Chapter 13; Blood
Ara's
"Nagustuhan mo ba ang kasiyahan aking mahal?" tanong ni Eld saaking tabi habang pinaglalaruan niya ang aking buhok
"gusto ko ng umuwi Eld" walang emosyon kong sagot sakanya
"hindi mo ba nagustuhan mahal? kung gusto mo aking ipapatiggil ito"
"Eld, gusto ko ng umuwi saamin"
"ang tanong ko ay nagustuhan mo ba o hindi Ara hindi ko tinanong kung gusto mo bang umuwi o hindi" seryosong sabi niya
tiningnan ko siya sa mata at maluha luhang sinabi ang aking saloobin
"Gusto kong umuwi dahil andun ang aking pamilya, ang aking tatay ang aking ate, gusto kong umuwi dahil doon ang mundo ko di dito"
matapos ang aking pagsasalita tumayo si Eld bigla, ang kaninang kay siglang kasiyahan bigla na lamang natahimik muli, ang kupitang hawak bigla na lamang itinapon
kulay pulang laman ng kupita ang nagkulay sa puting sahig ng palasyo
"SABI KO HINDI KA UUWI!" sigaw ni Eld saakin
ang kaninang mga taong nakikipag sayaw at nakikipag halubilo bigla na lamang nagsitakbuhan palayo sa kanilang prinsepe
kulog at malakas na ulan na may dalang malakas na hangin ang kasunod ng kanyang sigaw
nakakatakot, yan ang unang rumehestro saaking isipan,
ang kaninang natuyong luha ay nag uunahan sa pag agos, bakit? bakit ako pa?
tumayo ako saaking kinauupuan at tinakbo ang pintuan papunta sa pasilyong aking pinanggalingan
ako'y natutulog lamang ng mahimbing, tapos? panong
ng marating ko ang dulo ng pasilyo, dalawang daan ang aking nakita, lumiko ako sa kanan at takbo, takbo hanggang sa hingalin
gusto kong takasan ang lahat, gusto kong iwan lahat ng nangyayaring ito sa mismong imahinasyon lamang
pero ang akala moy imahinasyon ay magkakatotoo pala sa paraang di mo iniisip na mangyayari
sa aking unahan, isang pintuan ang nakabukas, pinagpatuloy ko ang aking pagtakbo patungo sa pinto
saaking paglabas bumungad saakin ang mala makabagong istrakturang mga building, mga hugis na kakaiba
mga sasakyan na tumatakbo pero walang tunog, mga taong nakikipag usap pero walang salitang lumalabas sakanilang bibig,
mga matang pula at itim lamang ang kulay, mga buhok ba ibat ibang kulay
mga lalaking hila hila ang kakababaehang walang ulirat
pero iisang pamilya ang nagpatigil saaking pagtanaw,
nakikita ko saaking harapan ang kamukha ng aking namayapang lola, nakangiti ito hawak ang batang paslit na kamukhang kamukha ng aking papa
'Tiya Shalila'
(To know about Shalila read episode 1)
saaking munting bulong ang kaninang nakangiting bibig ay biglang naging imahe ng galit
sa di malamang na dahilan ako'y nakahiga na sa lupa habang nasa aking itaas si Tiya Shalila
hawak ang aking leeg sakanyang mga kamay
"Ano ang ginagawa mo dito anak ni Theodoro?"
muli na namang nag uunahang tumulo ang aking luha
hindi dahil sa takot, hindi dahil sa kamay na nakapulupot saaking leeg kundi sa kadahilanang ako'y may kakampi sa lugar na ito
"Tiya, gusto ko na pong umuwi" malalaking butil ng luha ang naguunahang pumatak saaking mukha
ang aking Tiya na kailanman ay di ko nakilala ay umiiyak para saakin
tumayo ang aking Tiya hawak ang aking dalawang kamay sakanyang kamay, hinila ako patayo at niyakap
"patawad, patawad, di kita matutulungan, sapagkat ako'y pinapabantayan ng Hari" bulong niya saakin
ang luhang akala mo'y kasiyahan, ang luha pala na nagsasabing di niya ako matutulungan
nanginginig na bibig kasama ang luhang masaganang umaagos, niyakap ko ang aking Tiya
sa lugar na wala kang makakapitan, sa lugar na walang tutulong sayo,
sa lugar na walang nakakakita kung di siya mismo ang magpapakitasa lugar na sobrang bigat sa pakiramdam kung papaano akong napunta dito
wala akong magawa kundi ang kumapit saaking nag iisang kadugo.
-----
Welcome 2020 a late welcome for you, again a very slow update and yun nga hehehe for more stories Follow niyoko :<
diba tatawagin ko kayong Faries ha? para di naman mahirap mag sabi ng "kayo" "kayo" jokez
so yun nga Faries ( weird) hehehe slow update ilang beses kailangan sabihin dzai? yun lang hahahaha
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)