Chapter 16: Salve realem mundi
Isang maliit na kamay humaplos sa mukha ni Ara na naging sanhi ng kanyang pag gising, kasabay nito ang tinig ng anak ng kanyang tiya
"Ate Ara, nagaalala na sila tito sayo" nilingon lingon niya ang kanyang paligid ng mapansing walang tao maliban sa isang paro parong kulay ginto na nakadapo sakanyang kamay
kapansin pansin ang kulay puting kisame ng kanyang kwarto sa maynila ang bumungad sakanya (Bedroom reference above)
"Les?" tawag niya sa anak ng kanyang tiya
"Ara?" tawag ng kanyang ate
ng tingnan niya ito, ang mga mata ng nakakatandang kapatid ay nababahiran ng luha, bakas sa mukha nito ang pag aalala at kaba
kaba sa kadahilanang baka tuluyan ng mawala ang kanyang kapatid sakanya
at pag aalala na di na ito magising dahil sa dinanas nito sa Samar
"si Les?" tanong ni Ara sa ate niya
ang kaninang mukha ng pag aalala ay biglang naging imahe ng pagtataka,
'sino si Les?' katanungan sa isip ng kanyang nakakatandang kapatid
lumapit ang kanyang Ate sakanya, akmang papahigain siya nito
"Ate si Les? asan? ang anak ni tiya nasan?"
"sinong tiya?,tsaka sino si Les? alam mo Ara pagod lang yan matulog kana ha?"
"pero Ate, andito siya kanina narinig ko pa nga boses niya eh!"
"Ara pagod lang yan, walang Les dito o ano pa man ilang linggo kana sa kuwartong ito, walang batang pumasok o nandito okay?"
"pero... ibinilin siya saakin ni tiya Shalila, ate baka ano mangyari sa batang yun" desperado na talaga si Ara malaman kung nasaan si Les,
ang batang walang kamuwang muwang sa mundo ay naglaho na lamang na parang bula
"Ara, wala tayong tiya Shalila, kung meron man kwento kwento lang yun ni Lola, teka tatawagin ko si papa" nagmamadaling umalis ang kanyang ate sakanyang kwarto
naiwang bukas ng nakakatandang kapatid ang kanyang pinto, dahil sa pag aalala ni Ara sa bata, unti unti siyang bumangon sa kanyang higaan
kahit nanginginig ang mga paa ay sinikap niya paring makatayo at maglakad papunta sa pinto
hawak ang hamba ng pinto, inunti unti niya ang paglalakad nakaalalay ang sarili sa pader upang maiwasan ang pagkakatumba
ng malapit na siya sa hagdan, kahit nanghihinga ay sinikap niyang humakbang paibaba mahanap lang ang bata
sa kalagitnaan ng kanyang paghakbang sa gitna ng hagdan, nakita niya ang kanyang ama kasama ang kanyang ate at kasama ang kanilang doktor
kinakausap ng kanyang ate ang ama nila ng mapalingon ito sakanya
bakas sa mukha ni Theodoro ang pag aalala sa bunso, dali dali itong pumunta sa kay Ara upang alalayan ang kanyang anak
kapansin pansin ang buka ng bibig ng kanyang ama pero kahit anong tingin niya dito ay wala siyang maintindihan,
isang sakit ang kanyang naramdaman, ng makita niya ang kanilang doktor, hawak ang injection na nakaturok sakanyang braso
doon niya lang napansin ang walang katapusan niyang sigaw, sigaw na hinahanap ang batang si Les,
sa pagdilim ng kanyang paningin ang paro parong kaninay' naka dapo sakanyang mga daliri ay lumilipad sa ibabaw ng ulo ng mga taong nakapiligid sakanya
ang sa kanyang muling pag kurap nilamon na siya ng kadiliman.
Nararamdaman ni Ara ang dampi ng hangin sakanyang katawan, yakap ang sarili upang maproteksyonan siya sa lamig
nilibot ni Ara ang kanyang paningin sa paligid, lahat itim maliban sa isang likod na nakatalikod sakanya
"Ameca mea, alam mong kahit san kapa magtago makukuha at makukuha kita?"
gustong sumigaw ni Ara ng malaman niya ang nagmamay ari ng likod na iyon ay si Eld,
nagsisigaw si Ara, pagod na pagod siya sakanyang pagsigaw na kahit anong gawin niya ay walang lumalabas na boses
"Hihintayin ko ang pagbabalik mo mahal, Ameca mea, kusa kang babalik sakin, kasama ang batang iyan"
"Babalik ka saakin dahil kinakailangan, babalik ka sakin kasi saakin ka nararapat Ara, saakin!, walang ibang pwedeng mag may ari sayo kundi ako lang!" sa pagkurap ni Ara ang kaninang nakatalikod na lalaki ay biglang nasa harap niya na
hawak sa mga kamay ng lalaki ang kanyang balikat ng siilin siya nito ng halik, halik na parang totoo
halik na alam niyang kahit anong tanggi niya na mali ito ay parang tama
"akin kalang tandaan mo yan"
pagmulat ng kanyang mata bumungad muli sakanya ang tahimik niyang kwarto, habol ang hininga, tagaktak na pawis, at dibdib na sobrang bilis ang kalabog
ang panaginip na totoo para sakanya, mga luhang nag uunahan sa pagtulo sakanyang mata doon niya lang naiintindihan ang lahat
kahit anong tago mo makikita at makikita kapa rin.
----
namiss niyoko? syempre hindi tamad ako mag update eh 😣 kaya u dunt mit me :<, may tanong ako, kilala niyo ba ate ni Ara? kung hindi,ako rin di ko kilala eh hehehehedi ko maremember kung nabigyan ko ba siya ng name o hindi? 🤔 pacomment nalang ako kung nabasa niyo name niya ha? yes? mwapsss
BINABASA MO ANG
Sitio. Biringan
RandomThe hidden city of samar COMPLETED (WILL BE UNDER RECONSTRUCTION)