmok na katawan sa sahig ay unti unting tumayo, ang kaliwang kamay ay unti unting inabot ang kamay ng lalaki

"mahal na mahal kita Ara, sobrang mahal, kaya mo bang iwan lahat ng meron ka dito kapalit sa taong nagmamahal sayo?" dagdag niya pang sabi

ang kaninang kamay na gustong umabot sa kamay ng lalaki ay biglang nahinto, mga alaalang nagbuhusan mga alaala ng kanyang pamilya, ang kanyang Ama, at nakakatandang kapatid

"p-pwedeng sa susunod nalang?" munting bulong niya

"para saan pa?, Ara para saan ang susunod nayan?" tanong nito

"Gusto kong magpaalam ng maayos saaking pamilya, yung di sila mabibigla" munting bulong niya muli

"isang buwan, yan lang maibibigay ko sayo..." mga salitang huling narinig bago naglaho ang lalaki sa repleksyon ng baso.

Nakatayo parin sa kanyang kinatatayuan, mga malalakas na yabag ang kanyang narinig, mga sigawan na di maintindihan

isang sampal ang nagbukas ng kanyang diwa, kamay ay pawang naka abot parin sa baso, tiningnan niya ang pinagmulan ng sampal

nakita niya ang kanang kamay ng kanyang nakakatandang kapatid na nakataas

"a-anong nangyari?" tanong niya dito

sariwa parin sakanyang isipan ang mga kaganapan na nangyari ilang minuto lang ang nakakaraan

mga maliliit at nipis na kamay ang yumakap sakanya, ng tingnan niya ito,ito pala ay ang nakakatanda niyang kapatid

"A-Ate?" tanong

nilingon niya ang kanyang ama na kanina pa lumuluha, ang impit na pag iyak nito ay napalitan ng hagulgol

"AKALA NAMIN KUKUNIN KANA NIYA ARA AKALA NAMIN MAWAWALA KANA NAMIN, ARA PLEASE WAG MO KAMING IWAN" sigaw ng nakakatanda niyang kapatid

mga yakap na mahihigpit ang puling dumapi sa kanyang katawan

"wala nakong magagawa ate... araw araw nalang, gabi gabi, napapanaginipan ko siya, mga pangyayaring nakakalito na, pagod nako..." bulong niya sa sarili

isang sampal muli ang dumapo sakanyang mukha

"GAGA KABA? ANO? LUMABAN KA NAMAN OH, TINGNAN MO SI PAPA, AKO di to pamilya kung wala ka"

"pero di ko na talaga kaya, ina apektohan niya na pati pamumuhay ko, sukong suko na talaga ako sukong suko...."

-----

i'm just here sitting at the corner racking my brains for this upspree 🥴

Sitio. BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon