25

482 15 12
                                    

Chapter 25: Fight or Flight?

Ara's

"Kailangan natin si Ka'Perdeng" biglang sambit ni Papa, hawak ang mga kamay kong nanginginig sakanyang mga palad

"yung, yung tumulong kay Lola dati? pero Pa, matutulungan niya ba talaga tayo nun?" sagot ng aking Ate sa Ama naming nagpapanic na

"Oo, kunin niyo na ang mga gamit na kailangan niyo, yung mga magagamit niyo lang" sabi niya pa at nagsimula ng tumalikod

nilingon ko ang aming maliit na Altar, kung nasaan ang rosario ng aking Lola, binigay niya ito saakin nung bata pa ako kasi kakailanganin ko daw iyon

siguro, eto yung panahon na kakailanganin ko na iyon?, ng aking kunin ang rosario lahat ng kaba at panlalamig saaking katawan ay bigla na lamang nag laho

isinuot ko ang rosaryong pilak, at nagsimula nang umakyat para mag ayos ng gamit.

.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Ara? tapos kana ba diyan? naghihintay na si Papa sa labas" tawag saakin ng aking Ate

"Opo, tapos na po ba baba na ako Ate" sagot ko

bumababa nako at dun nakita ko si Papa naghihintay sa labas ng aming pintuan habang may naghihintay na Taxi sakanyang tabi

"Isarado niyo ang pinto, huwag kalimutan kandaduhan upang walang mawalang gamit sa loob habang wala tayo dito, at bilisan niyo narin naghahabol tayo ng oras" mahabang sabi ni Papa

isang tango lamang ang aking sagot at sinimulan ko nang iaayos ang aking mga gamit sa likod ng Taxi.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

sakay sa Eroplano, kami muli'y ngayon ay uuwing samar para hanapin si Ka'Perdeng, hawak ang pag asang sana ito na ang katapusan.
.
.
.
.
.
.
.
Pagbaba sa Catbalogan Airport, tumawag si Papa ulit ng Taxi papuntang Tarangnan kung saan nakatira si Ka'Perdeng

habang bumabyahe sa daan kapansin pansin ang mga malalagong puno na madadaanan mo, kahit san ka man tumingin kapansin pansin ang daan na walang mga ilaw, at buwan ay bilog na bilog, wala man lang ulap ang langit

mga paniking pawang sinasabayan ang aming sasakyan, mga kuliglig na habang tumatagal ay nakakabingi na, samahan mo pa ang katahimikang nakakabingi narin, at ang mumunting huni ng radyo ng Taxi, mga himig ng driver na sumasabay sa tono

at ang mga kamay kong nanginginig na sa lamig at takot, at ang mga puso naming tatlo na kumakalabog sa pangamba

huminto ang taxi sa isang daan kung saan walang semento pero nadadaanan,

"Dito nalang ako, masyado ng masikip kung papasok pa ang sasakyan diyaan"  sabi ng Driver, binayaran na ito ni papa at nagsimula na kaming maglakad papunta sa daang iyon

ang malansang amoy ang unang bumungad saaking ilong, sa pagtingin ko sa kaliwa nandoon mga laman loob ng mga hayop nakalambitin, ulo ng baka,manok, isda, kambing at aso nakalambitin rin, sa dulo nun ay isang maliit na kubo

dali daling pinuntahan iyon ni Papa at kinatok, isang matinis na ingay ang binigay ng pinto sa pagbukas nito

bumungad saamin ang isang matandang lalake, ang buhok ay parang di nasusuklay ng ilong taon, may tabacco sa bibig at may bandanang pula sakanyang noo

itinaas baba niya ang kanyang paningin saakin at bumuga ng usok

"pasok" sabi niya ng walang sabi sabi, ng kami ay pumasok ang kaba saaking dibdib ay domoble

"di ko aakalain na ang mapapangasawa ng impaktong yun ay maghahanap ng tulong saakin, at sa panong paraan kita matutulungan?" tanong niya saamin,

di na ako nagtataka bat alam niyang ako ang mapapangasawa ni Eld, ang bagay na ito ay laganap na sa kanilang mundo at sa mga albularyong ito

"Ayaw ko po mapunta sa lugar na iyon" sagot ko, hawak ang pilak na rosario saaking kamay

"HAHAHAHAHAHAHA mga tao nga naman, kapag ba tinulungan kita ano ang bibigay mo saakin?" ako ay nag iisip, ng makita ng aking mata ang umiilaw na kwentas na nakita ko sa mall, ang kwentas na di ko alam bat umiilaw kapag nalalapit saakin

kinuha ko iyon at binigay sakanya

"kapag sineswerte ka nga naman, ang susi sakanilang lugar ay nasasayo pala" sabi niya pa at tiningnan iyon ng maigi

"bat po pala ito umiilaw?" tanong ko

"ahh, umiilaw ito kapag may nakatakas na pag aari ng biringan, ang kwentas na ito ang susi kung saan malalaman nila kung nasaan ang mga taong iyon" sagot niya pa

bigla itong tumayo at tiningnan muli ako, parang buo na ang kanyang loob

"pero di ito sapat, Iha, gusto ko ang nasa leeg mo ang rosariong pilak na iyan, kanino yan galing?" tanong niya pa

"k-kay Lola ko po" sagot ng Ate ko ng di ako sumagot

ang Ama kong kanina pa ay nananahimik ay tumango kay Ka'Perdeng

"Kailan ka niya kukunin?"

"isang buwan po, sa susunod na kabilugan ng buwan" sagot

ko, tumango lamang ito at pumasok sa isang kwarto, mga kalampag ay naririnig at lumabas ito, hawak ang isang bagay

"ano po yan?"

-------------

Yes? sorry for the verrrrryyy lateeeee lateeee update, hope you like it, and hope na sana lahat ng sinalanta ng bagyo ay maayos rin ngayon, stay safe and please please pray always. I don't know what to say but stay safe.I Love you guys :<

Sitio. BiringanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon